AUDREY'S POV
Matapos naming makausap si Dhrevey, ay sabay na kaming tatlo na lumabas sa opisina niya. Tahimik kaming tatlo habang naglalakad palabas, hanggang sa nagpaalam sa amin si tita Alleah kaya kaming dalawa na lang ni Gailla ang naglalakad. Tahimik lang rin kaming dalawa at nararamdaman kong may nais siyang sabihin sa akin.
"Do you want to drink?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Much better," sagot niya.
Tumango ako at naglakad kami patungo sa club na nandito lang rin sa headquarters ng Acapella. Malawak ang lugar na ito, kaysa sa M.A.O. May University rin dito pero nakahiwalay, tulad sa amin. Ngunit sadyang mas ma-abilidad ang mga sinasanay nila dito at kontrolado.
Nang makarating ni Gailla sa club ay nag order kami ng maiinom namin. Nakita kong maraming tao ang nasa loob. May ilang napapalingon sa amin ni Gailla, dahil nga isa kami sa council ng Acapella. Tumatango lang kami kapag may napapatingin sa amin.
"I want to ask, kung bakit ganoon ang naging reaksyon mo kanina. Nang sabihin ko kay Dhrevey na gawing butler si Miya?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin bago sumagot.
"You know what, Audrey? I know something about you and there's something you don't know about me. And that something was... Scarmey," nakangisi niyang sabi sa akin.
Natigilan ako. Hindi agad ako nakasagot dahil dumating bigla ang order naming drinks. Nakangisi siyang tumingin sa akin, bago uminom.
"W-What do you mean?" natitigilan kong sabi sa kanya.
"Sa madaling salita, kilala ko si Scarmey. I know everything about her," mahinang sabi niya habang nanatiling nakangisi sa akin.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nagulat ako. Paano niya nalaman kung sino si Scarmey?
"It's surprising, right? Don't worry, nasa saiyo pa rin ang desisyon kung kailan mo siya ipapakilala kay Dhrevey. Ngunit iyong gagawin mo siyang butler ni Shan, hindi pwedi iyon," sabi niya at naging seryoso sa huli niyang sinabi.
Lumapit siya nang bahagya sa akin.
"Magkakilala na sila ni Shan di ba? Kaya malamang iba ang mararamdaman ni Shan, kapag si Scarmey ang magiging butler niya. Kahit hindi mo siya ipakilala bilang kapatid ni Shan, iba pa rin kapag magkakilala na sila, tapos bigla mo siyang gagawing butler? Are you serious?" hindi makapaniwalang sabi ni Gailla.
Mariin akong napatingin sa kanya. Nilabanan naman niya ang tingin ko sa kanya.
"I have ways, Gailla. Will you please don't interfere me? Scarmey wants it. She don't want to introduce herself as her daughter. Gusto niyang kilalanin ang ina niya, kaya sa tingin ko ang pagiging butler niya kay Shan ang magiging daan niya para makilala si Dhrevey. Kaya naman, huwag kang gumawa ng dahilan para hindi ito matuloy, naiintindihan mo?" paliwanag ko sa kanya at mariin siyang tiningnan.
Napansin kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Ngunit mayamaya ay nakabawi rin siya at napatango sa akin.
"Okay, ikaw ang bahala. Basta nasa likod lang ako at alam mo naman siguro na pareho tayong magiging dehado pag nalaman ito ni Dhrevey. Well, let's see what will happen," nakangising sabi niya saka uminom ng aming inumin.
Uminom na rin ako. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, ngunit dahil ito ang gusto ni Scarmey ay gagawin ko.
Patuloy kaming nag iinuman ni Gailla at nag uusap rin sa ibang bagay. Hanggang sa nagpasiya na kaming umalis at maghiwalay dalawa. Tinawagan ko rin si Scarmey at ipinaalam na kakausapin ko siya. Kaya naman pumunta ako pabalik sa M.A.U, para puntahan siya.
Nang makarating ako ay dumeritso na ako sa villa, kung saan siya tumutuloy. Hindi ako kumatok pa, binuksan ko na ito at pumasok. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa couch at nanonood ng palabas. Napalingon siya sa akin nang mapansin ako.
"Tita," tawag niya sa akin.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa couch na kaharap niya. Kinuha ko ang remote at pinatay ang T.V.
"I need to tell you something," sabi ko sa kanya.
"Ano iyon tita?" tanong niya.
Mariin ko siyang tiningnan.
"Gusto mong mapalapit sa kanila di ba? Sa pamilya mo?" sabi ko.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin, dahil sa sinabi ko.
"Uhm, yes why?" sagot niya.
"I already recommended you, to be Shan's butler," sabi ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Inaasahan ko na naman iyon, ngunit ito lang ang paraan para mapalapit siya sa mga ito.
"A butler?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Tumango ako.
"Ito lang ang maaring mong gawin para mapalapit sa kanila. Magiging butler ka ni Shan at syempre bilang magiging butler ni Shan, kailangan mong maging malakas, mautak at mahusay. Iyon ang katangiang hinahanap ni Dhrevey, kaya kung papayag ka, magsasanay tayo para diyan," seryosong sabi ko sa kanya.
Hindi agad siya nakasagot at umiwas nang tingin sa akin. Sa tingin ko, pinag iisipan niya kung magagawa nga ba niya iyon. Ilang saglit kaming natahimik, bago siya tumingin sa akin.
"Sige, papayag ako. Ngunit paano iyon, kilala na niya ako. Paano ko magagawa nang maayos ang magiging trabaho ko?" alanganing sabi niya sa akin.
Napangisi ako sa sinabi niya at nagtataka naman siya sa naging reaksyon ko.
"It's easy. You will use some fake face. Isa iyan sa katangian ng mga assassin, kapag magpapanggap na ibang tao. May device din na maaaring baguhin ang boses mo. Kaya madali lamang iyon," sabi ko sa kanya. Tumango siya at sumang ayon sa sinabi ko.
Mabuti na rin itong ganito, para naman makasama niya ang kakambal niyang si Shan at makikita rin niya ang kanyang ina sa iisang lugar. Nasisiguro kong magiging maayos ang trabaho niya sa mga ito.
Nag usap kami kung kailan kami magsasanay. Sinabi ko na lang na ngayon dahil ipapakilala ko siya bukas bilang isang Miya Moon. Nagpunta kami sa training room at doon, naabutan namin ang ilang membro ng L.K.
"Mom!" tawag ng anak kong si Audrey at lumapit sa amin.
"Tita? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Ranzy at napatingin kay Scarmey na kasama ko .
"Well, Scarmey need to use the training room. I give her a mission and that mission is risky. That's why, she need to train herself. I hope you can help her," sabi ko sa kanila.
Nakita kong nagkatinginan sila.
"Okay tita, we will take care of her," sabi ni Harrison at ngumiti kay Scarmey.
Tumingin si Scarmey sa akin. Tumango ako, kaya sumunod na siya kina Harrison para samahan sa pagsasanay.
"What this, mom?" tanong naman ni Audrey na nasa tabi ko.
Tumingin ako sa kanya at napabuntong-hininga, saka ako saglit na tumingin kina Scarmey na nagsisimula nang gumamit ng sandata.
"Scarmey will be Shan's butler. I want you to tell your gruop that, Scarmey will use a fake face to hide her face. This is risky for her, but she need this," sabi ko sa kanya.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin at tila nalilito sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Scarmey needs our protection. Hindi rin maaaring malaman ni Shan na si Scarmey ang bago niyang magiging butler. Audrey, I trust you for Scarmey's Identity. Tell this to everyone who knows about her, that she's not here, that she's a spy from spy academy," paliwanag ko sa kanya.
Kuno't noo pa rin siyang nakatingin sa akin at hindi alam ang sasabihin. Napapikit ako. Hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba ito sinasabi. Ngunit mabuti na rin iyon para wala nang makaabot pa kay Dhrevey. Alam ko ang galawan niya. Marami siyang galamay; bukod sa amin ni Gailla. Kaya posible talagang malalaman niya kaagad kong sino si Scarmey.
"W-Wait mom, masyado atang nakakabigla ang mga sinasabi mo. Sino ba talaga iyang si Scarmey at ganyan ka sa kanya?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Napalingon ako sa kinaroroonan nila Scarmey, bago ako muling tumingin kay Audrey.
"I can't tell you for now, baby. All you need to do.. is to shut your mouth and don't talk about Scarmey. Basta kapag nagtanong sila kung bakit, ang sabihin mo utos ko. Wala silang itatanong sa akin o saiyo tungkol kay Scarmey. Basta nasa misyon siya at wala na dito sa M.A.U, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" seryosong sabi ko sa kanya.
Napatitig siya sa akin at tila iniisip ang mga sinabi ko. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at tumango sa akin.
"Fine, I will do what you say," tanging sabi niya sa akin.
Napangiti ako at tumango sa kanya. Mayamaya ay nagpaalam na siya at pinuntahan na sina Scarmey, upang samahan ang mga ito. Nanatili akong nakatingin sa kanila at napapangiti na lang ng palihim.
Alam kong makakaya mo ito, Scarmey. I trust you.