Chapter 50

2055 Words
FRANCESS POV Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari at mga sinabi niya. Naiintindihan ko naman siya. Siya iyong naging biktima sa kagagawan ng pamilya ko, kaya galit rin siya sa akin. Ang tanging magagawa ko lang ay harapin ang galit niya. Ngunit ngayon hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko alam kung paano ko siya makikita ulit, dahil sigurado akong mahigpit na ang mga ito sa kanya. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto dito sa bar counter namin sa second floor ng mansion. Kaya nasisiguro akong kilala ko kung sino ito. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Francess? I told you to stay away from her. Why are you still following her?" narinig kong sabi ni ate. Mahina lang ang pagkakasabi niya, na sa tingin ko ayaw niyang marinig siya nina Mommy. Hindi ako sumagot at patuloy sa pag inum ng hawak kong alak. Bigla niya iyong inagaw sa akin "Please Francess, listen to me," mariing pakiusap niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at ingaw sa kanya ang alak pero mas nilayo niya iyon. Kaya kumuha ako ng isa pang alak saka binuksan at nilagok. Akmang pipigilan niya ako, nang ako mismo ang lumayo sa kanya at tiningnan siya ng mariin. "You want me to stay away from her?Ngayon pa na nahanap ko na siya? I told you before that I will find her and protect her. That's why, I really want to protect her now, that's all I can do for her," seryoso kong sabi sa kanya. Napailing siya at binigyan niya ako ng masamang tingin. "If you really care for her, then stay away from her. That's the only way that you can protect her," mariin niyang sabi sa akin. "I want to be with her," tanging sagot ko sa kanya. "Are you really damn stupid? You know our grudge to them. Why are you still insisting yourself to be with her? Francess, kahit pa protektahan mo siya, may pakialam ba siya? She's mad. She hate us. So please stop it," sabi niya at pinipigilan lang ang sarili na hindi ako masigawan. Umiling ako. Desidido na ako sa gusto ko at alam kung may magagawa pa ako para kay Scarmey. "May magagawa ako ate. Alam kong may magagawa ako para matigil kung ano man ang alitan ng dalawang pamilya kahit pa... ako ang magiging kapalit," mariing sabi ko sa kanya. Isang sampal ang binigay niya sa akin, dahil sa sinabi ko. Kaya napangiti ako at muli siyang tiningnan. "Mahal ko siya ate, at kahit ano pang gawin niyo, ipaglalaban ko siya," seryoso kong sabi. M ariin niya akong tinitigan. Ngunit mayaya ay natigilan ako ng ngumisi siya sa akin. Isang kakaibang ngisi iyo na para bang may binabalak siyang gawin. "Isang pindont ko lang Francess, makukuha ko si Scarmey. Kaya 'wag mo kong piliting gawin ang ayaw kong gawin. Ayokong mapahamak ka dahil sa kanya pero kong gagawa ka ng hakbang, sisiguraduhin kong hindi ka na niya makikilala pa. Dahil hindi na siya magiging tao, kundi magiging isang robot na siya. Naiintindihan mo ang ibig kong sabihin?" nakangisi niyang sabi sa akin. H umakbang siya palapit sa akin at hinaplos ng bahagya ang pisngi ko. "I will be gentle to her, if you will obey me, my dear brother. Ngunit kong magmamatigas ka, pagsisisihan mo," muli niyang sabi. Matapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya upang lumabas, ngunit napansin kong napahinto siya. "So, I'm done. For sure, gaya ng sabi mo. Madali mo lang siyang makukuha. Then, lets do it. Just for your brother, my dear.." Natigilan ako ng marinig ang boses ni Mommy. Kaya lumingon ako sa gawi niya. Nasa bungad siya ng pinto habang nakaharap sa kanya si ate. She heard everything! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Tila ba naghalo-halo iyon. Ang kaba, takot at pag aalala, dahil nasisiguro kong may binabalak siya lalo na sa kung sino ang tinutukoy naming dalawa ni ate. Nakita ko siyang naglakad papasok sa loob at nilagpasan si ate, na bahagyang napatulala. Nilapitan ako ni Mommy at kakaiba ang ngiti niya sa akin. Hinaplos niya pisngi ko at kinuha ang alak na hawak ko, siya mismo ang uminom nito. "Kaya pala parang familiar siya sa akin, sa amin dahil isa pala siya sa mga naging alaga natin, right ija?" sabi ni Mommy at bumaling kay ate. Nakita ko si ate na dahan-dahang lumingon sa gawi namin. Nakita ko ang walang reaksyon sa mukha niya. "You're doing great, ija. Kung hindi dahil saiyo ay siguradong hindi siya magiging special di ba? Haha, ijo 'wag kang masyadong magalit sa ate mo. Inaalagaan naman niya si Scarmey, kahit na ginagamit namin ang katawan niya. Your sister was giving her a vitamins, just to prevent a strong body. Kaya nga malakas ang katawan niya dahil sa pag aalaga ng kapatid mo," sabi sa akin ni Mommy. Tinapik ni Mommy ang balikat ko, saka humarap sa akin. Inayos niya pa ang suot kong damit, na tila nagusot iyon. "Don't worry, son. I will do everything for your happiness. You can be with her," sabi niya sa akin at ngumiti. Mayamaya ay muli siyang tumingin kay ate at tumalikod na sa akin. "Let's talk in the library," sabi ni Mommy kay ate at nauna ng lumabas sa pinto. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabing iyon ni Mommy. Nasisiguro kong hindi niya palalampasin ang mga nalaman niya mula sa amin ni ate. Napatingin si ate sa akin. "Make your decision now, before it's to late," tanging sabi niya at tumalikod na sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Bigla akong nalito sa mga nangyari. Kilala ko si Mommy, ganoon lang iyon magsalita pero kabaliktaran iyon ng totoo niyang motibo. Hays!       THIRD PERSON'S POV Sumunod si Francine sa library, kung saan naghihintay ang kanyang ina na si Prescilla. Kahit hindi nito sabihin ay alam na niya kung ano ang pag uusapan nilang dalawa. Ayaw nitong marinig ni Francess kung ano man ang pag uusapan nila, kaya nasisiguro niyang pagagalitan siya nito. Nang makarating siya sa library ay binuksan niya ang pinto at nakita niya ang kanyang ina na nakatalikod sa kanya, habang nakatayo. Isinara niya ang pinto at naglakad palapit sa kanyang ina. Ngunit napahinto siya, nang mula sa kamay nito ay may lumabas na mahabang latigo. Lumingon ito sa kanya. "If you made a mistakes, then kneel and accept your punishment," mariing sabi nito sa kanya. Hindi nagsalita si Francine. Itanggi man niya o hindi ay pareho lamang ang magiging resulta. Makakatanggap pa rin siya ng parusa mula rito. Kaya naman, dahan-dahan siyang lumuhod sa harap nito at napayuko. "I've trusted you, Francine. I can't believe that you are the one who betray me. For the sake of that girl, you will turn me down? I am your mother, so, you need to obey me," seryosong sabi ng ina niya sa kanya. Nanatili pa rin siyang tahimik at hinayaan lamang itong magsalita. Naglakad ito palapit sa kanya, habang hila-hila ang latigo na hawak nito. "You are my daughter, but I can't tolerate your action and mistakes," mariing sabi nito at biglang hinampas sa kanya ang hawak nitong latigo. Napaigik siya, nang tamaan siya sa bandang heta niya. Napapikit lamang siya at walang naging ingay mula sa bibig niya, bukod sa kanyang pagkagulat sa ginawa nito. Dahil may matutulis na bagay sa latigo nito ay agad siyang nasugatan. Napatango naman si Priscella dahil sa ginawa niya dito. Alam niya kung gaano katigas minsan ang ulo ni Francine. Ngunit ngayon lang niya ulit ito ginawa dito, dahil sa ginawa nitong katangahan. Matapang si Francine at saksi siya sa kakayahan ng kanyang anak bilang isang doktor at scientist. Kaya nga dito niya ipinamahala ang lihim na negosyo nila at mga laboratoryo. Walang alam si Francess sa ginagawa nilang plano, ngunit sa tingin niya ang alam na rin ng bunso niya kung ano ang mga iyon. "Alam mo naman kung ano ang pinakaayaw ko sa lahat di ba? Kaya sigurado akong maiintindihan mo kung bakit ako nagagalit saiyo. Kilala mo na pala ang anak ni Dhrevey, ngunit wala kang sinasabi sa akin. Alam mo na pala kung nasaan ito, pero hindi ka man lang nagsalita. Nasa harapan ko na at nagpakilala, hindi mo pa rin sinabi. Tapos malalaman ko pa na magkakilala na sila ni Francess noong bata pa sila, maging iyon hindi mo sinabi. Ang laki na nang katangahang ginawa mo, Francine. Pinamukha mo rin kaming mga tanga sa kakahanap sa anak ni Dhrevey, iyon pala kilala ko lang ang taong may alam kung sino ito, tsk!" naiinis na sabi nito. Umikot si Priscella sa likod ni Francine at doon bigla na naman niya itong hinampas. Hindi man lang dumaing si Francine at iniinda lang niya ang ginagawa nito sa kanya. "I am mad, Francine. Mad, that can kill a person right now. Kung hindi lang kita anak ay kanina ko pa pinulupot sa leeg mo ang latigong ito. Ngunit dahil anak kita, bibigyan kita ng pagkakataong itama ang katangahan mo, kunin mo siya at iharap sa akin," muling sabi nito. Bahagyang natigilan si Francine sa sinabi ng kanyang ina. Naglakad naman paharap sa kanya si Priscella at pumantay sa pagkakaluhod niya. Hinawakan nito ang panga niya at iniharap ang mukha dito. "I want you to take her back," seryosong sabi nito. Hindi nakapagsalita si Francine sa sinabi ng kanyang ina. Tinitigan siya nito ng mariin. "Don't disappoint me again, Francine," muling sabi nito at binitawan ang mukha niya saka ito tumalikod sa kanya. "Go, and do what I've said," sabi nito. "Y-Yes, mother," sagot ni Francine at dahan-dahang tumayo. Halos matumba siya dahil sa kawalan ng lakas dahil sa natamo niyang sugat, mula sa latigo ng kanyang ina. Inayos niya ang tayo niya at tumalikod na sa kanyang ina. Paika-ika siyang naglakad palabas sa library nito. Pagkasara niya ng pinto ay napasandal siya sa gilid at napapikit. Ngayong alam na ng kanyang ina ang matagal na niyang itinago dito ay wala na siyang magagawa pa ngayon kundi sundina ng utos nito. "Ate?" Napamulat siya at napatingin kay Francess na nagulat sa kalagayan niya. Agad itong lumapit sa kanya at tinulungan siya. Hinayaan niya itong tulungan siya at inalalayan siya nito patungo sa kanyang silid. "Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Francess sa kanya, nang maiupo siya nito sa couch dito sa kanyang silid. Hindi nagsalit si Francine at itinuro lang nito ang medicine kit, na nasa kabinet nito. Kinuha iyon ni Francess at ibinigay dito. "Ate," tawag ni Francess sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin at ginamot lamang niya ang sarili. Walang nagawa su Francess kundi ang tulungan siyang magamot ang sugat niya. Nang magamot na niya ang mga sugat niya at nanatili pa rin si Francess na naghihintay sa kung ano ang sasabihin niya. "Ate, please tell me what happen," muling sabi nito sa kanya. Tumingin si Francess sa nakababatang kapatid at mariing tinitigan. "Hahayaan kita sa kung ano man ang magiging desisyon mo. Maging kalaban niya o maging kalaban ng sarili mong pamilya. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo sa kanya, ngunit pag isipan mong mabuti kung ano ang pweding mangyari, Francess. Hindi ko na maaaring protektahan si Scarmey, laban kina Mommy. Kaya kung gusto mo siyang protektahan, ikaw ang magiging dehado sa huli. Dahil kapag nalaman ng pamilya niya kung sino ka, kahit ipagsigawan mo pa na mahal mo siya, kalaban pa rin ang turing nila saiyo. Kaya pag isipan mong mabuti kung sino ang kakampihan mo, maliwanag?" mahabang paliwanag niya sa kapatid. Nakita niya kung paano ito natigilan, matapos nitong sabihin iyon. Hindi nakapagsalita si Francess at biglang nalito. Tinapik ni Francine ang balikat nito at ngumiti. "Ngunit sa pagkakataong ito, ikaw lang ang makakapagligtas ni Scarmey sa kamay nina Mommy. Kung mapapatunayan mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal, nasisiguro kong ipaglalaban niya rin kung ano man ang nararamdaman niya saiyo. Ngunit huwag kang masyadong umasa na may nararamdaman siya saiyo. Dahil ngayon galit ang nasa puso niya sa pamilya natin, kung hindi mo siya kayang sukuan, patunayan mo sa kanya. Subalit ipapaalala ko rin saiyo ang magiging estado mo sa pamilya natin, kapag ginawa mo iyon," muling sabi niya kay Francess. Napabuntong-hininga si Francess at napatango sa sinabi niya dito. Napangiti na lang si Francine at niyakap ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD