DHREVEY'S POV
Pinakot ko sa aking kamay ang hawak kong dagger, habang nakikinig sa mga sinasabi nila. We are having a meeting here with the council. They are reporting about what's with Montemayor's doing. Ngunit hindi ako interesado sa sinasabi nila. Because I'm waiting for someone.
Pak!
Binagsak ko sa mesa ang hawak kong dagger, kaya napalingon sila sa akin.
"Where is the Mafia Queen? Wala pa ba siya?" seryosong tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan sila.
"For what I heard, she's in M.A.O. We don't know why she's not here yet," sabi ng isa sa council ng M.A.O.
Napairap ako. Ang babaeng iyon talaga, halos isang linggo na simula nang pinapunta ko siya sa Europe. To find information about Francine and now she's back, hindi pa niya ako pinupuntahan. Hindi pa siya nag r-report sa akin.
"Tsss! Well, I heard about Black Phantom, who is this group?" seryosong tanong ko. Nakita ko ang pagtataka ng ilang nandito. Hanggang sa mapatingin ako sa dalawang taong nagkatinginan.
It's tita Aleah and Gailla. Kaya mariin ko silang tiningnan, mukhang may inililihim sila sa akin.
"Who can tell me who are they?" mariin kong sabi.
Black Phantom, I don't know if they are enemy or what. Sa tingin ko gusto nilang mapansin ko sila dahil unti-unti nila kaming pinapasok, lalo na ang Underworld na pinamumunuan na ngayon ni Gailla.
"Well, I'm sorry for not telling this about them. Black Phantom want's to be an ally with us, especially at the Underworld. I don't know what's in they're mind. Ang nakita at nalaman ko sa kanila ay mahusay sila pagdating sa martial arts. They good in Kung fu and they are from China," sabi ni Gailla kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ngayon ko lang narinig ang iyan. Hindi pa nakakapag-report sa akin si Nam at kuya Luis, dahil nga bago ko lang nalaman ang tungkol sa mga ito.
"I wonder why you didn't tell me earlier about them. So, are they your ally?" Seryoso kong tanong kay Gailla.
Napatingin siya kay tita Alleah bago tumango. Kaya napasinghal ako at napatayo.
"Your making a deal with that Chinese without me knowing? Kung hindi umabot sa akin ang balita, about that black phantom. Hindi niyo rin sasabihin sa akin? Wow! For sure, you all have a big secret hidden without me knowing! What a good ally, huh?" singhal ko sa kanya.
"I'm sorry for not telling you about this, Dhrevey. But, that's the only choice we have. Dahil gusto nilang ilihim ito mula saiyo, lalo na ang leader nila. Sabi niya, siya ang haharap saiyo para sabihin kung sino sila. Kaya inilihim namin muna saiyo, hindi ko alam na aabot pa rin pala ito saiyo," tanging sabi ni Gailla.
Natawa ako.
"Siya ang magsasabi sa akin? Haha! He will talk to me? Then where is he?Huh?"sabi ko.
Napaiwas siya nang tingin. Napansin ko naman ang pananahimik ng iba, habang nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Hinintay ko naman na magsalita si Gailla.
"Isang salita ang iniwan niya sa amin bago siya umalis no'n. He will meet you, when you found your missing daughter," narinig kong sabi ni tita Alleah, kaya napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Natigilan ako.
What just she say?
"What did he say?" nakataas-kilay kong tanong
"Magpapakilala siya saiyo kapag nakita mo na si Dhreammy," sabi ni Gailla.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, dahil unang-una sino siya para malaman na may nawawala akong anak?
Napaupo ako at napaisip sa mga sinabi nila. Tinaas ko ang aking kamay, upang paalisin na sila pero nanatili si Gailla at tita Alleah.
"So, what if I didn't find my daughter?Is he won't to meet me? Haha! stupid him" sabi ko saka tumayo at lumabas ng Conference room.
Tahimik kaming naglakad patungo sa office ko. Nang makarating kami saka ko binuksan ang pinto. Bahagya pa akong napatigil nang makita kung sino ang taong nakaupo sa couch at napalingon sa gawi namin.
Si Audrey.
Napairap na lang ako. Isa din ang babaeng ito.
"Hindi ko sinabing dito ka maghintay, kaya bakit ka nandito?" naiinis kong sabi sa kanya.
Napatingin siya kina Gailla.
"Actually, papasok na sana ako kanina kaso lumabas na sila. Kaya naisipan kong dito na lang maghintay saiyo," sabi niya sa akin.
"Bakit ba kasi ang tagal mo?" tanong naman ni Gailla.
"Wala akong chopper para makarating agad dito. Kailangan ko bang idahilan ang traffic?" narinig kong sagot ni Audrey kay Gailla at nakita ko pang umirap siya dito.
"Wow? Talagang iyan ang isasagot mo sa akin?" hindi makapaniwalang sabi ni Gailla sa kanya.
"Enough," seryosong sabi ko sa kanila.
Pareho naman silang napabuntong-hininga. Hays! Paano ko nga ba naging kaibigan ang mga ito?
"So, why are you late?" tanong ko kay Audrey.
Napatingin siya sa akin.
"Dumaan pa kasi sa Headquarters at may binigay na mission sa L.K kaya ngayon lang ako nakarating," paliwanag niya.
Napairap ako sa sagot niya. Sa mga nagdaan na araw ay talagang napapansin ko na masyado siya abala, bukod doon sa misyon na pinagawa ko sa kanya. Kaya naman habang nasa Europe siya ay inutusan ko rin si Nam kung bakit siya laging abala at iyon nga may natuklasan ako.
"So, anong nangyari sa misyon na binigay ko saiyo?" tanong ko sa kanya.
Napansin kong napatingin siya kina Gailla at tita Alleah. Bago muling tumingin sa akin.
"Nagawa ko ng maayos ang pinapagawa mo sa akin. Ngunit wala na akong nakuhang iba pang impormasyon, tungkol sa kung saan nila dinala ang anak mo," sabi niya sa akin.
Napapikit ako at napakuyom ng kamay. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang ginawa niyang pagwasak sa laboratoryo at headquarters na pinamumunuan ni Francine o dahil wala siyang nakuhang impormasyon sa anak ko. Napabuntong-hininga ako.
"Ngunit patuloy ko paring sinusubaybayan si Francine, gamit ang kapatid nito na si Francess," muling sabi niya.
Napamulat ako at seryosong napatingin kay Audrey.
"So, kaya ka pala bumabalik-balik sa Monte University?" sabi ko sa kanya.
Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko at napaiwas nang tingin sa akin.
"Sino ang inutusan mo, para maging spiya doon?" tanong ko sa kanya.
"That's interesting. Narinig kong sumugod ang grupo ng dark monarch sa M.A.U, totoo ba iyon?" tanong naman ni Gailla.
Hindi agad nakasagot si Audrey sa tanong namin ni Gailla, kaya seryoso na akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya.
"Totoo iyon, Gailla. Nasa Europe ako, nang mangyari iyon. Nalama ko lang no'ng nakabalik na ako. Isa naman sa magaling kong spiya ang inutusan kong makipaglapit sa kanila. It's Scarmey Fuentes. Well, her true name is...ahm, Miya Moon," paliwanag niya.
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi hindi siya sigurado sa huli niyang sinabi.
"Miya Moon, huh," napapailing na sabi ni Gailla.
Nakita kong napangisi si Gailla sa kanya, na mukhang may alam din sa nangyayari. Tsss, I know that too. Nalaman ko mula kay Nammie na Scarmey Fuentes ang lagi niyang binabalikan doon sa Monte. Ngunit masyadong limitado ang impormasyon sa babaeng iyon. Kaya hindi ko rin ito makilala. Hmm, itatanong ko na lang kina Nammie, kung may Miya Moon nga ba sa Spy Academy. Napaka-misteryosa para sa akin ang babaeng iyon at nagiging interesado na rin.
"Okay, ipagpatuloy mo na lang ginagawa mo at mag-report ka sa akin lagi," sabi ko sa kanya.
"Actually, hindi ko na maipagpapatuloy ang misyon doon ni Miya. Magpapadala ako ng iba dahil kilala na siya ni Francine. Masyadong mautak si Francine kaya ibayong pag iinga na ang gagawin ko sa susunod," sabi niya.
Napatango-tango ako. Ngunit naroon pa rin ang pakiramdam na hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya.
"Mas mabuti ng iba Audrey, lalo na at inlove na inlove ang kapatid ni Francine kay Scarmey o Miya," natatawang sabi ni Gailla at napapailing.
Tumingin naman ako kay Gailla at sinamaan siya nang tingin. Kaya nanahimik na siya.
"Mabuti na iyon, Audrey, para walang mapahamak sa mga tauhan natin," sabi rin ni tita Alleah.
"Okay, wala na ba kayong ibang sasabihin?" tanong ko sa kanila.
Tiningnan ko silang tatlo at nakita kong nagkatinginan sila.
"Ahm, may nahanap ka na bang bagong butler ni Shan?" biglang tanong ni Audrey sa akin.
Napataas ang kilay ko. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako tungkol doon.
"Bakit mo naman natanong iyan?" tanong ko sa kanya.
"Well, kung wala ka pang nahahanap na butler ni Shan, I want to recommend Miya as her butler," sabi niya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
"What?" biglang reak ni Gailla at nakataas-kilay pa kay Audrey. Para bang hindi niya iyon nagustuhan.
Napatingin naman ako sa kanya. Bakit pakiramdam ko may hindi tama sa mga reaksyon at sinasabi nila, na parang iyong bagay na iyon ay may konektado sa kanila. Am I getting blinded here?
"Bakit parang mas nagulat ka pa sa sinabi ko?" nagtatakang tanong ni Audrey sa kanya.
Napaiwas siya nang tingin kay Audrey at napasulyap sa akin. Maging ako ay nagtatakang nakatingin sa kanya. What's the matter with her?
"Nothing," tugon niya.
Napailing ako.
"Well, naghahanap pa rin ako pero hindi ako sigurado sa sinasabi mo, Audrey. Babae si Miya at lalaki si Shan, kaya nasisiguro kong tulad ng ibang butler ni Shan, mahihirapan siya," sabi ko kay Audrey.
"Miya can handle Shan's attitude, I'm sure of that. Miya is a badass, I know she can," paniniguro niya.
I sighed.
"Okay, let's see. Bring her here tomorrow, I want to meet her," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango sa akin. Matapos naming mag usap ay nagpaalam na sila sa akin, kaya hinayaan ko na silang umalis.