SCARMEY POV
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?"
Agad akong napalingon sa taong nagsalita. Natigilan ako nang makilala siya.
Paano siya na nakapasok dito?
"T-Tita Audrey, a-anong ginagawa mo dito at paano kayo nakapasok?" nagtatakang tanong ko at napatingin sa paligid.
Nandito na kasi ako sa gangster place, dahil ngayon ang laban ko dito at nasa likod lang ako ng arena kung saan may kwarto para sa mga lalaban. Kakaalis lang nila Candice, sa itaas na lang raw sila at manonood.
"I know this place, kaya alam ko kung paano lumabas at pumasok," seryosong sabi niya.
"Okay, pero anong ginagawa niyo dito?" muling tanong ko.
Nilibot niya ang tingin sa paligid bago tumingin sa akin.
"Gusto ko lang makasiguro na walang mangyayari saiyo sa laban mo," sabi niya sa akin.
"Huwag kang mag alala tita, kaya ko ito," sabi ko sa kanya.
"Alam ko naman na kaya mo. Gusto ko lang masiguro na talagang kaya mo," mariin niyang sabi.
Lumapit siya sa akin saka biglang...
"Ah!" daing ko nang may tinurok siya sa aking Syringe.
"W-Whats that for?" tanong ko at napahawak sa aking tagiliran.
"Is just an antidote for a poison. Hindi mo alam kung anong pwedi nilang gamiting lason para sa mga sandata nila. Kaya kailangan maging handa ka sa pweding mangyari," mariin niyang sabi
Napabuntong-hininga ako at inayos na ang sarili ko.
"I'm warning you scarm. Huwag na huwag kang magpapahuli sa kanila, na naging isang human tester ka. Dahil hinahanap ka nila, nang malamang may isang nakaligtas na human tester. So, be careful for your action, Scarmey," paalala niya sa akin.
"Yeah, don't worry tita," sabi ko.
"Okay, maiwan na kita. Manonood ako," paalam niya sa akin.
"Sige tita," sabi ko.
Iniwan na niya ako, kaya inayos ko ang mga dapat kung gamitin sa laban na magaganap.
"Goodevening Gangsters! We are here to witness the fight, One of our new student of Monte University versus Bratenilla's troop. Here they are!" narinig kong sigaw ng Emcee.
Naglakad ako paakyat sa ring. Kasabay ko namang nakarating sa ring ang magiging kalaban ko na nasa harap ko. Lima sila, dalawang babae at tatlong lalaki.
"At dahil isa siyang new student, isa din ito sa pagsubok niya bilang gangster ng school. Lima laban sa isa. So, lets start the battle!" sigaw nito.
Tinitigan kong mabuti ang magiging kalaban ko. Halata sa mga mata nila na gusto nila akong tapusin. Napatingin ako sa itaas kung nasaan sila Candice. Nakita kong tumango siya kaya tumango din ako sa kanya. Hinanap ng mga mata ko kung saan si tita Audrey, pero hindi ko siya makita kaya muli akong tumingin sa makakalaban ko na ngayon ay pinapalibutan ako.
"Alam mo ba kung anong utos nila sa amin? Iyon ay ang patayin ka!" sigaw sa akin ng isang babae saka ako sinugod gamit ang hawak niyang katana. Actualy, lahat silang lima ay may hawak na katana.
Nilabas ko rin ang dala kong katana na pinagamit sa akin ni Candice.
THIRD PERSON POV
Lahat ng nasa gangster arena ay seryosong nanonood sa laban na nagaganap. Lalo na ang grupo kung saan laging nakakasama ni Scarmey.
Nakikita nila ang bawat atake at depensa ni Scarmey sa mga kalaban nito, kaya hindi nila mapigilang humanga sa bawat galaw nito.
"Mukhang mahusay na ang trainee mo, Candice," biglang sabi ni Tyrone.
"Hindi naman siya mahirap turuan, nakakabisado agad niya," sagot naman ni Candice.
"You know guys, I feel something weird about her," Sabi naman ni Kirk.
Napalingon sila sa nagsalitang si Kirk, saka muling tiningnan si Scarm, na ngayon ay nakikipagpalitan ng atake sa mga kalaban nito.
"Noon pa mang una ko siyang nakita, may kakaiba na sa kanya. Ngunit lagi niyang sinasabi na wala siyang ibang hangad at hindi siya kalaban," sabi ni Candice sa kanila.
"Okay naman siya kasama, pero tama si Kirk, she's wierd," sabi naman ni Marga.
Napabuntong-hininga si Candice. Inaamin naman niyang maging siya may kakaiba na siyang pakiramdam kay Scarmey. Kaya nga nakipaglapit sya dito para malaman kung ano ba ito. Ngunit napansin niyang mahusay itong magtago, kaya hindi pa siya sigurado kung kalaban ito o hindi.
"Yeah, iyong feeling na mas malakas pa siya sa atin," seryosong sabi ni Cristofer.
"Would you please shut up. Stop talking nonsense and watch her," biglang sabi ni Francess sa kanila.
Natahimik nal ang sila sa sinabi ni Franciss at seryosong nanood sa laban.
'Maging ako may kakaibang nararamdaman sa kanya at hindi ko alam kung ano ba,' sambit ni Francess sa isip niya.
Maging siya, nalilito kung ano bang mayroon sa babae. Kung bakit lahat silang grupo ay may kakaibang nararamdaman dito. Ngunit mas pinili nilang makipaglapit dito, para malaman ang totoo nitong motibo.
Nang matapos ang laban ay natuwa sila, dahil nanalo si Scarmey. Sabay silang napangiti sa isa't isa, habang nakatingin kay Scarmey.
Samantala, napailing si Audrey sa nakikita niyang laban ni scarmey. Tila hindi siya kumbinsido sa laban nito, kahit pa mahusay na ito sa bawat atake.
'Kulang ka pa sa training Scarmey. Hindi mo kakayaning mag isa, laban sa mga Montemayor," sambit niya sa sarili.
Iiling-iling siya sa nakikita niya. Saka siya umalis sa Gangster Place.
"Sabihin mo nga Audrey, ano bang mayroon sa Monte University at pabalik-balik ka doon?"
Napahinto bigla si Audrey sa ginagawa niya, nang may magsalita sa likod niya. Nasa office siya sa Headquarters ng Mafia at assassin. Kuno't noo niyang tiningnan kung sino ang nagsalita. Nagulat siya nang makita ito.
"Gailla?"
"I'm the one who want to surprise you, but I think, I'm the one who surprise right now to know of what you're doing," seryosong sabi ni Gailla.
Napabuntong hininga si Audrey, saka napaupo kaharap si Gailla na ngayon lang ulit niya nakita dahil nagbakasyon ito ng ilang linggo.
"Well, about what you said, I'm just spying someone," tanging sabi niya dito.
"Spying someone? And who is it?" tanong naman ni Gailla at umupo din kaharap siya.
"Its just for me to know, so stop asking about it," sa halip na sabi ni Audrey.
Napairap si Gailla sa sinabi ng kaibigan at hindi naging kumbinsido.
"Kung may balak kang sabihin ito kay Dhrevey, please 'wag na. 'Wag niyo nang pakialam ang bagay na ito," seryosong sabi ni Audrey kay Gailla.
Bigla namang tumawa si Gailla sa sinabi ni Audrey.
"Masyado ka namang seryoso diyan. Gaano ba kahalaga ang nasa Monte University na binabalik-balikan mo," nakangising sabi ni Gailla.
"Well, she's a survivor and I'M the one who save her from death. She's finding something about what happen to her. And I'm helping her by spying her. That's all I can say," sagot ni Audrey
"Oh? Is that so? Okay hindi ako mangingialam. So how are you?What's new?" pag iiba na lamang ni Gailla, kahit marami pa siyang itatanong dito.
"Nothing, patuloy pa rin ang paghahanap namin sa kakambal ni Shan, na hanggang ngayon wala pa ring balita," sabi niya napabuntong-hininga.
"About sa mga Montemayor, may nalaman na ba kayo?" muling tanong ni Gailla.
"Ganon pa rin, tahimik pa rin naman sila. Kaya tahimik din si Dhrevey," sagot ni Audrey.
"Si Dhrevey? Mananahimik? Oh c'mon Audrey, kilala natin ang kaibigan nating iyon. Hindi 'yon kayang manahimik, lalo na't nawawala pa ang isa niyang anak," sabi ni Gailla at napailing.
"Kilala mo naman pala siya eh, ba't ka pa nagtatanong," inirapan niya si gailla na napangisi lang sa kanya.
Nagpalakad-lakad si Gailla sa harapan ni Audrey at nakatingin kay Audrey nang kakaiba. Kuno't noo naman siyang pinagmasdan ni Audrey.
"Anong klaseng tingin iyan?" nagtatakang tanong ni Audrey.
"Iniisip ko lang kasi, sa dami nang nangyari noon. Sa mga lumipas na taon, nanahimik ang mga montemayor mukhang pinaghahandaan nila ang nalalapit nilang pagsalakay. We know that montemayor is our greatest enemy, but do you know that there's someone who wants to cross our line?"nakangising sabi ni Gailla.
Mas lalong nagtaka si Audrey sa sinabi ni Gailla. Naguluhan siya bigla.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Hindi ko alam kung kalaban ito o hindi, pero nangingialam ang mga taong ito sa Underworld," sabi ni Gailla.
"And who is that?" tanong naman ni Audrey.
"Black Phantom, they are not gangs or killers, naguguluhan din nga ako eh. Lalo na't binigyan ako ng isang mensahe na dapat ako lang raw ang makakaalam at tutulong sa kanya," mariing sabi ni Gailla.
Napataas ang kilay ni Audrey sa sinabi niya at naging interesado sa susunod na sasabihin nito
"Anong klaseng mensahe?"
"Hindi ko pweding sabihin eh, lalo na saiyo. Kasi kapag may pagsabihan ako, hindi niya sasabihin kung nasaan ang anak ni Dhrevey," katwiran nito.
"What? Alam ng taong iyan kung nasaan ang anak ni Dhrevey?" gulat na sabi ni Audrey.
Tumango naman si Gailla.
"Kaya nga inaalam ko talaga kung totoo ang sinasabi niya. Malay ko ba kung niloloko niya ako. Kailangan kong makasiguro," sabi ni Gailla.
"Hmmm sabagay," tugon ni Audrey.
"Yeah, so wala ka bang planong bisitahin si Dhrevey? Tara sama ka sa akin," anyaya nito.
Napaisip siya saglit saka tumango.
Sabay na silang umalis para puntahan ang kaibigan nila. Hindi naman mawala sa isip ni Audrey ang taong sinasabi ni Gailla, na may alam kung nasaan ang anak ng kaibigan nila.