Info

1069 Words
     ZEFFREY POV Napasandal ako sa hood ng kotse at napaisip sa nakita ko kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita kanina. Bakit niya kasama ang lalaking iyon? Alam kaya niya kung sino ako? "Sino ba ang babaeng iyon, Shan? Bakit mo iyon kilala?" tanong ni Aizen. "Oonga, akala ko iyong isa ang tinutukoy mo kanina, pero iyong babae pala, sino 'yon?" tanong rin ni Ranzy. Napabuntong-hininga ako. "Her name is Scarmy. I meet her in a jeep and we meet again last week, then we become friends. I feel comfortable with her.. So that, I like her," pag amin ko sa kanila. "What?" sabay nilang sabi. Napatango ako sa naging reaksyon nila. Maging ako nga rin ay nagulat. "Kung ganoon may gusto ka sa babaeng kasama ng kalaban natin?Seryoso ka Shan? Eh paano kung girlfriend pala siya ng Francess na 'yon?" nagugulat pa rin na sabi ni Ranzy. PAK! Binatukan ko nga. "Aray!" daing niya. "Hindi sa ganoon! Yeah, I like her but that's not what you think, okay? Basta gusto ko siya sa di ko alam na dahilan. Magaan ang loob ko sa kanya iyon lang," sabi ko sa kanila. "Ahh," sabay nilang sabi at napatango pa. "Kaya nakakapagtaka kung bakit sila magkasama. Kailangan ko siyang makausap dahil sa tingin ko. Nang dahil kay Francess ay alam na rin niya kung sino ako," seryoso kong sabi. "Sasama kami," hirit ni Aizen. Sinamaan ko siya nang tingin. "Hindi niyo na kailangan mangialam sa aming dalawa," seryoso kong sabi. Napatango na lang sila sa sinabi ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa kotse ko saka sumakay. "Mauna na ako sa inyo," sabi ko saka umalis. Narinig kong sumigaw pa sila. Okay I forgot, wala pala silang dalang kotse dahil sinundo ko sila kanina. Nguniy bahala na sila, matuto silang mag comute. Dahil kailangan kong makausap si Scarmey ngayon. Tatanungin ko siya kung anong mayroon sa kanila ni Francess.    Inihinto ko sa di kalayuan ang kotse ko. Mula rito nakikita ko ang Condo building ni Scarmey. Tumingin ako sa itaas kung saan ang condo niya. Nakikita lang dito iyon. Alam ko kung saan ang room niya dahil minsan na rin akong pumunta nang hindi niya alam. Kunot-noo akong napatitig doon dahil bahagyang nakabukas ang sliding door ng condo niya at may isang babaeng nakatayo roon. Hindi ko agad siya nakilala dahil sa mga railings na sinasandalan niya at imposibleng si Scarmey iyon dahil maiksi lang ang buhok nito at matangkad itong babae. Ibig sabihin may iba pa pala siyang kasama sa condo niya? Hmm, kung may number lang niya ako ay siguradong tatawagan ko siya. Muli akong tumingin sa itaas sa condo niya. Ngunit wala na doon ang babaeng nakatayo. Napabuntong hininga ako at napasandal. Ano ka ba talaga Scarmey. Kalaban ka ba ? O Kakampi ka. Ngunit nararamdam ko na mabuti kang tao dahil magaan ang loob ko saiyo. Biglang nag Vibrate ang cellphone ko at napabuntong-hininga. Ano na naman kaya ang kailangan ng batong lalaking ito. "Oh Nathan, anong kailangan mo?" tanong ko kaagad. "Tssss, nasaan ka ba?" tanong niya pa sa akin. "Bakit? Pupuntahan mo ako?" pang aasar ko. Mabilis pa naman itong mapikon. "Tssss, where are you punk!" naasar niyang sagot sa akin "Ay? Iningles mo lang ah?" natatawa kong sabi. "f**k you! Nasaan ka ba kasi!" naiinis niyang muling tanong sa akin. "Hahaha okay-okay! Nandito lang ako sa isang kaibigan. Bakit ba?" nakatawa kong sabi. "Pumunta ka dito. May sasabihin ako tungkol sa kakambal mo," wika niya. Natigilan at natahimik ako saglit, dahil sa sinabi niya. "Tungkol sa k-kambal ko?" nagugulat kong tanong. "Oo kaya pumunta ka na dito, para malaman mo ang impormasyong nalaman ko mula kay mommy," muling sabi niya. Pinatay niya agad ang tawag. Napapikit ako. Dhreammy, kung ano man ang malaman ko ngayon. Sana ito na iyong impormasyon kung nasaan ka na. Napabuntong-hininga ako at nagpasyang umalis na lang. Sa susunod ko na lang kakausapin si Scarmey. "Nathan!" Agad kong bungad sa Pinto ng villa niya. Nakita ko siyang nakaupo habang nasa laptop nakatingin. Tumingin siya sa akin pero agad ding inalis at muling tinutok ang atensyon sa laptop niya. Naglakad ako patungo sa kanya. "Anong alam mo sa kakambal ko, tol?" tanong ko sa kanya. "I just heard accidentally from my mom about your sister. May kausap siyang isang nakamaskarang lalaki at hindi ko alam kung sino iyon," sabi ni Nathan. "Anong narinig mo?" "Na isang survivor ang kakambal mo sa isang Laboratory ng mga Montemayor. Siguro naman alam mo na, na si tita Audrey ang may mission na lusubin ang mga laboratory ng mga Montemayor noon at isa sa mga laboratoryong 'yun ay naroon ang kapatid mo," seryoso niya sabi sa akin. Bumaling siya sa akin at mariin akong tinitigan. "Sa tingin mo, alam kaya ni tita Audrey kung sino ang kapatid mo?" seryoso niyang sabi. Hindi agad ako nakapagsalita dahil gusto kong malinawagan sa sinabi niya. Kung isang survivor ang kakambal ko sa laboratory na mission ni tita noon, posible ngang may alam si tita kung sino ang kapatid ko at kung nasaan ito. "Ano pa ang narinig mo sa pag uusap ng mommy mo at no'ng nakamaskara," sa halip na sabi ko. "Bukod doon, narinig ko rin na baka nawala rin ang alaala ng kambal mo, dahil isa sa mga laboratory na iyon ay isang human testing lab. Na tulad sa nangyari kay tita Herlette noon, na nawalan ng alaala at baka nangyari din sa kapatid mo. And for sure, kung nangyari nga iyon at naka-survive siya. Hindi niya rin alam kung sino siya at sino ang pamilya niya," sabi ni Nathan. Napatango ako. Alam ko ang nangyari kay tita noon dahil sinabi na iyon ni mommy. Kung sakali ngang nangyniya. nilang gamitin ito laban sainyo, lalo na't wala siyang maalala sa nakaraan niya," muling sabi niya "K-Kung ganoon nasa panganib ulit ang kakambal ko?" kinakabahan kong sabi. "Yes, at kailangang makita natin siya bago tayo maunahan ng kalaban. At uunahin nating alamin kay tita Audrey kung sino ang survivor, kung ito nga ba ang kakambal mo," mariin niyang sabi. Napatango ako. Dhreammy, sana nga at mahanap ka na namin. Masyado nang matagal mula ng mawala ka sa amin. Sana sa pagkakataon na ito. Makita ka na namin at masakama. Para maging masaya na rin ang ina natin. Masyado na siyang nasaktan. Kaya sana makita ka na namin. We really miss you my sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD