SCARMEY POV
Kinabukasan ay napagdesisyonan kong pumunta sa mall para mamili nang isusuot ko bukas.
Akmang sasakay na ako sa kotse, nang may napansin akong pamilyar na kotse na nakaparada sa labas ng condominium. Bumukas ang pinto no'n at nakita ko kung sino ang may ari. Napataas ang kilay ko nang makilala siya.
"Anong ginagawa niya dito?" nagtataka kong sambit sa sarili ko.
I sighed. Naglakad ako palapit sa kanya. Iniwas niya ang tingin sa akin, nang makitang papalapit ako at binuksan niya ang pinto. Napangisi ako.
"Anong ginagawa mo dito, Francess?" nakangisi kong tanong sa kanya.
"Tssss, obvious ba? Sakay na," sabi niya habang hindi sa akin nakatingin. Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya at bahagyang ngumiti. Nakapa-imposible talaga ng lalaking ito. Ano kayang pumasok sa isip niya upang gawin 'to?
"Oh? You want a ride with me?" pang aasar ko.
Sinamaan niya ako nang tingin at syempre hindi ako natinag sa tingin niya. Nakangisi lang akong nakatingin sa kanya.
"Sakay," muli niyang sabi.
Napailing ako saka sumakay sa kotse niya at saka niya iyon pinaandar. Bumaling ako sa kanya na seryoso lang na nakatingin sa daan. Hindi pa rin ako makapaniwalang susunduin niya pa talaga ako.
"Inutusan ka ba ni Candice na sunduin ako?" tanong ko sa kanya. Malay ko kung inutusan siya di ba? Tinawagan kasi ako ni Candice pumunta sa isang botique na pagmamay ari niya na nasa mall. Mamili raw ako nang damit doon ay siya na ang bahala.
"No," sagot niya.
"Oh? So sinadya mo talagang sunduin ako?" nakangiti kong sabi at talagang lumapit pa ako sa kanya.
Inis siyang tumingin sa akin at bahagyang lumayo pa dahil ang lapit ko sa kanya.
"Tsss, napadaan lang ako dahil sabi ni Candice samahan kita sa botique niya, para makapili nang susuotin mo bukas," sabi niya
Napataas ang kilay ko. Sa pagkakaalala ko doon ako hihintayin ni Candice at sasamahan niya ako. Kaya bakit naging si Francess bigla. Okay naman sa akin pero sadyang nakakagulat lang talaga.
"Seryoso ka? Akala ko si Candice ang kasama ko?" naguguluhan ko pang sabi.
"May pupuntahan siya kasama ang kapatid niya, kaya ako ang Sinabihan niyang samahan ka," sagot niya.
"Hmm okay," tanging tugon ko na lang.
Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang hanggang sa makarating kami sa mall. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa huminto siya at pumasok sa isang Botique kaya sumunod ako.
"Mamili ka na," sabi niya sa akin.
"Libre ba ito?" tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya at tumango.
"Tsss, Oo," sagot niya.
Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"Sinisiguro ko lang no. Malay ko kung magbabayad ako eh, wala akong dalang cash, tsss," sabi ko kahit mayroon naman talaga. Namili na ako nang susuotin ko. Marami akong nakitang damit at ang ilan ay sinusukat ko. Matiyaga naman siyang naghintay sa akin.
N
ang makapili na ako ay lumabas na rin kami.
"Lets eat somewhere," anyaya niya.
Tumango na lang ako, baka kasi nagugutom talaga siya. Well, medyo nagugutom na rin naman ako, kaya hindi ko na kailangang umangal. Mayamaya pumasok kami sa isang Restaurant. Umupo kami sa isang table at ibinigay niya sa akin ang mene.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.
Tiningnan ko ang nasa menu at sinabi ko sa kanya ang gusto ko. Namili na rin siya nang gusto niya at tinawag ang waiter upang kunin ang orders namin.
Nilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa may napansin ako. Napatitig ako sa isang lalaking pamilyar sa akin. May kasama siyang dalawang lalaki na masayang nag uusap.
Bahagya siyang napatingin sa akin at natigilan din. Mayamaya ngumiti siya sa akin kaya napangiti ako. Kumaway siya, kaya napatingin sa akin ang kasama niya.
Si Shan.
"Sinong tinitingnan mo?" narinig kong tanong ni Francess.
Tumingin ako sa kanya.
"I saw a friend. Ayun siya," sabi ko at itinuro ang kinaroroonan nina Shan
Tumingin siya sa tinuro ko. Napansin kong natigilan siya, kaya tumingin din ako. Maging si Shan at ang dalawa niyang kasama ay natigilan at seryosong nakatingin sa amin o sa kasama ko.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Francess at sa kinaroroonan nila shan. Nagtataka ako, anong mayroon at parang naging seryoso silang pareho.
"What's wrong?" nagtatakang tanong ko kay Francess.
"Sigurado ka bang kilala mo sila?" seryoso niyang tanong habang naroon pa rin ang tingin niya.
"Uhm yeah, actually iyang si Shan lang ang kilala ko, pero iyong dalawang kasama niya hindi. Bakit?" naguguluhang s**o ko.
Bumaling siya sa akin, saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila paalis sa kinauupuan ko.
"Hey, what's wrong?" agad kong sabi at binabawi ang kamay ko pero hinigpitan niya ito.
"Aalis na tayo, bilisan mo," mariin niyang sabi
"Wait!"
Bumaling ako sa kinaroroonan nila Shan, nakita kong napatayo siya pero pinigilan siya ng mga kasama niya na sundan ako.
Anong mayroon?
Magkakilala ba sila?
"Paano mo nakilala ang lalaking iyon?" tanong niya ng nasa parking lot na kami.
"Sino si Shan?" nagtataka ko paring sabi.
"Wala akong pakialam kong sino sa kanila ang tinutukoy mong Shan, basta paano mo siya nakilala!" bigla niyang sigaw sa akin.
Napaatras ako dahil sa sigaw niya. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya.
"Teka nga bakit ka ba nagagalit? Ano bang mayroon sa kanila huh?" niinis kong tanong sa kanya.
Napahampas siya bigla sa manibela at masama ang tingin sa akin.
"Isa silang Assassin! Membro sila ng L.K!" sigaw niya sa akin.
Natigilan ako at nagugulat akong napatingin sa kanya. Anong sabi niya?
"W-What?" wala sa sariling sabi ko.
"You heard me right? Yes they are assassin, in short they are our rivals," sagot niya sa akin.
Natameme ako at napaiwas nang tingin sa kanya. Tama ba talaga ang narinig ko? Isa siyang assassin?
Si Shan?
Assassin?
Pero bakit parang hindi halata na assassin siya.
"Paano mo ba nakilala ang lalaking iyon," mahinahon niyang tanong muli sa akin.
Napabuntong-hininga ako.
"We just accidentally meet at the jeepney. Then last week we meet again. Kaya nakilala ko siya at naging kaibigan na rin. Hindi ko alam na isa pala siyang assassin," paliwanag ko sa kanya.
Bumaling siya sa akin at kinukompirma kung nagsasabi ba ako nang totoo.
"Sigurado ka bang wala kang alam sa kanila?" mariin niyang tanong.
"Of course! Hindi ko nga kilala iyong kasama niya at hindi ko na rin alam kung paano siya haharapin, kung sakaling magkita ulit kami at magtanong tungkol saiyo," sabi ko at bahagyang napapikit. Pakiramdam ko nakaipit ako sa pagitan nilang dalawa. Hays! Malay ko naman di ba?
Hindi siya nagsalita. Pinaandar na lang niya ang kotse saka kami umalis.
Nasapo ko ang noo ko.
What now?
Ayoko pang ma-involve sa mga assassin dahil di pa
ako tapos sa mga montemayor. Ngunit ngayon heto at mahahati na ako bigla. Hays! Nawala bigla ang gutom ko dahil sa nangyari.
"Yung Shan na tinutukoy mo, hindi siya isang L.K," biglang sabi ni francis kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
"Minsan ko na siyang nakita sa isang picture na pinakita sa amin ni mommy. Kasama niya doon ang dating Empress ng mga assassin na ngayon ay Empress ng Acapella. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa basta sigurado ako na isa siyang kalaban," seryoso niyang sabi.
What?
Empress ng mga assassin, na ngayon ay empress ng Acapella? Bakit parang nakakalito naman iyon?
"Acapella? Ano iyon?" nagtataka ko paring tanong sa kanya.
Napabuntong hininga siya at seryosong tumingin sa akin.
"Ang Acapella ang pinakamabigat na kalaban ng mga Montemayor ngayon, bukod sa mga assassin. Lalo na sa unang taong bumuo ng Organisasyon na iyon at dapat mamatay ang babaeng iyon tulad nang pagkamatay ng kakambal niya. Dapat silang mawala, maging ang mga taga-sunod nito. Iyan ang nakatatak sa amin na mga Montemayor," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.
Naramdam ko ang galit sa mga mata niya. Nais ko sanang magtanong kung saan nagsimula ang galit na iyon, pero hindi muna sa ngayon. Hinayaan ko na lang kung saan niya ako dadalhin ngayon.
"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko, nang ihinto niya ang kotse sa isang Resort. Napatingin ako sa paligid.
"Nandito si Candice, pinapapunta niya tayo dito," sabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Sigurado ka?" paniniguradong sabi ko.
"Sa tingin mo ba isasama kita dito kung wala si Candice?" naiinis na naman niyang sabi. Ang init naman ata ng ulo nito! Tss!
Inirapan ko na lang siya.
"Lets go," sabi niya.
Sumunod na lang ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng Resort. Deretso kaming naglakad patungo sa likod at nakita namin doon ang pool are at maraming bisita ang naroon.
"Scarmy! Mabuti at nandito na kayo, akala ko di kayo darating," sabi ni Candice na siyang sumalubong sa amin.
"Si Francess lang naman ang may alam na pupunta kami dito. Hindi ko naman alam na ikaw ang pupuntahan namin, kung ano-ano pa kasing sinabi kanina," sabi ko at tumingin kay Francess.
Sabay silang napatingin sa akin at sinamaan ako nang tingin ni Francess. Kaya inirapan ko siya.
"Anong sinabi niya?" nagtatakang tanong ni Candice.
"Tsss, nevermind, ano pa lang mayroon dito?" tanong ko na lang sa kanya. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin.
"Well, we just have a family gathering. gusto kitang ipakilala sa parents ko," nakangiting sabi ni Candice.
"Huh? S-Sigurado ka?" nagugulat kong sabi.
"Yes, lets go," anyaya niya at hinawakan niya ako sa braso saka kami naglakad. Napatingin ako kay Francess, iniwas niya lang ang tingin sa akin. Sumunod naman siya sa amin ni Candice.
So, this is it. Makikilala ko na ang isa sa magiging kalaban ko. Sana nga lang at hindi ako makilala ng mga ito.