Chapter 48

1440 Words
      Tiningnan  ko ang kwarto ko dito sa condo kung saan ako tumuloy ng ilang buwan. Kinuha ko ang ilang gamit na pwedi kong gamitin sa pag alis ko. Nagpaalam ako kay tita na kukunin ko ang ilang gamit ko dito, para ilipat sa Villa. I sighed. Sinara ko ang pinto ng aking kwarto at naglakad patungo sa sala. Ngunit natigilan ako, nang makita kong sino ang taong nakaupo sa couch at napatayo ng makita ako. "Scarmey," tawag niya sa akin. "Francess?" nagtatakang sabi ko. Bakit siya nandito ? Hindi ako makakilos dahil sa pagkabiglang nandito siya. Hindi ko lubos maisip na pupunta pa siya dito. Paano naman niya nalaman na nandito ako? Hindi kaya sinusundan niya ako? "Scarmey," muli niyang tawag at lumapit sa akin kaya napaatras ako. "Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya. "I just want to see you. How are you?" sabi niya sa akin. Bahagya akong napasinghal dahil sa tanong niya. Seriously? May gana pa talaga siyang tanungin ako? "You really have a guts to see me? Huh, for what? Anong kailangan mo sa akin," napapasinghal kong sabi sa kanya. "Scarmey, I know that you already knows who you are. Sinabi sa akin ni ate, na alam ni Mrs. Audrey ang lahat saiyo at baka nasabi na saiyo kung sino ka. Kaya gusto kong makausap ka tungkol s—" "It doesn't matter now, if I know already who I am. Bakit? Anong pakialam mo kung alam ko na kung sino ako? At kung alam mo na pala kung sino ako. Bakit ka pa nagpakita sa akin ngayon? Para saan?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita. Matagal siyang nakatitig sa akin, kaya inirapan ko siya at nilampasan. Ngunit bago pa ako tuluyang makalagpas sa kanya ay nagsalita siya. "I failed to protect you before, that's why I want to protect you now," sabi niya. Napangisi ako at hindi makapaniwalang napatingin sa sinabi niya. Seryoso ba siya? "You? You want to protect me?Haha!C'mon Francess! Sino ba ako saiyo para protektahan mo? Remember we are enemies. So, you don't have to protect me," mariin kong sabi. Napansin ko ang panglalambot ng mga tingin niya sa akin, na para bang nanghihina siya dahil sa mga sinabi ko. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Iniisip ba talaga niya na kailangan ko siya? "Alam ko ang ginawa ng aking pamilya saiyo. Kaya hindi ko rin matatanggap ang nangyari saiyo. I promise you before, that I will protect you but I failed. Because I lost you, I tried to find you but you are no where to be found. Ang hindi ko alam, hawak ka na pala ng pamilya ko at ginawang h-human tester," aniya. Naikuyom ko ang aking kamay at galit na nakatingin sa kanya. "Alam mo naman pala ang dahilan, bakit ka pa nandito? Ano ba ang gusto mo? Ano ba talagangng kailangan mo sa akin?" mariin kong tanong sa kanya. Alam niya ang lahat, pero bakit hindi niya pa rin maintindihan ang nangyayri sa amin? Bakit niya kailangang gawin ito? Bakit niya pa ako kailangang puntahan at sabihin ang mga ito sa akin, ganoong wala naman akong pakialam sa kanya. "Because I need you. I want you. You are important person in my heart. I do love you, Scarmey," pagsusumamo niyang sabi sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin ng isipan ko. This is not the first time that he said about what he feels for me. Bigla akong nalito dahil sa sinabi niya, na dapat ay hindi ganoon. Bakit niya sinasabing mahal niya ako? Ganoong alam niya kung ano kaming dalawa. Napayuko ako at naikuyom ko muli ang kamay ko. Hindi ako nagsalita at nag iisip ako kung ano ba ang sasabihin ko. "Scarmey, totoo ang sinasabi ko. I do love you and I will do everything to protect you. Kahit kalabanin ko pa ang pamilya ko para saiyo," malumanay niyang sabi sa akin. Naramdaman ko muli ang paglapit niya sa akin, kaya napaatras ako at tiningnan siya ng mariin. "Are you really crazy? Francess, you know who we are! Kaya 'wag mong ipagpilitan iyang nararamdaman mo, dahil walang mangyayari. Isa pa kahit buong mundo pa ang kalabanin mo, hinding-hindi ako magiging saiyo. Dahil alam ko, na kapag pinagbigyan kita para ko na ring kinalaban ang sarili kong pamilya na hindi ko nakasama dahil sa ginawa ng pamilya mo! Tama na Francess, dahil kapag nagpakita ka pa sa akin wala na akong pakialam kung anong gawin nila saiyo," seryoso kong sabi at tinalikuran niya. "Scarmey, sandali," tawag niya sa akin. Natigilan ako ng may kung anong bagay ang dumaan sa akin. Kaya napalingon ako kay Francess. Nakita kong may isang kunai ang tumama kamay niya. Nagulat ako sa aking nakita at napalingon kung saan ito galing. "Sinabi na niyang layuan mo siya kaya lumayo ka na.." Sabi no'ng pamilyar na boses at nakita ko si Ranzy. "Ayos ka lang ba?" tanong niya at bumaling sa akin, kaya bahagya akong tumango. Hinila niya ako at tinago sa kanyang likod at hinarap si Francess. "Hindi lang iyan ang aabutin mo, kapag nagpakita ka ulit sa kanya. Stay away from her. Let's go Scarmey," anyaya ni Ranzy at naglakad na kami palabas. "Haha!" Sabay kaming napahinto dahil sa biglang pagtawa ni Francess. Napalingon kami sa kanya. Ngunit isang ngiti ang binigay niya sa akin, matapos niyang tumawa. "I will do everything, Scarmey, " sabi niya. Hinila na ako ni Ranzy. Kaya tumalikod na ako sa kanya. I don't know but when he said that, I feel relief. Napailing ako. Ayokong maging katulad niya. I don't want to feel the same, like what he feels now. Ngunit mayroon sa loob ko na nalungkot at hindi ko alam kung bakit. Hays!     "He's f*****g crazy," sambit ni Ranzy ng makasakay kami sa kotse. Yeah right. He's really crazy, but I still have a doubt. If he really saying the truth. Malay ko kung ginagamit siya ng pamilya niya, para makuha ulit ako. Right! Bakit ngayon ko lang naisip na baka ganoon nga ang gusto nila. Ang makuha ulit ako gamit si Francess. I sighed. "Are you okay? 'Wag mo nang isipin ang lalaking iyon. He's our enemy, we should kill him instead of leaving him there," seryoso niyang sabi. "Hayaan na natin siya. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin. By the way, why are you there?Sinusundan mo ba ako?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Siguro? Haha! I just want to know where you are nor what you're doing," sabi niya. "Bakit? Inutusan ka ba ni tita Audrey na sundan ako palagi?" muli kong sa kanya. Naitaas niya ang sariling kamay at natatawang tumitingin sa akin habang nagmamaneho. "Well, you can say that, but I have a reason why I'm following you," sabi niya at biglang hininto ang sasakyan at tiningnan ako ng seryoso sa mata. Kaya nailang ako sa tingin nya at napatingin sa labas ng bintana. Problema ng lalaking ito? "Bakit mo inihinto," tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. "Do you want to know the reason why I'm following you?" Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngunit agad akong natigilan ng maramdamang lumapit siya sa akin. Hindi ako makakilos dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. "Y-You? W-What are you doing?Lumayo ka nga!" Kinakabahan kong sabi at naitulak siya bigla palayo sa akin. Kaya tumawa siya ng malakas. Naiinis naman akong tumingin sa kanya. "Haha! Why are you blushing?" pang aasar niya pa. Muli kong iniwas ang tingin sa kanya. This guy is crazy, like Francess. "Tumigil ka nga! Nakakainis ka na!" inis kong sigaw, kaya mas lalo siyang tumawa. "Haha! You know what? You are more beautiful when you are blushing and I like it," natatawa niyang sabi. Naiinis ko siyang tiningnan. "Haha okay-okay! Well, I'm following you because I'm your spy, my dear Princess. I know everything who you are and I know your mission. That's why I'm following you wherever you are," seryoso niyang sabi kaya natigilan ako. "A-Alam mo kung sino ako?" nagugulat kong tanong. "Yes, tita Audrey trust me. So, she want me to take a look of you. Alam ko rin na gumagamit ka ng ibang mukha at pangalan para makilala mong mabuti ang Empress. Kaya kapag nasa panganib ka. Nandito ako para iligtas ka. I will be your knight and shining armor," sabi niya sabay kindat sa akin. Muli niyang pinaandar ang kotse at hindi na nagsalita. Kaya natahimik na rin ako at napapikit. Even if he's a nice man, but he's also annoyed me. Hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD