THIRD PERSON'S POV "Malapit na ang kaarawan mo, anong plano mo?" Napahinto si Dhrevey sa kanyang ginagawa at napatingin sa taong biglang pumasok sa opisina niya. Ang tita Sherra niya. Napabuntong-hininga siya. "Wala naman akong gagawin, tulad pa rin nang dati," tanging sagot niya dito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya saka inalis ang kanyang mga hawak na papelis. "C'mon Dhrevey, it's your birthday. Kaya kailangang ipagdiwang natin iyon. Hayaan mo, ako nang bahala para doon," saad ni Sherra at ngumiti sa pamangkin. Tumingin na lamang siya sa tita niya at napangiti. "Alam niyo namang wala na akong panahon sa ganyan eh. Lagi niyo lang iyong pinaghahandaan," napapailing niyang sabi dito. "Your the Empress, kaya kailangang magdiwang tayo sa iyong kaarawan," nakangiti

