THIRD PERSON'S POV
Binuksan ni Gailla ang isang pinto saka siya pumasok. Tumingin siya sa paligid ng silid at wala siyang makitang ibang tao. Kaya naman napabuntong-hininga siya at dumiretso sa balkonahe ng silid. Doon, nakita niya itong nakatayo habang may hawak na alak, na nakalagay sa wine glass. Lumapit si Gailla dito at bahagyang tumabi.
"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong niya kaagad at nagsalin rin ng sariling alak saka uminom.
Napasulyap ito kay Gailla at seryosong tiningnan. Napansin naman ni Gailla ang kakaibang tingin nito.
"What?" nagtatakang tanong niya dito.
"Nandito na sa Pilipinas si Francine Amonte. Kaya delikado na siya doon," seryosong sabi nito kay Gailla. Bahagyang napataas ang kilay ni Gailla dahil sa sinabi nito, lalo na ang marinig ang pangalan ng babaeng binabantayan nila na nasa ibang bansa.
"Sigurado ka?" paninigurado ni Gailla.
Tumango ito.
"Tumawa sa akin kagabi ang tauhan ko at sinabing uuwi dito sa pilipinas si Francine. Kaya siguradong makikilala niya si Scarmey, kapag nakita niya ito," mariin sabi nito.
Natigilan naman si Gailla at napaisip din sa sinabi nito. Pareho silang natahimik dalawa, tumingin naman si Gailla dito.
"Anong plano mo? Magpapakilala ka na ba sa kanya?" saad ni Gailla dito.
Hindi agad ito sumagot at napatingin sa hawak nitong alak. Narinig ni Gailla ang pagbuntong-hininga nito.
"Hindi pa ako magpapakilala sa kanya. Hindi pa oras para doon," sagot nito sa kanya.
"Kung ganoon anong plano mo sa kanya, ngayong nandito na si Francine?" seryosong taong muli ni Gailla.
"I trust Audrey for her safety. Nasisiguro kong kaya niyang protektahan at kumbinsihin si Scarmey na umalis na sa Monte University," tanging sabi nito.
Napasinghal naman si Gailla at hindi makapaniwalang napatingin dito.
"Seryoso ka ba? Iaasa mo lang kay Audrey ang kaligtasan ni Scarmey? C'mon, you have a right to do same thing," naaasar na sabi ni Gailla at mabilis na ininom ang hawak nitong wine.
"I know, but not this time. Ayokong guluhin ang plano niya sa Monte. May tiwala rin ako sa kanya at plano niya. Lalo na ngayong gabi," mariing sabi nito.
Napataas ang kilay ni Gailla dahil sa sinabi nito.
"Bakit? Anong mangyayari ngayong gabi?" nagtataka niyang tanong dito.
"Invited siya sa wedding aniversarry ng magulang ng isa niyang kaibigan. Naroon din ang mga Montemayor at Amonte, maging ang ilang kaibigan ng mga ito," sabi nito.
Nagulat naman si Gailla at agad na napalingon dito.
"What? Tapos ano? Titingnan mo lang ang mangyayari? Paano kung makilala siya ng mga ito?" hindi makapaniwalang sabi ni Gailla.
Lumingon naman ito sa kanya.
"Oo, panonoorin ko siya. Dadalhin ko ang mga tauhan ko sa venue upang masubaybayan ang kilos niya at kilos ng mga tao doon. Kung sakali mang may gawin sila kay Scarmey, I will stand for her," mariing sabi nito.
Hindi nakapagsalita si Gailla sa sinabi nito. Matapos nitong sabihin iyon ay iniwan na siya nito. Nasapo naman ni Gailla ang noo niya.
'Pareho talaga kayong dalawa ni Dhrevey, sakit sa ulo,' sambit niya sa sarili at napailing na lamang.
"Alam mo ba kung gaano ka delikado itong gagawin mo, Scarmey?" sabi ni Audrey dito, habang nilalagyan niya ito ng kolorete sa mukha.
"Alam ko, pero desidido na akong gawin ito tita. Gusto kong makilala ang mga kalaban ko," sagot ni Scarmey dito.
Napabuntong-hininga si Audrey.
'Pasaway talaga kahit kailan ang batang ito,' sambit niya sa sarili. Bahagyang napailing si Audrey, habang patuloy na nilalagyan ang mukha nito.
"Okay, then I will make sure na hindi ka nila makilala. Kapag nakita mo si Prescilla Amonte at Akira De silva. Make sure na 'wag kang masyadong magpahalata. Be yourself and fucos, understand?" paalala nito kay Scarmey.
Napatango Scarmey saka tumayo. Tiningnan nito ang sarili sa salamin at bahagyang napangiti.
"Parang nakikita ko siya saiyo," mahinang sabi ni Audrey, ngunit narinig pa rin iyon ni Scarmey.
"Sino?" tanong nito.
Natigilan naman si Audrey sa tanong nito.
"Ahm, may kamukha ka kasi kaya nakikita ko siya saiyo," sa halip na sabi na lang niya.
"Sino naman?" muling tanong ni Scarmey saka humarap kay Audrey.
"Isang babaeng matagal ng nakahimlay. Ngunit parang nabuhay sa katauhan mo ngayon," seryosong sabi ni Audrey sa kanya.
Natigilan naman si Scarmey sa sinabi nito. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. Nais niya pa sanang magtanong nang muli itong magsalita.
"Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Basta tandaan mo, Scarmey. Ang mga tao sa party na pupuntahan mo ay kalaban mo. Maging mapanuri ka sa paligid mo at 'wag mong ipahalata kung sino ka. Just go with the flow. Kailangang hindi mapunta saiyo ang mga mata nila. Lalo na't isa sa mga taong naroon ang minsan ng gumamit sa katawan mo bilang experimento," muling paalala ni Audrey sa kanya.
Tumango naman si Scarmey dito.
"Huwag kang mag alala tita, kaya ko na ang sarili ko," nakangiting sabi ni Scarmey.
"Okay. I'm sure, kanina pa siya gustong kumatok. Ngunit nag aalinlangan siya. Kaya pagbuksan mo na," sabi nito sa kanya.
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ni Scarmey at napatingin sa pinto.
"Well, walang iba kundi iyong si Francess," nakaismid na tukoy ni Audrey dito.
Natigilan naman si Scarmey sa sinabi nito.
"Paano ka naman nakakasigurong siya iyon? Eh hindi pa naman iyon nakapunta dito sa condo ko," nagtataka paring sabi ni Scarmey.
"Pinapakiramdaman ko ang isang tao, isa iyan sa mga abilidad na tulad namin. And I'm really sure na siya iyon, dahil kanina ko pa siya nakita sa ibaba. Mukhang sinusundo ka na," nakangising sabi ni Audrey sa kanya.
Iniwas ni Scarmey ang tingin dito. Inayos niya na lang ang sarili bago naglakad patungo sa pinto.
"Remember Scarmey, you can't love that man. Because loving an enemy like them, will cause you too much pain and regret," paalala ni Audrey saka niya ito tinalikuran.
Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito. Dahil gusto ni Audrey na isipin nitong mabuti ang sinabi niya.
Naglakad siya patungo sa veranda ng condo ni Scarmey. Tumingin siya sa ibaba. Napataas ang kilay niya nang makita ang pamilyar na kotse, mariin niya itong tinitigan. Hindi siya pweding magkamali, kotse iyon ni Zeffrey. Nagtataka naman siya kung anong ginagawa ng kotse ni Zeffrey sa lugar.
"Anong ginagawa ng batang iyan dito?" sambit niya sa sarili.
Nakita niyang binaba nito ang bintana ng kotse at tumingin sa itaas kung saan naroon si Audrey. Hindi naman agad makikilala si Audrey dahil sa suot niyangng sunglass. Inalis nito ang tingin sa kinaroonan niya at tila may tiningnan sa harapan nito. Kaya tinaas na nito ang bintana ng kotse. Tumingin din si Audrey sa tiningnan nito. Nakita niya sina Scarmey at Francess na sumakay sa kotse.
Mas lalong napataas ang kilay ni Audrey, nang pagkaalis nila Scarmey ay sumunod naman ito kina Scarmey.
Natigilan siya at napaisip kung magkakilala ba sila ni Scarmey o sadyang nagkataon lang. Nasapo niya ang kanyang noo at talagang naguluhan siya sa kanyang nakita
"Hindi naman siguro, dahil kung magkakilala na sila, kailan pa?" wala sa sariling sambit niya.
Naputol ang pag iisip niya, nang tumunog ang cellphone niya. Kaya sinagot niya ito.
"Hello," bungad niya dito
"Maam Audrey, nandito na po ang result ng DNA test," sabi nito sa kanya.
"Oh, really? Sige pupunta na ako diyan," sagot ni Audrey.
Pinatay niya ang tawag. Napapikit siya. Hinihiling na sana ay tama ang mga hinala niya. Na si Scarmey ang matagal na nilang hinahanap.
'Sana ikaw nga ang nawawalang anak ni Dhrevey, Scarmey,' sambit niya sa sarili.
Ilang saglit pa ay umalis na rin siya sa condo ni Scarmey, upang alamin ang katotohanan sa pagkatao ni Scarmey.