SCARMEY'S POV
Nakatingin ako ngayon sa papel na hawak. Ito ang ibinigay sa akin ni Ma'am Gailla at hindi ko alam kung pupunta ba ako sa lugar na ito, para makita at makausap siya. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam kung kailangan ko ba itong ipaalam kay tita Audrey. Magkaibigan sila pero nararamdaman ko ang kaibahan nila. Hays! Ano bang gagawin ko? Matagal akong nag isip, hanggang sa napagdesisyonan kong pumunta na lang sa lugar na iyon para makita si Ma'am Gailla.
"You Came.."
Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Ma'am Gailla na naglakad palapit sa akin. Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na ito. Basta sinundan ko lang ang address na binigay niya sa akin at ngayon nandito ako sa isang bahay. Simpleng bahay lang ito na gawa sa kahoy, kaya anong gagawin namin dito ni ma'am Gailla?
"Mukhang nag iisip ka sa kung ano lugar ito, tama?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako kaya bahagya siyang napangiti. Muli kong inilibot ang tingin sa bahay na nasa harapan namin.
"This house is where my mother stayed, when she's one of the Acapella before and this house is also her training area, come with me," sabi niya sa akin.
Sumunod ako sa kanya, nang maglakad siya patungo sa loob at pumunta sa may hagdan. May kung anong bagay siyang pinindot sa gilid ng hagdan at may bumukas na daan pababa. Naglakad siya patungo doon kaya sumunod ako.
Mukhang may secret room sila dito, na ginagawang training area. Maliliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa daan namin, na nasa bawat gilid nito. Habang naglalakad kami, pasimple akong tumingin kay Ma'am Gailla.
I can feel that she's a nice person. Nararamdam ko rin ang kakaibang aura niya, same as my mother.
"It seems like your comparing me to someone you know. Am I better than that person?" Bigla niyang tanong kaya napaiwas ako nang tingin sa kanya.
Hindi ako sumagot, kaya natawa lamang siya sa ginawa kong pag iwas.
"It's okay," natatawang sabi niya.
Tahimik lang kami habang naglalakad, hanggang sa may binuksan siyang pinto. Sabay kaming pumasok at bahagya akong natigilan ng makitang may isang taong nakatayo at nakatalikod sa amin. Nararamdaman ko ang pamilyar na aura sa kanya. Nasisiguro kong kilala ko siya.
Nang mapansin niya kami, bumaling siya sa amin na siyang ikinagulat ko.
W-Why he's here?
"We meet again,princess," sabi niya sa akin.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat ng makita siya. Mariin akong nakatitig sa kanya habang siya ay nakangiti sa akin. Bahagya kong pinikit ang mga mata ko, baka sakaling nagkakamali lang ako na nandito siya.
Bumaling ako kay Ma'am Gailla at nakita kong nakangiti rin siyang nakatingin sa aming dalawa. Bigla akong nalito sa naging sitwasyon namin.
"Y-You? W-Why are you here?" tanong ko.
Bahagya ko siyang tinuro at tumango naman siya sa akin.
"You look surprise my dear Miya, oh should I say Dhreammy Scarmeah. It seems like you already meet him," narinig kong sabi ni Ma'am Gailla.
Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Ibig sabihin ba nito...
"Y-You know?" nagugulat kong tanong sa kanya.
"You mean, the real you? Of course I know. Even if Audrey didn't tell me, I know already. Hindi lang naman siya ang naghahanap saiyo, marami kami pero mas nauna si Audrey kaysa sa amin. And I'm glad that we found you. That your father had found you," sabi ni Ma'am Gailla.
Hindi ko halos malingon ang lalaking tinutukoy niya. Kusang lumabas sa mga mata ko ang luhang hindi ko alam kong bakit kailangang mag unahan sa paglabas. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking nakangiti pa rin sa akin. Kusang napahakbang paatras ang paa ko na ipinagtaka ng mga mata niya. Napapailing ako habang nakatingin sa kanya.
"You? Are really my father?" nagugulat kong tanong dito.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng lungkot habang nakatingin sa akin. Mukhang alam na niya na talagang nagulat ako at kilala ko na siya.
"Yes, princess. I know it's hard for you to accept me. But yes, I am your father," pag amin niya.
Napapikit ako habang umiiyak sa harapan niya. Naikuyom ko ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako, dahil sa nalamang nandito sa harapan ko ang ama ko. Ang ama ko na inakala nilang matagal ng patay.
"Dhreammy, I'm really sorry for everything, But I'm really glad that I found you," malumanay niyang sabi at nakita ko ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Akmang lalapit siya sa akin ng muli ako akong umatras.
"Y-You don't have to say sorry. D-Dahil sa tingin ko hindi iyan para sa akin. A-Alam mo kung para kanino iyan, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit sakit. Hindi ko kayo sinisisi sa mga nangyari sa buhay ko pero ngayong nalaman ko na kung sino ako at kung sino kayo. Pakiramdam ko, parang pinaglaruan ako ng tadhana dahil mas masakit ang pinagdaanan ng ina ko dahil sa ginawa mong pag iwan sa kanya. Parang ako iyong nasasaktan para sa kanya. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? For 18 years, na inakala niyang patay ka na. Ngunit mas ginusto mo pang mahanap ako sa mga taon na iyon, samantalang siya?Nahihirapan dahil sa pagkawala ng taong importante sa kanya. Sabi mo mahal mo siya, kung mahal mo siya dapat hindi mo siya hinahayaang magdusa ng mag isa. Hindi sapat ang salitang 'handa ka nang mamatay sa mga kamay niya'. Sa tingin mo ba papatayin niya ang taong minahal niya at bumuo ng dalawang tao kasama ka? Hindi naman siguro kami mabubuo kung hindi niyo minahal ang isa't isa," mahabang lintaya ko sa kanya habang umiiyak. Pinaramdam ko sa kanya ang hinanakit ko dahil sa ginawa niyang pagtatago. Habang nagdudusang mag isa ang ina ko.
Hindi siya nakapagsalita sa mga sinabi ko. Bumaling ako kay Ma'am Gailla.
"Ikaw, Ma'am Gailla. Siguro naman tapat kang kaibigan ng ina ko. Alam mo kung ano ang pinagdaanan niya pero nagawa niyo siyang linlangin. Hindi dahilan ang pagkawala ko para maglihim ka sa kanya. Wala akong alam sa kung ano ang tumatakbo sa mga isip niyo. Ngunit kaibigan niyo siya, sana man lang 'wag niyo siyang gawing tanga," sabi ko kay Ma'am Gailla na umiwas nang tingin sa akin.
Pinahid ko ang luha ko saka muling silang tiningnan dalawa.
"Sige, ipagpapatuloy natin ang paglilihim na ito. Ngunit gusto kong makilala ng mabuti ang ina ko, kaya sana 'wag kayong makigulo sa nais ko,"mahinahon kong sabi sa kanila.
Napatingin naman si Ma'am Gailla sa akin at bahagyang napataas ang kilay dahil sa sinabi ko. Inalis ko ang tingin sa kanya at tumingin ako sa ama ko, na malungkot na nakatingin sa akin.
"At isa pa, hindi lang ako ang anak mo. Isipin niyo rin iyan at bago kayo humingi ng tawad sa akin, humarap ka muna sa ina ko at sa kanya ka humingi ng tawad," seryosong sabi ko saka ko sila iniwan.
Napabuntong-hininga ako.
This is really Unexpected. Kamakailan ko lang siya nakita at nalaman kung sino siya. Tapos ngayon makakaharap ko ulit siya at ganito pa ang mangyayari? Alam kong dapat ko itong ikatuwa dahil nakita ko na siya, na nakilala ko na ang ama ko. Ngunit sa estado ng aking ina, hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Nais kong magkaayos sila, kung magpapakita siya sa ina ko at doon humingi ng tawad. Para naman maging buo na kami at walang kahit sino ang maglilihim.
Umalis na ako sa lugar na iyon at pabalik na sana sa villa, nang tawagan ako ni tita Audrey. She invited me to have a lunch, together with her family. Kaya hindi na ako tumanggi at pumunta na lang kung saan siya nakatira. Alam ko na rin naman kung saan siya nakatira dahil sinabi na sa akin ni Ranzy. Nag research na rin ako tungkol sa mga L.K members at marami akong nalaman, lalo na at may access na ako sa M.A. Nalaman kong nasa iisang Village lang nakatira ang halos membro ng L.K. Sa isang Village na pagmamay ari rin ng mga Assassin.
I signed. Hindi ko kayang isa-isahin ang lahat ng membro kung saan sila nakatira, dahil sa subrang lawak na hawak ng kanilang organisasyon ay talagang matatagalan bago malaman kung ano ang mga propesyon nilang lahat. Sa ngayon, ang buhay ko muna ang aking aalamin at kung sino ang mga dapat ko pang kilalanin.