Kinabukasan ay walang pasok sina Shan. Kaya naman nagpaalam muna si Miya na pupunta sa Villa niya, doon sa M.A Villa. Pinayagan naman siya ni Dhrevey, ngunit hindi niya iyon pinaalam kay Shan. Para na rin hindi ito magtanong pa kung bakit siya doon pupunta. Nais niya munang makahinga, dahil pakiramdam niya ay sumisikip na ang kanilang mundo. Kaunti na lang ay nasisiguro niyang makikilala na siya ng mga ito. Kaya bago iyon, ay nais niya munang makahanda. Lingid sa kanyang kaalaman ay may nalalaman na rin ang mga ito, lalo na si Dhrevey. Ngunit gusto muna ni Dhrevey na alamin ang isang bagay. Samantala, nakasunod naman sa kanya sina Francess at Candice. Nang makita nilang gumalaw ang device na nagsasabing umalis si Scarmey ay sinundan agad nila ito. May nilagay kasi silang device sa sa

