Nang makarating ako sa village ay pinapasok agad ako ng guard na nakabantay doon. Nagtanong ako dito kung saan ang bahay ni tita Audrey at itinuro naman nito kung saan. Kaya agad akong pumunta doon. Subrang lawak ng lupain at medyo malayo ang mga bahay na narito. Actually, kung titingnan ay hindi lang ito matatawag na bahay, kundi mga mansion. Napabuntong-hininga na lang ako, subrang yaman pala talaga ng mga kasapi ng isang organization kung nasaan sina tita. Ilang minuto rin ay nahanap ko na rin ang bahay nina tita Audrey. Tulad ng ibang nakikita ko ay matatawag ring mansion ang bahay nila tita. May matataas na pader at malaking gate akong nakita. Bahagya akong bumisina, kaya may lumabas na guard at lumapit sa akin.
"I'm tita Audrey's guest, Scarmey," pakilala ko dito.
"Ay ikaw pala iyan ma'am, ipasok niyo na lang po ang kotse niyo," sabi niya at muling bumalik sa gate saka ito binuksan.
Kaya ipinasok ko na ang kotse na dala ko at itinuro naman niya ang malawak na parking lot. Nakita kong may mga kotse na naroon, kaya ipinark ko na ang kotse sa bakanteng space. Lumabas ako sa kotse at muling napatingin sa paligid. This is my first time to be in tita Audrey's house. Kaya hindi ko kabisado ang lugar. Naglakad ako at tinahak ko ang daan patungo sa isang malaking pinto. Hindi pa ako nakakalapit ng bumukas ang malaking pinto at lumabas si tita Audrey. Napatingin agad siya sa akin at napangiti.
"Come in," anyaya niya sa akin.
Kaya naman ngumiti ako sa kanya at sumunod.
"Welcome to our house, Scarmey," sabi niya sa akin.
"Thanks tita," nakangiting sabi ko sa kanya.
Sabay kaming naglakad dalawa patungo ata sa sala nila. Nang makarating kami ay may nakita akong tatlong tao, na masayang nag uusap. Napatingin ang mga ito sa amin ni tita.
"Oh, is she's your guest, Audrey?" tanong ng isang lalaki kay tita Audrey. Napansin kong medyo may hawig silang dalawa at pamilyar din sa akin ang mukha niya.
"So, she is Scarmey?" tanong ng isang babaeng nakaupo at nakangiting nakatingin sa akin.
"Good afternoon," bati ko sa kanila.
Sabay silang napatango sa akin. Inaya ako ni tita Audrey na umupo, kaya sumunod ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan.
"Will, I want you to meet my brother Jasdren and my Mother, Andrea and my husband Carvin," pakilala ni tita sa akin.
Kumaway lang ang mga ito sa akin at hindi maalis ang ngiti. Bigla na tuloy akong nagduda, na baka alam na ng mga ito kung sino ako.
"I'm glad to meet you, Scarmey," sabi sa akin ng ina ni tita. Pamilyar sa akin ang mukha niya, parang isa siya sa pinakilala ni Steffy sa akin, na isa sa founder ng organisasyon nila.
"The lunch is ready, let's eat together," anyaya ni tita sa amin.
Kaya tumango ang mga ito sa kanya at sabay na tumayo, maging ako ay napatayo na rin. Inakay ako ni tita para sumunod sa kanya. Nararamdaman ko pa rin ang ng ina ni tita sa akin. Kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"Bakit pala wala ang mga bata, Audrey?" narinig kong tanong ng ina ni tita sa kanya.
Pasimple akong tumingin sa kanya at na kay tita Audrey ang tingin niya.
"They have a mission," sagot ni tita.
Napatango lang ito sa sinabi ni tita at muling nagpatuloy sa pagkain. Ngunit napapansin ko pa rin ang kakaibang tingin nila sa akin. Hindi man nila sinasabi ay alam ko na marami silang itatanong sa akin. Uminom ako ng tubig at lumingon kay tita. Napansin niya akong tumingin sa kanya, kaya napatingin rin siya sa akin.
"Hindi na ako magtataka kung kilala na nila ako," sabi ko kay tita at bumaling sa tatlong taong nasa harapan namin, na kumakain. Napahinto sila at sabay na napalingon sa akin.
"What do you mean?" seryosong tanong ng kapatid ni tita Audrey. Napangisi ako.
"Ibig sabihin hindi niya alam?" sabi ko at bumaling kay tita Audrey.
Nasapo niya ang noo at napailing. Kaya bahagyang napataas ang kilay ko at muling tumingin sa kapatid niya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Anong sinasabi niya, Audrey?" nagtatakang tanong nito kay tita.
"It seems like, you have her attitude," sabi ng ina ni tita, kaya napatingin ako sa kanya.
Narinig ko ring natawa ang asawa ni tita at napapailing.
"You're right, mom," sang ayon nito sa sinabi ng ina ni tita.
"Wait, ipaliwanag niyo nga kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi niyo?" tanong ng kapatid ni tita at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat.
"She is Dhrevey's missing daughter.."
Natigilan ako nang biglang may nagsalita. Napalingon ako sa taong dumating at maging ito ay pamilyar sa akin. Humalik ito sa pisngi ng ina ni tita at ngumiti sa akin.
"Say what?!" gulat na sabi ng kapatid ni tita at napalingon sa akin.p Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya dahil sa pagkagulat niya.
"Yes, she is," sagot rin ni tita at napatingin sa kapatid niya.
Bigla akong nailang sa kakaibang tingin nila sa akin. Ibig sabihin, alam na nang pamilya ni tita kung sino ako. Hindi ko na naman kailangang magulat pero sadyang nakakagulat pa rin. Naalala ko bigla noong nasa hospital pa lang ako. Ang ama ni tita Audrey ang nag aasikaso sa akin minsan at ang lalaking dumating ay siyang ama ni tita Audrey, na isa rin doctor.
"Ibig sabihin, alam mo na kung sino ang anak ni Dhrevey pero hindi mo pa sinasabi sa kanya?" seryosong sabi niya kay tita Audrey. Hindi nakasagot si tita sa sinabing iyon ng kanyang kapatid. Kaya ako na ang nagsalita para sa kanya.
"Ako ang may gusto na huwag sabihin sa ina ko, kung sino ako. Kaya hindi kasalanan ni tita, kung bakit hindi pa alam ng ina ko ang lahat," sagot ko sa kanya.
Napalingon naman siya sa akin at napailing.
"Kung ganoon, dadagdagan mo pa ang pagpapahirap kay Dhrevey? She's a strong woman I've known, but a broken one. Kung ito ang kagustuhan mo, ikaw ang bahala. Hindi kami mangingialam sa gusto mo," sabi niya sa akin.
Napapailing siyang tumingin sa amin ni tita Audrey, saka siya tumayo at iniwan kami. Narinig kong napabuntong-hininga si tita.
"Don't mind him," sabi niya sa akin.
Napatango na lang ako at muling nagpatuloy sa pagkain. Habang kumakain naman kami ay panay ang kwento ng ina ni tita. Nalaman ko na half sister siya ng Lola ko. Naging magkapatid sila sa ina pero hindi raw sila magkadugo at alam ko na naman ang tungkol doon. Matapos kaming kumain ay palihim kong kinausap si tita, na may sasabihin ako sa kanya. Kaya inaya ako sa likod, kung saan naroon ang swimming pool.
"Anong sasabihin mo?" tanong sa akin ni tita Audrey.
"Alam na ni Ma'am Gailla kung sino ako. Sinabi mo ba sa kanya?" saad ko.
Napataas saglit ang kilay niya, bago sumagot sa akin.
"No, but knowing Gailla, she have many ways to found out something. She was a spy and a smart woman. Kung ikukumpara mo ako sa kanya, mas mautak siya at madaling makakuha ng impormasyon. Kaya hindi na nakakapagtaka kung kilala ka na niya," sagot sa akin sa akin ni tita.
Napabuntong-hininga ako at napatango. Napakahusay pala niya kung ganoon.
"I saw him again," sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Who?" aniya.
"He was in Ma'am Gailla's protection," muling sabi ko at tumingin kay tita. Nakita kong natigilan siya at nagtatakang nakatingin sa akin. Mukhang nalilito siya kung ano ang sinasabi ko.
"He's protecting my father. Siya ang nakakaalam sa kung ano ang tunay na nangyari sa ama ko," seryosong sabi ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Inaasahan ko na iyan, syempre kaibigan niya si Ma'am Gailla at kaibigan rin nila ang ina ko. Ngunit sa sitwasyong ito ay pareho nilang tinatago sa ina ko ang isang lihim, na dapat ay malaman nito.
"I can't believe this," sambit niya at napabuntong-hininga.
"Right, but for now, its up to me if I will show up. Ako ang magsasabi kung kailan ako magpapakilala at hindi mo ka dapat mangialam pa sa gusto kong mangyari, tita," seryoso kong sabi sa kanya.
Natingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.
"What do you mean?" naguguluhan niyang sabi.
"Sa pagkakataong ito, kayong dalawa ni Ma'am Gailla ay magiging tikom ang bibig tungkol sa akin. Lahat ng nakakaalam kung sino ako ay hindi dapat pinag uusapan ang existance ko. I'm using someone's identity. Kaya naman ayokong magkaroon ng problema dahil sa kilala niyo ako. Ako ang magsasabi kong kailan ako magpapakilala sa ina ko," seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita at iniisip mabuti ang sinasabi ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya. Kung gusto kong kilalaning mabuti ang ina, kailangan ko rin maging tikom ang bibig nila sa kung sino ako.