Chapter 49

1518 Words
SCARMY'S /MIYA POV "Handa ka na ba?" tanong sa akin ni tita, nang ihinto niya ang kotse sa isang malaking gate. Nakikita ko ang mahahabang pader sa paligid, na tulad sa M.A.U ay ganoon rin dito. Hindi basta-basta makakadaan sa mga pader na nasa gilid. Tumingin ako kay tita at tumango. Ngumiti siya sa akin. Mayamaya ay may umilaw sa gate at saka lamang ito unti-unting bumukas. Mukhang automatic na kaagad na nakakapasok si tita dito. Pagpasok namin sa gate ay isang madilim na bahagi ang nadaanan namin. Subrang dilim at wala ka talagang makikita. Nang makaalis kami sa madilim na bahagi ay napapikit pa ako sa liwanag na bumungad sa amin, saka ko lamang binuksan ang mata ko at doon bumungad sa akin ang lawak ng paligid. Ilang mga nagtataasang building ang nakikita ko at may mga puno rin sa paligid na naging atraksyon sa lawak ng lupain. Namamangha akong napapatingin sa paligid. Ito ba ang sinasabi ni tita na, Acapella? "It's nice and refreshing, right? But it's also a dangerous place," biglang sabi ni tita, habang abala ang mga mata ko sa paligid. Napansin kong patungo kami sa isang parking lot. Nang mai-park na niya ito ay lumabas na kami sa kotse. Doon ko lang naramdaman ang kakaiba sa paligid. Klase-klaseng aura ang nararamdaman ko. "Let's go," tawag sa akin ni tita kaya sumunod na ako sa kanya. "Kapag nakaharap mo na siya, huwag kang masyadong tumingin sa kanya dahil mararamdaman niya kaagad ang mga tingin mo sa kanya," paalala niya sa akin. Tumango ako sa sinabi ni tita at tahimik kaming naglalakad. Nang pumasok kami sa isang building ay may nakakasalubong kami, na yumuyuko sa kanya at napapasulyap naman sa akin. Nagtataka man ako ay hindi ko na lamang ito binigyang pansin. Nang sumakay naman kami sa elevator ay lumabas agad ang may sakay nito dahil nakita kami o si tita Audrey. Kaya kaming dalawa lang ang nasa elevator ang nakasakay. "Bakit sila lumabas?" nagtatakang tanong ko kay tita. Tumingin siya sa akin. "I'm one of the council of Acapella and also, they knows that I am the Mafia Empress. As the rule here, hindi maaring sumabay ang mga empliyado o mababang ranggo na sumabay sa aming mga nakakataas na council, lalo na dito. Kailangan nila kaming paunahin bago sila," paliwanag ni tita. Napatango-tango ako. Ganoon ba dito? Mukhang nakaramdam na ako nang pag aalilangan. Iyon pa lamang pero nawawalan na ako ng lakas nang loob. Hays! Nang bumukas ang elavator ay naglakad ulit kami sa mahabang glass floor. Mayamaya ay huminto si tita sa isang pinto at bumaling sa akin. "This is her office, so good luck and stay calm, okay?" sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at tumango sa kanya. Pinakalma ko ang sarili ko at nakita kong binuksan ni tita ang pinto. "That blood phantom, are they making fun of me, huh? Gailla?" Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang matangkad na babae na nakatayo. Nakilala ko kaagad siya. Tila naging mabagal ang oras sa paligid namin, habang nakatingin ako sa kanya. Ang kakaibang aura na nararamdaman ko sa kanya ay para bang tumatagos sa katauhan ko. Biglang naghalo-halo ang nararamdaman ko. Gusto kong ngumiti, umiyak at yumakap sa kanya. Ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong maging magulo ang plano ko dahil sa aking nararamdaman ngayon. "I like that stare of yours, young lady.." Bigla akong natauhan sa iniisip ko, nang marinig kong sabihin niya iyon at lumingon sa gawi ko. Napalunok ako at agad na napayuko. "I-Im sorry, Empress," hinging-paumanhin ko sa kanya. Napansin kong naging tahimik ang paligid, kaya napaangat ang tingin ko sa kanila at nakita kong sa akin silang lahat nakatingin, maging si tita Audrey. "Who is she, Audrey?" narinig kong tanong ng isang matandang babae. Ngunit agad akong natigilan nang mamukhaan siya. Sandali! Bakit kamukha niya ang lola ko? Di ba patay na siya, kaya bakit nandito siya? "She's Miya Moon, the one whom I recommend to Dhrevey as Shan's new butler," pakilala sa akin ni tita Audrey. Sabay silang napatingin sa akin, maging ang ina ko na hindi maalis ant tingin sa akin. Maging ang isang babaeng kaharap niya ay nakataas-kilay na tiningnan ang kabuuan ko. "Oh, Really? A lady?" nagtatakang sagot nito at bumaling sa aking ina. Ngunit naroon pa rin ang kakaibang tingin niya sa akin. "Ngunit bakit ganyan ang mukha niya? Hindi iyan ang mukha na nakita ko sa litrato, na sinasabing si Scarmey," nagtatakang sabi ng ina ko habang nakatingin kay tita Audrey. "Yeah, right. I saw her face too, then what is it now?" sabi naman no'ng isang babae. Napasulyap sa akin si tita Audrey. Well, I use one of they're weapon, the fake face. "She's using a fake face that time, because of her mission and this is her true face," sabi ni tita Audrey. Sabay naman silang napatingin sa akin at muli akong sinuring mabuti. Hindi ko alam pero, nakaramdam ako nang kaunting kaba sa mga tingin nila sa akin. "She need to use her true face, just to avoid Francess and also Shan," paliwanag ni tita. "Shan? Why him?" nagtatakang tanong ng ina ko. "They know each other," tanging sagot ni tita. Kaya muling nalipat sa akin ang tingin niya. Napayuko ako sa kanya. "Explain," sabi niya sa akin. "We accidentally meet before. I'm on a mission in Monte University that time, so he knows me and we... we become friends," sagot ko sa kanya. Nag angat ako nang tingin at nakita ko siyang napatango. "Okay, since you know him. How could you handle him?" tanong niya sa akin. Napangiti ako. "I have ways, Empress. I hope you can trust me," tanging sagot ko sa kanya. Mariin siyang napatingin sa akin. Mayamaya ay tumango siya. "Okay, I will give you a chance to do that mission. But once you failed, you will face your consequences, understand?" sabi niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. "Yes, Empress," sagot ko. "Okay, now please leaves us alone. You can wait, Audrey outside. I will tell her everything you need to do," sabi niya sa akin. Tinaas niya lang ang kanya kamay saka tumango sa akin, kaya tumalikod na ako. Naglakad na ako palabas at nang makalabas na ako, doon na ako napabuntong-hininga. Napasandal ako sa gilid ng pader at napapikit. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Last week lang ng malaman ko kung sino ako. I still don't know what I'm really going to do and now I'm here. I already meet my mother but she doesn't know me. Ngunit kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko, para na rin ito sa kagustuhan kong makilala pa siya ng lubusan. Biglang bumukas ang pinto at akala ko si tita ang lumabas. Ngunit hindi pala. Siya iyong kausap ng ina ko kanina, no'ng pumasok kami ni tita. "Hai," bati niya sa akin. Agad akong napayuko sa pagbati niya sa akin. "Hello din po," sagot ko sa kanya. "I'm Gailla, but you can call me tita," sabi niya sa akin. Nag angat ako nang tingin sa kanya. Ngayon ko lang siya nakilala, kaya wala akong alam tungkol sa kanya. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. "Do you want to familiarize the place?" mayamaya ay tanong niya. "Nakakahiya naman po, kung sasamahan niyo ko m-ma'am Gailla," sagot ko. Tumawa lang siya sa sinabi ko at napailing. "Huwag kang mahiya, kng kay Dhrevey mo iyan sinabi, for sure ipapahiya ka no'n. Don't say that again, huh? Lets go," anyaya niya Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanya, habang sinasabi ang bawat lugar na nadadaanan namin. Tinuturo niya rin ang bawal at hindi pinupuntahan ng katulad ko o hindi mga council ng acapella. Acapella is a huge place. May Arena akong natatanaw sa di-kalayuan at malaki ito. May dalawang malalaking tower sa kaharap namin na building at sigurado ako na mayroon pa silang tinatagong lugar dito, like underground. "I know you are not spy.." Natigilan ako dahil sa narinig ko sa kanya. Napalunok ako at napatingin sa kanya. Ngunit nasa malayo ang tingin niya. "But, I will never interfere of what plan you have. I'm just giving you a warning. Dhrevey is not a simple woman or leader. Audrey know's her very will, that's why you need to be careful. This place is not a playgroud that you wanted to played, do you understand what I'm saying?" seryoso niyang sabi at bumaling sa akin. Hindi ako nakapagsalita. "This place is for those people who's strong and have a skills to kill. Base on what I notice about you. You have a low skill level, you need to practice more. Before you go back here tomorrow, meet me. I will give you the address," sabi niya. Ngumiti siya sa akin. May kinuha siya sa wallet niya at binigay sa akin. "I will wait for you," sabi niya at iniwan na ako. Napatingin ako sa address na binigay niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. May tiwala ako sa kanya, pero hindi ko maiwasang kabahan. Hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD