SCARMEY POV
Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang bumukas ito at pumasok sila.
Kanina lang natapos ang laban ko at dinala nila ako dito upang magamot ang mga sugat na natamo ko sa laban.
At syempre hindi matatapos ang laban kung walang nanalo at ako iyon.
I win the fight.
"Mukhang ayos ka na ah," sabi agad ni Cristoffer saka sumandal sa pader.
"Muntik mo nang mapatay ang mga 'yun, siguradong galit saiyo ang Bratenilla," nakangising sabi ni Marga.
Tiningnan ko lang sila. Ngunit natuon ang pansin ko kay Candice at Francess, na tahimik habang nakatingin sa akin.
"May problema ba?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan sila.
"Wala naman, magaling ang ginawa mo at dahil nanalo ka sa laban mo. Isa ka nang Spy ng grupo. Bawat misyon namin kasali ka na at kapag may ipapagawa kami saiyo dapat gawin mo," sabi ni Candice sa akin.
"Ibig sabihin, kasama niyo na ako sa bawat misyon niyo?" panigurado ko.
Nagkatinginan sila saka tumango.
"Pero hindi ka pweding sumama sa amin kapag pupunta kami sa headquarters. Hanggang dito ka lang sa hideout namin pwedi," muli niyang sabi.
"Tandaan mo, isa ka lang spy kaya ilugar mo ang sarili mo," paalala ni Francess sa akin.
Tumango ako.
"Yeah I know," tanging sabi ko.
"Sa ngayon may gagawin tayo, hindi ito mission sadyang kailangan lang nating gawin," seryosong sabi ni Cristofer.
Napatingin ako sa kanya.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Pupuntahan natin ang M.A.U next week," sagot naman ni Tyron.
"M.A.U? Ano iyon?" nagtataka kong sabi.
"M.A.U, it's means Mafia Assassin University. Kung saan nag aaral ang mga Assassin, Mafia at Gangsters. In short, pupuntahan natin ang kalaban ng Monte University," sagot ni Candice.
Natigilan ako sa sinabi niya. Mafia-Assassin University? Ibig sabihin sa lugar kung saan naroon si tita Audrey?
"K-Kalaban?"
"Oo, sila ang kalaban ng mga Montemayor. Although, hindi lahat nang naroon ang kalaban. Tanging ang nag mamay ari ng University, councils at mga anak ng mga ito ang kalaban namin. Well, damay na rin ang mga naroon," sabi rin ni Marga.
"Hindi madaling makapasok doon, dahil sa higpit nang nagbabantay. Lalo na sa mga kumokontrol ng system nila," sabi naman ni Beatriz.
Napatango ako. Ibig sabihin lang nito. Papasukin namin ang lugar kung saan naroon si tita audrey. Sa lugar ng mga Assassin.
"Ilang besess na kayong nakapunta doon?" muling tanong ko.
"Maraming beses na pero sadyang mahirap makapasok," sagot ni Candice.
"Ano bang kailangan natin doon?" seryoso kong sabi.
"Sisirain ang L.K tower. Guluhin lang sila para maramdaman nila ang presensya ng mga Montemayor," sagot sa akin ni Francess.
Hindi maganda ang plano na iyon. Nag iisip ba ang isang ito sa pweding mangyari? Hindi ko pa alam ang lugar na iyon, ngunit nasisiguro kong delikado ang gagawin namin kung sakali.
"Kung manggugulo lang tayo doon, sigurado ba kayong makakaalis din tayo nang ligtas? Paano kung may makuha sila na isa sa atin na pweding maging problema natin?" dahilan ko.
Sabay silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko, saka nagkatinginan.
"Well, tama ka," sang ayon ni Marga.
"Sa tingin mo ba may makukuha silang isa sa atin? Kaya nga kailangang planuhin nating mabuti para pag sabay tayong lahat na papasok, sabay din tayong aalis lahat," sabi naman ni Francess.
"Kung sakali mang may maiwan sa atin, then we need to save that person. It's easy," sabi ni Cristofer.
Tsss, easy your ass. Madaling sabihin iyon, pero walang kasiguraduhan.
"Okay enough for that, next time na natin pag usapan iyan. Magpahinga ka muna dito, Scarmey," sabi sa akin ni Candice.
"No, uuwi ako. Don't worry about me," nakangiting sabi ko.
Tumango lang siya saka lumabas. Napansin kong parang may kakaiba sa mga tingin niya sa akin, lalo na si Francess. Well, ganoon naman talaga tumingin ang isang iyon. Matapos kong makapag ayos ay lumabas na rin ako sa hideout kasabay nila.
Napahinto ako sa pag sakay sa motorbike, nang may isang kotse na huminto sa tapat ko. Bumukas ang bintana ng kotse at nakilala ko kung sino ang nakasakay doon. Si Francess.
"Sakay na," sabi niya.
"Sigurado ka?" nagtatakang sabi ko. Himala ata at inaaya niya ako sumakay sa kanyang kotse.
"Get in," muli niyang sabi.
Napangisi ako saka ako sumakay sa kotse niya. Hinabilin ko na lang sa nagbabantay sa parking lot ang motorbike ko, saka na pinaandar ni Francess ang kanyang kotse paalis.
"Gusto mo pala ng joyride bakit hindi mo sinabi kanina, para sabay na tayong umalis," nakangising sabi ko sa kanya.
"Tsss, inaalala ko lang ang sugat mo baka mahirapan kang magdrive," sagot niya sa akin at halata ang pagkainis niya.
Mas lalo akong natutuwa sa kanya, hindi ko alam pero ang sarap niyang asarin.
"Oh? Hindi ko alam na concern ka pala sa akin. Well, thank you for your care, Francess," nakangisi kong sabi.
"Would you shut up? I'm not concern is just-- tsk!" niirita na niyang sabi.
Napataas na lang ang kilay ko at hindi na siya inasar pa.
"Hmmm, okay," tanging sabi ko na lang.
Nanahimik na lang ako baka maasar pa lalo. Ngunit nang maalala ko ang tungkol kanina, muli akong nagsalita.
"Kalaban niyo ang mga assassin di ba. Ano ba silang klaseng kalaban? Anong history niyo sa isa't isa?" tanong ko sa kanya.
Napansin kong pag iba ng mukha niya, tila naging seryoso saka tumingin sa akin. Mas mabuting makakuha rin ako ng impormasyon mula sa kanila. Kung ano ang naging alitan nila.
"Kailangan mo pa bang malaman?" sabi niya sa akin.
"Hmmm oo, para naman may alam ako at mapag aralan din sila tulad niyo. Anong silbi ng pagiging spy ko kung wala akong alam di ba?" katwiran ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya mayamaya bigla niyang inihinto ang kotse. Napatingin ako sa labas.
"Bakit mo hininto?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Muli akong tumingin sa labas dahil baka may nakaabang na naman sa amin.
"Matagal nang magkalaban ang dalawang Organisasyon. Ang Mafia-Assassin at ang Montemayor," sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Sa anong dahilan?"
"Sa totoo lang hindi ko rin alam. Ang tanging alam ko, kalaban ang mga assassin. Iyon ang nakatatak sa isipan namin. Kailangan naming pabagsakin ang mga ito, para masakatuparan ang matagal nang dapat ginawa ng Pamilya namin laban sa kanila. Namatay na ang dating Empress ng Mafia-assassin, kaya ang kakambal na lang nito at pamilya ang kailangan ding mawala sa landas namin," seeryoso niyang sabi.
Naging seryoso din ang tingin ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? At sino ang namatay na empress ng Mafia-Assassin? Napakawalang kwenta naman ang dahilan na iyon, para sa akin. Kailangang mawala sa landas nila ang mga Mafia-Assassin?
"Sino? Sino ang namatay?" mariing tanong ko.
"Si Dhrea Scarlette Sandellan, siya ang empress na namatay sa kamay ng mga Novoh noon. Magaling siyang leader pero pamilya ang kahinaan sa kanya. Isa siya sa kambal na gustong mawala ng pamilya namin at ngayon ang kakambal niya ang susunod. Si Sherra Montemayor na dating leader ng Acapella," muling sabi niya.
Natigilan ako. Lalo na nang banggitin niya ang pangalan ng namantay na Empress. Ang pangalan no'n at hindi maalis sa isip ko. Para bang may kakaiba akong naramdam, dahil sa pangalang iyon. At mas lalo akong nalito sa huling sinabi niya. Lalo na at narinig ko ang Montemayor sa huli niyang sinabi.
"Wait I don't understand," nalilito kong sabi.
"Yeah, it's hard to understand. Maging ako nahirapan, kung bakit pa kailangang maging ganoon ang gusto ng pamilya ko. Wala kaming magawa kundi ang sumunod," tanging sabi Francess.
"Sherra Montemayor? Bakit niyo siya papatayin, kung kapamilya niyo rin siya?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Narinig kong napabuntong-hininga siya.
"To tell you the truth, I didn't know. Iyon lang ang sinasabi sa amin, na kailangan rin niyang mawala tulad nang nangyari sa kakambal nito," sagot niya sa akin.
Napatango ako. Sigurado akong ang tanging makakapagsabi lang sa akin nang tungkol dito ay si tita Audrey. Siya lang ang makakapagpaliwanag sa bagay na ito. Mukhang ang dami kong itatanong sa kanya kapag nagkita ulit kami.
"Kung papasukin natin sila, malamang mahihirapan tayo. Kayo na nga ang nagsabi di ba, na mahirap pasukin ang mga assassin," mayamaya ay sabi ko.
"Yeah, mahirap pero kailangang subukan. We need to do that it's our mission and your first mission," sagot niya sa akin.
Ang gulo niya, kanina sinabi nilang hindi ito misyon ngunit kailangang gawin. Tsk!
Napabuntong-hininga ako saka tumango. Muli niyang pinaandar ang kotse saka umalis. Tahimik lang kami, hanggang sa huminto ang kotse at naalala kong dito rin niya ako ibinaba no'n.
"Salamat sa paghatid," sabi ko sa kanya. Akmang lalabas na ako nang pigilan niya ako. Mayamaya ay may inabot siya sa akin.
"Here," sabi niya.
Napatingin ako sa inabot niya sa aking isang card. Nagtataka akong tumingin dito, bago ko siya tiningnan.
"Ano 'to?" tanong ko.
"It's an invitation card can't you see? Nalimutang ibigay iyan saiyo ni Candice kanina," masungit niyang sabi sa akin.
"Ows, talaga? Para saan naman ito?" sabi ko at tiningnan ang nasa loob nito. Nakasulat dito ang pangalan ko sa labas ng card.
"Aniversarry ng parents ni Candice bukas. Kaibigan ka niya di ba? kaya invited ka," sabi niya.
"Oh? Okay, thanks ulit sa paghatid," sabi ko saka ako bumaba.
Wala na akong nakuhang tugon sa kanya. Pinaandar na niya ang kanyang kotse saka umalis. Tinanaw ko siya saka napangisi. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako pag kasama siya. Natutuwa akong inaasar siya at binabara. Well, it's a part of my moves to be close with him, nothing more. Kailangan kong mapalapit sa kanila, lalo na sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat, makita lang nila ang mga ginagawa ko at hindi sila magduda sa akin.