Meet Shan

1579 Words
Sa mga sumunod na araw ay patuloy ang pagsasanay namin ni Candice. Tinuruan niya ako sa lahat, kahit alam ko na kung paano gawin iyon. Ngunit nakatulong din naman iyon sa akin, para magamit ko rin ito balang araw. Naging malapit na rin ang loob namin ni Candice at masasabi kong kaibigan ko na nga siya. Naramdaman ko kung paano magkaroon nang tunay na kaibigan, dahil kina Candice. Kahit na alam ko sa sarili ko na palabas lang ang lahat ng ito. Napansin kong masaya pala talaga siyang kasama. Maging sina Marga at Beatriz ay naging kasundo ko na rin, pati ang ibang membro nilang lalaki. Habang kami ni Francess, ay umiiwas pa rin siya sa akin. Ngunit gumagawa ako nang paraan, para magkalapit kaming dalawa kahit asar na asar na siya sa akin. "Cheers!" sigaw namin saka sabay na ininum ang alak na hawak namin. "You know what Scarmey, magaling ka rin pala. Sana nga lang pag nasa Gangster place ka na, magamit mo ang galing mo," sabi sa akin ni beatriz. Nasa isang bar kami kasama sila. Isinama nila ako para naman mag celebrate. Dahil bukas na raw ang laban ko sa Gangster Place. Well, It's really exciting. Ito ang unang beses na sasabak ako sa isang labanan at kailangan ko iyong pagbutihin. "Yeah, dapat manalo ka, para naman hindi masayang ang training niyo ni Candice," sabi rin ni Marga. "Sa husay ba namang trainor ni Candice, eh malamang mananalo ako," sabi ko at bumaling kay Candice. "Mayabang ka rin eh no?" natatawa niyang sabi. Natawa rin ang iba sa amin. "Hindi naman masyado. Mahusay ka naman talaga eh," papuri ko sa kanya. Napailing lang siya sa sinabi ko. Patuloy ang kwentuhan namin habang nagmamasid din ako sa paligid. Pakiramdam ko kasi may nakamasid din sa amin o di kaya sa akin. Bigla ko na namang naaalala ang nakalagay sa sulat na iyon. Nitong mga nakaraang araw ay iyon lagi ang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko kung sino siya at bakit hindi na lang siya nagpakilala sa akin. Hays! "So, mukhang may bago kayong kasama?" Napalingon kami sa nagsalita at nakilala namin kung sino ito, o sa madaling salita sila, ang Bratenilla. "Uhmm, nakita mo naman siguro di ba?" mataray na sagot ni Marga dito. "Yeah, hindi naman ako bulag para hindi makita," mataray ring sabi ni Allyana; ang leader ng Gang nila. Nakita kong inirapan lang sila ni Marga. "Mukhang interesado kayo sa kanya," biglang sabi naman ni Beatriz. "Yes, we are because we heard something about her. She have a fight with our troops," sabi naman ni Selena. "Ang bilis niyo naman makasagap ng balita," nakangising sabi naman ni Beatriz. "Of course, baka nakakalimutan niyo kung ano kami, Beatriz?" sabi naman ni Cheska. "Oh c'mon, I'm not interested about who are you guys. I don't care anyway," mataray na sabi ni Beatriz. "Ehem!" agaw-pansin ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. "You are Allyana right? So, tauhan niyo ang makakalaban ko bukas? How many are they?" nakataas-kilay na sabi ko. Napataas ang kilay niya at bahagyang natawa sa akin. "I also heard that, may pagkamayabang ka rin. But I will tell you, my troops; they are not just ordinary. Malakas din sila. Just like us," nakangising sabi ni Allyana. Napangisi ako at napatango-tango. "Well, lets see," sagot ko na lang. "Enough of this nonsense. Would you leave us alone, Bratenilla?" biglang sabi ni Candice sa mga ito. Pinaikot lang ni Allyana ang kanyang mga mata. "Lets go girls, see you around newbie," tukoy niya sa akin saka sila umalis. "Tssss akala mo kung sinong magagaling, di hamak na ilang beses na natin silang nilampaso," napaismid na sabi ni Marga. "Kilala mo naman sila, masyadong mayabang at maarte," mataray na sabi ni Beatriz. "Tama sila Allyana, Scarm. Malakas ang tauhan nila kaya mag ingat ka rin. Dahil siguradong plano na nilang patayin ka bukas," seryosong sabi ni Candice. "Huwag kang mag alala Candice. Kaya ko ang aking sarili. Kung may balak silang patayin ako. Pwes, gawin nila kung kaya nila," nakangisi kong sabi. Napailing lang sila sa sinabi ko. Well, hindi ko pa naman alam ang pweding mangyari bukas. Ngunit sisiguraduhin kong hindi ko sila ipapahiya at hindi ako mahihiya. Matapos naming mag inuman ay nagpasiya na kaming umuwi lahat.        Naipreno ko bigla ang kotse ko, nang may isang lalaking bigla na lang tumawid sa kalsada. Binuksan ko ang bintana upang pagsabihan sana siya, ang kaso.. "May bal--" Sinuri ko siyang mabuti. He looks familiar. "Oh sorry Miss, nagmamadali kasi ako," sabi niya sa akin, pero gaya ko napatitig rin siya sa akin. "Have we meet before?" tanong niya bigla. Inalala ko kung saan kami nagkita. And then.. "Oh ikaw iyong nakasabay ko sa jeep at nakausap ko sa park. Right?" sabi ko. Nanlaki ang mata niya at napangiti. "Oh yeah, ikaw nga iyon. Hahaha! Good timing ka, pwedi bang pasabay?Nagmamadali kasi ako eh," sabi niya. Ngumiti ako saka tumango. Nagmamadali naman siyang sumakay sa kotse ko, kaya pinaandar ko na ito "Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko at bumaling sa kanya. "Ah hehe, may tinakasan lang ako," sabi niya at napakamot sa batok. "Tinakasan?" nagtataka kong sabi. "Oo, naalala mo iyong may sumundo sa akin sa park? Sila iyong tinatakasan ko. Eh sa ayokong may laging nakabuntot sa akin eh, kaya nang mailigaw ko sila kanina tumakbo na ako. Kaya muntik mo na akong masagasaan kanina, hehe," nagkasabi niya ay muli siyang napakamot sa batok niya at tumawa. Napailing ako. Pasaway din ang isang ito. "Kaya pala, hmm mukhang nakita ka nilang sumakay dito eh. Tingnan mo sa likod," sabi ko. Napatingin siya sa likod namin at nakita niya ang dalawang itim na kotse na sumusunod sa amin. "Hala! Oonga patay," natataranta niyang sabi. Napangisi ako at muling tumingin sa side mirror. "Gusto mo bang takasan natin sila?" sabi ko sa kanya. "Huh? Eh magaling mag drive ang mga iyan. Mahahabol nila tayo," sagot niya. "Trust me, just hold on," nakangisi kong sabi. Agad kong pinabilis ang takbo, kaya napakapit siyang mabuti. Muli akong tumingin sa likod at mukhang napansin nilang mabilis na ang takbo ko, kaya naging mabilis na rin ang takbo nila. "Naku, mukhang maaabutan nila tayo," kinakabahan niyang sabi. "Relax, I can handle it," sagot ko. Bigla kong niliko ang kotse sa mataong lugar, kaya todo iwas ang ginawa ko upang walang masagasaan. Hanggang sa napunta kami sa isang one way road, kaya bawat sasakyang sumasalubong sa amin ay umiiwas. Tiningnan ko ang mga sumusunod sa amin. Naroon pa rin sila at gaya ng ginawa ko ay nagawa rin nila. Pinasok sa isang eskenita ang kotse. Maliit lang ang daan at sa dulo ay highway na kaya mas binilisan ko ang takbo hanggang makarating kami sa highway. Muli akong tumingin sa likod, malayo na sila sa amin kaya mas pinabilis ko pa ang takbo. Namataan ko ang condominium, kung saan ako nakatira kaya pumasok ako sa parking lot at pinark ko ang kotse. "Halika bilis," sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya, saka kami sabay na tumakbo. Dumaan kami sa gilid ng condominium, palabas ng isang store. Tumatakbo kami hanggang makarating kami sa isang park malapit sa condominium. "Whoah," sambit niya saka umupo sa damuhan. Tumabi ako sa kanya. "Ibang klase din iyong mga bodyguard mo," natatawa kong sabi sa kanya. "Siguro napagod ka," sabi niya. Natigilan ako, nang biglang punasan niya ang pawis sa noo. "Pinagpawisan ka tuloy dahil sa akin," aniya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nailang bigla. "A-Ano ka ba ayos lang," naiilang kong sabi. "Oonga pala, I forgot your name, what's your name again?" tanong niya. "Just call me, Scarm," sagot ko. "Well, baka nakalimutan mo rin iyong pangalan ko. Just call me, Shan anyway," pakilala rin niya. "Hmm okay, by the way, sigurado ka bang walang mangyayari saiyo kapag nahanap ka na nila?" tanong ko sa kanya. "Well, sila walang gagawin pero iyong mommy ko, for sure grounded naman ako haha," sabi niya at tumawa. "At mukhang masaya ka pa diyan?" napapailing na sabi ko "Sa totoo lang, kumukuha lang naman ako ng atensyon niya. Masyado kasi siyang buy, nakakalimutan na niya ako," naramdaman ko ang kakaibang lungkot doon sa sinabi niya. Mukhang may pinagdadaanan na naman siya, tulad ng una naming pagkikita. "Hindi dahilan ang pagiging busy, kung talagang may oras siya saiyo," tanging sabi ko. "Will, naiintindihan ko naman kung bakit siya busy. Although, she's protecting me, by guarding me with those bodyguards of mine," sabi niya. "Oh, pinoprotektahan ka naman pala. Eh bakit mo tinatakasan?" nagtataka kong sabi. Hays! Mayayaman nga naman. Sila na nga iyong pinoprotektahan eh, tinatakasan pa talaga. "Eh sa gusto ko lang magkaroon ng kalayaan, iyong bang hindi ka tinatago. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Wala lang talaga siyang tiwala sa kakayahan ko," pagmamaktol niya. Napabuntong-hininga ako. "Hindi naman siguro. Maybe, she trusted on you. But also she want to protect you. Just like what you said," sabi ko. "Hays, yeah your right. Thank you," aniya. "For what?" nagtataka kong sabi. "For telling me that she trust me and thank you for what you've done to me, for making my day exciting," nakangiting sabi niya. Napailing ako at natawa sa sinabi niya. "Wala iyon," nakangiting sabi ko. "At dahil diyan, lets have a dinner together. Lets go," sabi niya, saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila sa kung saan man niya ako dadalhin. Well, he's right. It's really Exciting to be with.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD