THIRD PERSON'S POV
"Where have you been?"
Agad napahinto sa pagpasok si Zeffrey sa mansion, nang makitang nakaupo ang kanyang ina sa mahabang sofa habang tila hinihintay ang pagdating niya. Nahulaan agad niya na umabot na dito ang ginawa niyang pagtakas sa kanyang mga bantay kanina.
"Oh mom, you're here? How are you?" tanging sabi niya dito. Lumapit siya sa kanyang ina, upang humalik sana sa pisngi nito. Ngunit nakita niyang nakataas na ang kilay nito sa kanya. Kaya bahagya siyang napalunok dahil sa itsura nito, na hindi maipinta.
"Answer me, where have you been?" muling tanong nito sa kanya at mukhang seryoso na nga ito
"Somewhere, I just want to enjoy my self, mom," pagdadahilan niya sa kanyang ina.
"Enjoy for what? Have you forgotten what I've said before. Huwag na huwag mong tatakasan ang mga bodyguards mo. Ilang beses mo na itong ginagawa, Shan Zeffrey!"
Galit nitong sigaw sa kanya.
Tumayo pa talaga ito para isigaw iyon sa kanya.
Napayuko si Shan, habang nanatili siyang nakaupo sa harapan ng kanyang ina.
"Mom please, I just want to have a freedom. Gusto ko ring i-enjoy ang sarili ko, na walang kahit na sinong nagbabantay sa akin. I can handle my self. I can even protect my self. Para saan pa iyong mga itinuro mo sa akin, kung hindi ko rin naman pala iyon magagamit," katwiran niya dito.
"Shut up! I know you can protect yourself. Zeffrey, baka nakakalimutan mo na nasa paligid lang ang kalaban natin. Nakuha nga nila ang kapatid mo di ba? And where am I? Did I protect her? Hindi! Dahil wala ako sa tabi niyo ng mga oras na kailangan niyo ako. Kaya doble ingat ako saiyo di ba, dahil ayokong pati ikaw mawala sa akin!"
Napaiwas ito nang tingin sa kanya, matapos iyong sabihin. Ngunit iyong pamumuo ng luha nito ay hindi nakaiwas sa kanya. Tumayo si Shan at niyakap ito.
"M-Mom, I'm sorry. I know you're doing your best just to protect me. I'm really sorry. I-I promise, hindi na kita susuwayin," mahinahong sabi ni Shan sa kanyang ina.
Hinawakan siya nito saka niyakap.
"Alam kong marami akong pagkukulang saiyo. Ngunit naiintindihan mo naman siguro, kung para saan ang mga ginagawa ko ngayon di ba? Hinahanap ko pa rin ang kapatid mo," sabi nito sa kanya.
"Oo mommy, naiintindihan ko," sagot niya dito.
Napabuntong-hininga siya.
"But mom, can you give me a favor?"
Humiwalay ito sa kanya saka siya tiningnan nito at hinihintay kung ano man ang sasabihin niya.
"What is it?"
"Pwedi bang bawasan mo iyong mga bodyguards ko? Kahit isa lang ang ipasama mo sa akin. Masyado na kasi silang marami eh," sabi niya dito.
Nakita niyang natigilan ang kanyang ina sa kanyang sinabi.
"But," saad nito at nakita niya ang pag aalangan nito
"Please," pakiusap niya
Napabuntong-hininga ang kanyang ina.
"Pag iisipan ko pa," sabi nito
"Kapag nakapagdesisyon kana mom, piliin mo iyong magaling pero makaka-vibes ko huh? Huwag iyong masyadong mahigpit," nakanguso niyang sabi dito.
"Aba't,ayos ka rin mag demand huh?"
"Sige na, mom," pangungulit niya dito.
"Hays ewan ko saiyo, basta pag iisipan ko pa. Sige na magpahinga ka na," sabi ng kanyang ina.
"Okay mom, ikaw rin. Goodnight," aniya
"Goodnight, son..."
Humalik muna siya sa dito, bago niya ito iniwan sa sala. Saka siua pumasok sa kanyang kwarto at pagbagsak na humiga sa kama.
Buong akala nila ay hanggang ganito na lang siya. Ang hindi nila alam ay hinahanap rin niya ang kanyang kapatid.
Bumangon siya sa kama at kinuha ang picture frame na nasa side table niya malapit sa kama at doon nakita niya ito.
Siya at ang ang kakambal niya
His twin sister.
"Dhreammy, nasaan kana kaya, kumusta ka na?" sambit niya habang hinahaplos ang mukha nito.
Her face, he really miss her. Ilang taon na simula nang mawala ito sa kanila. Nasisiguro niyang ang dami na nitong pinagdaanan, na hindi sila kasama.
'Sana Dhreammy, mahanap ka na namin," sambit niya na lamang sa sarili.
Napabuntong-hininga siya at binalik ang picture.
"Iyong babaeng 'yun, bakit ang gaan nang loob ko sa kanya," sambit niya at inalala ang babaeng nakilala niya kamakailan lang
"Scarm, Scarm? Ano kayang totoo niyang pangalan? Siguro naman magkikita pa kami at tatanungin ko na siya kung ano ang buo niyang pangalan," sabi niya at napatango.
Kinuha niya ang phone saka may tinawagan. Napangiti pa siya nang may maisip na kalokohohan.
"Hello?"
"Hey bro, what's up!" bati niya pa dito.
"What is it right now? Wala ka na namang magawa sa buhay mo at ginugulo mo na naman ako?" sabi nito.
"Gulo agad? Di ba pweding namiss lang kita? hehehe," sabi niya dito.
"Tssss, ano ba kailangan mo?" tanong nito sa kanya.
"Eh gusto ko ulit pumunta diyan sa M.A.U eh. Tulungan mo naman ako," sabi niya dito.
"Sira ka ba? Gusto mo bang pagalitan ka na naman ni tita?" aniya.
"Eh, wala akong magawa dito eh. Please Ranzy, bestfriend naman kita di ba?" pangungulit niya pa dito.
Hindi kasi siya pinapayagan ng kanyang ina na pumunta sa M.A.U.; lalo na sa Headquarters ng mga Assassin. Hindi niya alam kung bakit ayaw ng ina niya. Noong huling punta niya doon ay nagkagulo. Ayaw siya nitong mapalapit sa L.K o magkaroon ng kaibigan doon. Kaya heto siya at palihim niyang kinakausap si Ranzy. Anak siya ni Mhearald at Hanz, na dating ka membro ng kanyang ina sa L.K noon. He knows they're history of being a L.K group.
Wala namang problema ang Acapella at mga assassin. Ayaw lang talaga ng ina niya na mapalapit siya sa mga ito.
"Ah basta ayoko, baka sa akin na naman magalit si mommy," sabi nito.
"Promise, walang makakaalam. Sige na," pangungulit niya.
"Tsk! Sige na nga! kailan ka ba pupunta?" tanong nito.
"Hmm, bukas pupunta ako diyan," nakangiting sabi niya dito.
"Fine. Sige, may gagawin pa ako bye!" paalam nito at agad ibinaba ang tawag.
"San--Tss,Pinatay agad? Kaibigan ko ba talaga iyon?" sambit na lamang niya.
Napailing siya at nilagay ang phone sa mesa, saka siya muling dumapa sa kama.
'Hays, Iba talaga pag anak ng isang kilalang tao. Tinatago sa madla upang di pagkaguluhan. Okay lang sana kung mayaman, eh nagagawa ang gusto. Eh ako hindi. I need to hide. Dahil nasa paligid lang ang kalaban, na maaaring kumuha sa akin upang gamitin kay mommy,' sambit na lang niya sa sarili.
Matapos niyang mag isip nang kung ano ay nagpahinga na rin siya para sa gagawin niya bukas.
Inihinto ni Ranzy ang kotse sa tapat ng gate, nang M.A.U. May lumapit sa kanilang dalawang assassin guard, kaya binuksan ni Ranzy ang bintana ng kotse.
"Who is she, sir Ranzy?" tanong nito sa kanila. Tumingin naman si Ranzy sa kasama niya at hindi maiwasang matawa sa itsura nito, lalo na at ngumiti pa ito sa guard.
"She's my girlfriend. One of the Cheerleader," sabi ni Ranzy dito.
Tumango lang ang guard saka umalis at nakita na nila ang pagbukas ng malaking gate. Hindi mapigilang matawa ni Ranzy, habang napapasulyap sa katabi niya.
"Sana ito na ang huli na magpapanggap akong babae tsk! Sa lahat ba naman na ipa-disguise mo sa akin, pagiging babae pa talaga?" reklamo ni Shan kay Ranzy.
Natawa ito kaya sinamaan niya nang tingin. Napapadyak pa si Shan at hindi mapigilan ang inis.
"Eh sa gusto mong pumunta dito eh. Alam mo namang bawal ka dito. So, you don't have a choice, just to do what I want you to do," natatawang sabi ni Ranzy dito.
Masamang tingin lang ang binigay ni Shan dito. Mayamaya inihinto nito sa parking lot ng L.K tower ang kotse, kaya lumabas na silang dalawa.
"Hanggang sa tower ba eh ganito pa rin ang ayos ko?" sabi niya kay Ranzy.
"Ayos nga iyon eh, para masurpresa sila hahaha!" sabi ni Ranzy at tumawa.
Napailing siya sa sinabi nito at sabay na silang naglakad papasok sa tower saka sumakay sa elevator. Nang makarating sila sa itaas. Naunang pumasok si Ranzy sa pinto ng office nito kasunod si Shan.
"The heck Aizen! Ano bang pumasok sa utak mo para gawin iyon!"
"Ano bang pakialam mo?!"
"Anong pakialam ko? Baka nakakalimutan mo, ako ang leader ng L.K. Kaya may pakialam ako sa ginawa mo! Sa tingin mo ba hindi ito aabot kina tita Herlette? Umayos ka nga!"
"Guys tama na, pag usapan natin ito nang mahinahon.."
Pareho napahinto ni Ranzy at Shan sa naabutan nilang pagsisigawan ng mga ito. Nagkatinginan silang dalawa at naglakad palapit sa mga ito.
"What's going on?" tanong agad ni Ranzy.
Sabay itong napatingin sa kanila. Akmang magsasalita ang mga ito, nang biglang magbago ang expression nila at napatitig kay Shan.
"And who the hell is she ranzy? Kailan pa nagkaroon na pweding magdala ng babae dito?" agad na sabi ni Steffy. Anak siya nina Yhevey at Stevian, na dating membro ng L.K.
"Ahmm actually, kilala niyo siya," natatawang sabi ni Ranzy.
Bumaling si Ranzy kay Shan at tumango, kaya hinubad na ni Shan ang wig na suot niya at fake-face na nasa mukha niya. Nakangiting tumingin siya sa mga ito, nang tuluyan na niya iyong naalis.
"Hai guys!" bati niya sa mga ito.
"Shan?" gulat na sabi ng mga ito.
Nginitian niya ang mga ito.
BLAG!
"Aray ko!"
Napahawak siya sa ulo niya, nang binato siya ng isang trash can. Oo! Trash can nga ang binato sa kanya. Napatingin siya sa may gawa no'n.
"Aubrey naman! Masakit kaya!" angal niya dito.
"Siraulo ka ba? Bakit ka nandito?Alam ba ni tita?" hindi makapaniwalang sabi ni Aubrey. Siya si Aubrey. Ang anak ni Audrey at Carvin.
"Ahh hehe hindi, eh sa gusto kong pumasyal dito eh nakakamiss kasi," katwiran niya sa mga ito.
"Shan naman, alam mo namang bawal ka dito eh," napapailing na sabi ni Steffy.
"Oonga, baka mamaya lusubin na naman kami dito ng mga taga-acapella," sabi naman ni Khezza. Anak siya nina Khezyhen at Jeadan, na dati rin membro ng L.K.
"Haha masyado naman kayong nag aalala, hindi niyo ba ako namiss?" nakangisi niyang sabi sa mga ito.
Hindi nakapagsalita ang mga ito at bahagyang napailing sa kanya.
"Naku bro, namiss kita!" agad na sabi ni Harrison. Anak siya Rheassle at Harvey, na dating membro rin ng L.K. Kakambal ni Dhrevey si Harvey at kaibigan naman ni Dhrevey si Rheassle.
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
"We miss you. Ngunit sana naisip mo rin, kung anong pweding mangyari pag nandito ka," sabi naman ni Aizen. Anak naman siya ni Leshyen at Kaizer, na dati rin membro ng L.K.
"I know, saglit lang naman ako. So, ano wala bang welcome party para sa akin?" sabi niya sa mga ito.
Nagkatinginan silang lahat mayamaya ay sabay na napangiti.
"Okay, lets have a party!" sigaw ng mga ito kaya napangiti siya.
Ito ang gusto niya sa mga ito. Kahit na alam nilang mapapagalitan sila ay gagawin pa rin ang gusto. Minsan lang pumupunta si Shan sa M.A, kaya naman sinusulit niya ang araw pagkasama niya ang kanyang mga kaibigan.