Matapos kong tanawin ang pag alis ni Francess ay tumuloy na ako sa condo ko. Naglakad na ako patungo sa unit ko, saka ito binuksan.
"Franciss Riev Montemayor Amonte.."
Napahinto ako sa pagsara ng pinto at napalingon sa taong nakaupo sa sofa. Natigilan ako nang makilala siya.
I saw her, si tita Audrey.
"Ohh, tita your here?" nagugulat kong sabi
Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin at saka tumayo.
"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" muling sabi tita Audrey.
"Yes, I know him and I also known that he's my enemy," seryoso ko ring sagot sa kanya.
Napairap siya saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko patungo sa leeg ko saka hinaplos. Nagtataka naman ako sa ginagawa niya.
"May naalala ka ba kung anong nangyari sa leeg mo?" tanong ni tita Audrey.
Nagtataka akong nakatingin sa kanya. Hinila niya ako at iniharap sa isang salamin. Napatingin ako doon at sa leeg ko na may peklat.
"Wala akong maalala sa kung anong nangyari sa leeg ko," naguguluhang sabi ko sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung anong mayroon sa leeg mo?" sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit? Anong mayroon sa leeg ko?" seryoso kong tanong.
Tinitigan ko siyang maigi. Naging seryoso naman ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam, ngunit nararamdaman kong may nalalaman siya, sa kung anong nangyari sa leeg ko.
"Hindi ako sigurado sa kutod ko pero sasabihin ko lang ito, kung sasama ka sa akin at iwan mo ang Monte University," sabi ni tita Audrey.
Kuno't noo ko siyang tiningnan. Hindi ko siya maintindihan.
"Pero alam mo kung bakit ako naroon di ba?" naguguluhan kong sabi.
"I know. Ngunit pwedi kitang tulungan para malaman ang lahat, basta nasa akin ka at wala ka sa kalaban," mariing sabi ni tita Audrey.
Napailing ako.
"Kailangan kong tapusin ang nasimulan ko, bago ako sumama saiyo. Lalo na ngayong may pinaplano silang pasukin ang Mafia Assassin Territory," mariin kong sabi na kinabigla niya.
"What?" gulat niyang sabi.
Napabuntong-hininga ako at lumingon sa kanya.
"Yes, nais nilang guluhin ang territoryo niyo, lalo na ang L.K. I don't that but, that's what they want. Para iparamdam nila ang kanilang presinsya," seryoso kong sabi.
Nanahimik siya sandali saka napangisi.
"Kung ganoon, we will welcome them," nakangisi niyang sabi.
"Anong gagawin niyo?" tanong ko sa kanya.
"Ipaparamdam din namin na handa kami, lalo na't nandyan ka," sabi ni tita Audrey.
Napangisi ako.
"Okay, sasabihin ko kung kailan," nakangiti kong sabi.
"Good girl," sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.
Tumango ako. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, basta alam na niya ang plano namin. Mukhang magiging exciting ito para sa akin.
"Come here, I will cook for our dinner," sabi niya at hinawakan ang braso ko saka kami naglakad patungo sa kusina.
"Hindi ka ba hahanapin sainyo tita?" tanong ko sa kanya habang tumitingin sa refrigerator, para sa kanyang lulutuin. Mabuti na lang at nakakapagrocery ako minsan.
"Huwag kang mag alala, alam naman nila kung anong trabaho ko. Syempre kailangan rin nila ang presensya ko doon, kaya aalis din ako pagkatapos nito," sagot niya sa akin.
Napatango ako. Nang makakita na siya nang lulutuin niya ay bigla kong naalala ang naging usapan namin ni Francess kanina.
"Tita, may itatanong lang ako. Sino si Dhrea Scarlette at Sherra Montemayor?" tanong ko sa kanya.
Napansin kong napahinto siya sa ginagawa niya at bahagyang lumingon sa akin.
AUDREY POV
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Scarmey. Nakita ko ang mukha niya na naghihintay nang sagot. Bakit nga ba niya iyon natanong at saan niya iyon narinig.
"Saan mo narinig ang pangalan nila?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Well, napunta kasi ang usapan namin ni Francess, tungkol sa namatay na Empress ng mga assassin. Tapos ang sabi niya, ngayong namatay na si Dhrea Scarlette kailangan rin daw mawala sa landas nila si Sherra Montemayor. Ang nakakapagtaka, bakit nila papatayin si Sherra ganoong kapamilya naman ata nila ito," paliwanag niya.
Nagulat ako sa sinabi ni Scarmey. Sinabi iyon ni Francess sa kanya? At talagang nais pa nilang mawala si tita Sherra? Ang lakas nang loob nila para gawin iyon. Bahagya akong natawa sa narinig ko, na ipinagtaka ni Scarmey.
"Why tita? Anong koneksyon ni Sherra sa inyo at kung bakit nila ito gustong mawala?" nagtataka niyang tanong.
"Alam mo, Scarmey, ang masasabi ko sa sinabi niya saiyo ay isa iyong malaking kalokohan. Napakahaba ng kwento kapag sinabi ko pa saiyo. Kaya naman ito lang ang masasabi ko. Kami ay may karapatang maghigante laban sa kanila, ngunit wala kaming ginawang kilos upang pabagsakin sila. Sila ang may gustong makipaglaban sa amin, kaya naman pagbibigyan namin sila. Ngunit ngayon ay wala pa kaming ginawang kilos, ngunit nakahanda kami kung sakali man," mariin kong sabi sa kanya.
Nakita kong hindi siya nakapagsalita, kaya ngumiti na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Sa ngayon, Scarmey, hindi ko pa pweding sabihin saiyo ang lahat. Soon, malalaman mo rin ngunit may kailangan din akong kompirmahin sa pagkatao mo.
Itinaas ko ang hawak kong kwentasat napatitig dito.
Napabuntong hininga ako.I don't know if this is Coincident,or is just faith.Hindi pa ako sigurado kung totoo ba ang mga hinala ko. Ngunit..
"This necklace and ring. I already saw it before with her. I am her bestfriend and I know what's her wearing," sambit ko habang nakatingin dito.
Ngunit paano napunta ito sa kanya?
Hindi ako sigurado noon kung paano ito matanggal. Ngunit natanggal ko pa rin dahil kapareho ito no'ng kwentas niya, na ang akala ko hindi ko matatanggal.
"My god Scarmey, your identity is confusing me," sambit ko at napapikit
Naalala ko bigla ang sinabi ni Gailla noon. Na may binigay si Dhrevey sa anak niyang babae na kwentas, na may kasamang sing-sing. Iyong kwentas na ibinigay niya ay galing kay Charlie, kaya siya lang ang makakatanggal nito. Ngunit alam ko kung paano iyon tanggalin, kaya nga natanggal ko ito kay Scarmey. Naalala ko rin na may sinabi si Gailla, na may nakalagay na tatoo sa batok ng dalawang anak ni Dhrevey at nakalagay rin doon ang initials ng mga pangalan nila. Nakita kong may tattoo si Scarmey sa leeg niya at may nakalagay na...
D.S
"Oh my god!" sambit ko at napahawak ako sa noo.
Scarmey?
"What's that?"
Gulat akong napatingin sa pumasok kaya naitago ko bigla ang hawak ko.
"C-Carvey," gulat kong sabi.
"Oh? Bakit ka nagulat?" nagtataka niyang sabi.
"H-Hindi ka kasi kumatok," sabi ko at napabuntong-hininga.
"This is our room honey. Well, what's that anyway?" muli niyang tanong.
"Ahm it's nothing," kaila ko.
"Honey, your so serious earlier. Ano bang mayroon doon sa hawak mo?" seryoso niyang tanong muli.
Napabuntong-hininga ako.
"Honey, I-I t-think, I already know who is Dhrevey's daughter," pag amin ko.
"Ha? Bakit sino?" nagugulat niyang sabi.
"Here," sabi ko at pinakita sa kanya ang hawak ko at napatitig siya dito.
"Sandali, ang kwentas at sing-sing na ito? Di ba kay Dhrevey ito at nakita ko rin kay Charlie?" naguguluhan niyang sabi.
"Yes, at nakita ko ito sa isang babaeng nailigtas ko noon sa laboratory ng mga montemayor," sabi ko at napangiti.
"You mean, that girl?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Yes, that girl, she's Dhrevey's daughter," sabi ko at napahawak ako sa kamay niya.
"We found her," nakangiti niyang sabi.
Niyakap niya ako.
Finally! But still I need to investigate everything about her. Kung bakit siya napunta sa mga Montemayor at naging isang human tester.