Pumasok si Miya sa library, kung saan naroon si Dhrevey. Pinatawag siya nito kanina upang kausapin, nang makauwi na sila ni Shan. Naabutan niyang nakatayo ito malapit sa may bintana, kaya lumapit siya dito. "Tita Dhrevey, pinapatawag niyo raw po ako?" tanong niya dito. Hindi lumingon si Dhrevey sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatayo na tila ba may tinatanaw sa labas. "Oo, kumusta ang trabaho mo kay Shan?" sabi ni Dhrevey at doon lang ito tumingin kay Miya. "Uhm, maayos naman po, kahit na medyo pasaway pa rin. Ginagawa ko po ang makakaya ko para paamuhin siya," sagot niya Miya. Napatango naman si Dhrevey sa naging sagot ni Miya. Naglakad ito patungo sa mesa nito, kung saan may nakalagay na alak at nagsalin doon. "Alam mo bang mahal na mahal ko si Shan, bukod sa pasaway siya? Si

