Meet het enemies

2036 Words
SCARMEY POV Hindi ko maintindihan ang pinupunto ni tita. Paano naman niya nasabing mamahalin ko si Francess? Tsk! Kahit kailan wala iyan sa isip ko at hindi iyon mangyayari. Paano ko naman mamahalin ang isang tulad niya, lalo na at alam ko sa sariling anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko. Napabuntong-hininga ako, saka ko binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siyang akmang pipindutin ang doorbell. Napataas ang kilay ko sa kanya. "Ilang oras mo bang pinag isipan kung mag d-doorbell ka o hindi?" sabi ko sa kanya. N akita kong natigilan siya at uniwas agad nang tingin sa akin. "H-Huh?" Napaismid ako sa kanya. Inayos niya ang kanyang sarili at muling tumingin sa akin. "Tsss, kakarating ko lang at mag d-doorbell na ako nang buksan mo," sabi niya pa. "Ows talaga?" nakangisi kong sabi sa kanya. Napasinghal siya sa akin. "Bakit? Ano bang dapat kong sabihin?" naiinis niyang sabi. Natawa ako sa sinabi niya. Ano nga ba? "Anong dapat mong sabihin? Aba malay ko saiyo, baka pwedi mong sabihin na pinapunta ka naman ni Candice dito para sunduin ako? Hmm, pinapasundo nya ba ako?" pang aasar ko pa sa kanya. Sinamaan niya lang ako nang tingin at bigla siyang tumalikod sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. "Bilisan mo, na kung ano-ano pang sinasabi mo," naiinis niya sabi at naunang naglakad. Natawa ako at sumunod sa kanya. "Aba, ang matigas at walang pakialam noon naging utusan na ngayon?" sabi ko ar sinadyang iparinig sa kanya. "Would you shut up? Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pa ang pinapunta ni Candice dito eh, pwedi naman siya," sabi niya habang hindi nakatingin sa akin. Batid ko pa rin ang inis sa sinasabi niya. Sabay kaming pumasok sa elevator nang bumukas ito. "Okay?" nakangisi kong sabi at hindi na lang nagsalita ulit baka mapikon pa at iwan ako. Hindi ko pa naman alam ang venue ng party nila Candice. Tahimik lamg kami sa loob ng elevator. Hanggang sa makababa na kami at naglakad patungo sa parking lot. N ang nasa labas na kami, akmang sasakay na ako sa kotse ni Francess nang matigilan ako. Mula rito nakita ko ang familiar na kotse. Mariin ko itong tinitigan at nakilala ko ang taong nasa loob nito. Shan? Nakatingin siya sa akin o sa amin. "Bakit?" narinig kong sabi ni Francess. Akmang titingin siya sa tinitingnan ko nang pigilan ko siya. Sumakay na ako sa kotse niya, ganoon din siya saka kami umalis. Hindi ko alam kung bakit narito siya. Mula kasi nang magkita kami sa Mall na kasama ko si Francess ay hindi pa kami nagkakausap. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin. Hindi ko alam kung ano nga ba ang maaaring mangyari sa pagitan naming tatlo. Hays! "You look beautiful.." Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. "Huh?" wala sa sariling tanong ko. "Tsss, nevermind," agad niyang sabi at umiwas nang tingin Nanliit ang mga mata ko, habang nakatingin sa kanya. Bahagua akong napangisi. "Nagagandahan ka sa akin ano? Baka sa susunod sasabihin mo na sa akin na gusto mo ko," sabi ko sa kanya. Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko at natawa bigla. "What? Tss, huwag ka ngang assuming. Purket sinundo kita at sinabihang maganda, gusto na agad kita. Huwag ka ngang magpatawa dahil hindi iyon nakakatawa," naiinis niyang sabi. "Ha! Ha! Ha!" Tawa ko sa kanya. Inis niyang inalis ang tingin sa akin. Ang sarap niya talagang asarin. Tsk, pumapatol din eh. Hindi na siya nagsalita pa, kaya nanahimik na rin ako. Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. Bumaba ako sa ako sa kotse niya at napatingin isang malaking mansion. Hindi ko mapigilang humanga sa nakikita ko. Napakalaki at napakagandang mansion ang nasa harap ko. Dito ba talaga nakatira si Candice? Aba, mukhang masasabi kong prinsesa nga siya dahil ang ganda ng bahay nila. "Ngayon ka lang ba nakakita ng malaking bahay o mansion?" narinig kong tanong ni Francess. Napatango ako. Hindi maalis-alis ang tingin ko dito at talagang nakakamangha siya. "MAnsion pa lang iyan nina Candice, paano pa kaya sa amin?" muling sabi ni Francess. Napatingin ako sa kanya. Napangisi ako dahil sa narinig ko. "May balak kang papuntahin ako sa mansion niyo?" mapang asar kong sabi sa kanya. Natigilan naman siya at naiinis na inalis ang tingin sa akin. "Tsss tara na nga at hinihintay na ka na ni Candice," sabi niya at naunang naglakad. Tingnan mo ito, bigla na lang akong iiwan. Tsk! Puro na lang Candice, hindi na lang aminin na sinasadya niya lang ito. B igla akong napahinto nang huminto siya at lumingon sa akin Bahagya pa akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko at inilagay sa braso niya. "A-Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Babawiin ko na sana ang aking kamay, nang higpitan niya ang hawak nito. Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya. "Just for tonight. Alam nilang may kasama ako ngayon at ikaw iyon. Hayaan mong isipin nila kung ano man ang nais nilang isipin. Just for tonight, please Scarmey," pakiusap niya sa akin. "What?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Please," muli niyang sabi Napabuntong-hininga ako at hinayaan ko na lang siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam ko kung ano ang aking pinasok .Alam ko kung anong klaseng mga tao ang mga nandito. Kalaban ko sila, sa ano mang oras ay pwedi akong mapahamak. Kapag nalaman nila kung sino. But why, why I feel something strange? Nang hawakan niya ang kamay ko at nasa tabi ko. Bakit? Bakit, pakiramdam ko ligtas ako. That I'm secured? Na wala dapat akong ikatakot dahil kasama ka ko siya. Why I feel like this? Napatingin ako sa mukha niya. You're my enemy, but why I feel that I'm safe when im with you, Francess. "Hoy, umayos ka nga para kang tangang nakatingin sa mukha ko." Natauhan ako nang bigla siyang magsalita. Napaiwas agad ako nang tingin sa kanya. "Nagulat lang ako sa ginagawa mo, tsk! Kaya mo ba ako dinala dito para may maipakita kang kasama? Sana sinabihan mo ko ng maaga, nang mapaghandaan ko. Stupid," sabi ko sa kanya. "Whatever," tanging tugon niya sa akin. Sabay kaming naglakad. Maraming bisita ang nasa paligid. Iba-Ibang aura ang nararamdaman ko. Halos mayayaman ang nandito. Hindi na nga nakakapagtaka dahil nasa likod ng pamilyang ito, ang mga Montemayor na kaalyansa nila. Hindi ko na meet ang ina ni Candice sa resort kahapon. Tanging ang ama niya lang at nakababatang kapatid nitong babae. Mabait ang ama niya maging ang kapatid niya. Ngunit hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ina niya. Lalo na ang pamilya ng lalaking kasama ko. "Francess.." Napahinto kami at tumingin sa tumawag kay Francess. H indi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa aura niya. Isang babaeng nakasuot ng pulang gown ang nasa harap namin. Nakangiti habang may hawak na wine glass sa kamay. "Mom," bati ni Francess at humalik sa pisngi nito. Wait? Mom? Ibig sabihin ina niya ang babaeng nasa harap namin? "Who is this beautiful young lady?" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin. "Oh, she is Scarmey mom. My date tonight and she's Candice friend. Well, meet my beautiful mom, Prescilla," pakilala niya sa aming dalawa. "Hello ma'am, nice to meet you," nakangiting bati ko sa kanya "Nice to meet you too, Scarmey. This is the first time that you bring a woman my dear son," sabi niya at nakangiting tumingin kay Francess. Bumaling ako kay Francess. Nag aalangan siyang tumingin sa akin bago sa mommy niya. "Well, you know me mom," tanging sabi niya. "Yeah, I know. Okay enjoy your night kids," sabi nito sa amin. Ngumiti siya sa amin bago tumalikod. Muli kaming naglakad ni Francess, pero lumingon ako sa gawi kung nasaan ang mommy niya. May nilapitan siyang dalawang babae. B igla kong naalala ang sinabi ni tita Audrey. Prescilla Montemayor-Amonte So, siya si Prescilla na sinasabi ni tita Audrey, na siya namang ina ni Francess. Wow, what a small world. Hindi halata sa kanya na may ugali siya na tulad na sinasabi ni tita Audrey. Iniwas ko na ang tingin sa kanya para hindi niya mapansing nakatingin ako. Natanaw ko sa isang table sina Candice. Napatingin siya sa amin kaya tumayo siya at lumapit. "Oh you look beautiful tonight scarmey and what is this Francess? Talagang magkadikit kayo ngayon," nakangisi niyang sabi sa amin, lalo kay Francess. "This is just a show okay. Alam mo naman ang parents ko," sabi ni Francess. ''Yeah I know. Mabuti at okay lang kay Scarmey," sabi ni Candice at bumaling sa akin saka ngumiti nang mapang asar. "Anong okay? Kung show lang ito para makita ng parents niya, sana sinabihan niya ako para hindi mabigla," sabi ko. Napairap ako kay Francess at binawi ang kamay ko. Ngunit n muli itong hinawakan ni Francess, kaya inis akong tumingin sa kanya. "Wala ka bang balak bitawan ang kamay ko?" naiinis kong sabi sa kanya. "I told you. Just for tonight," pakiusap niya pa. "Tsss, fine," saad ko na lang. "Alright! Time out muna, halina kayo," awat sa amin ni Candice. Sumunod na kami sa kanya. Ngunit bago pa kami makarating sa table. May humarang na namang isang magandang babae, na nakasuot ng mala gintong damit. Napatingin ako sa mukha niya, nakangiti siyang nakaharap kay Candice. "Hai tita Carmella, happy Aniversarry sainyo ni tito," bati ni Francess dito. Bumaling sa amin ang babae na tinawag niyang tita Carmella. Oh wait! Huwag nilang sabihing ina siya ni Candice? "Thank you ijo, Oh! Who is she?" patukoy nito sa akin. "She's my date tita and she's Candice friend, Scarmey," pakilala ni Francess sa akin. "Hello po," bati ko sa kanya. Nakangiti siyang tumingin sa akin at bahagya niya akong tinitigan. Kaya ngumiti ako. Kakaiba siyang tumingin sa akin. Kaya naiilang na ako sa kanya muli siyang ngumiti. "You look familiar. Well, I think i saw you somewhere. Okay enjoy your night kids," sabi nito. Para naman akong kinilabutan sa sinabi niua "You too mom," sabi naman ni Candice. Tumalikod na siya sa amin. Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Kung nakita niya ako,paniguradong hindi iyon simpleng lugar lang. "Hai Scarmey, nice dress. You look beautiful tonight," papuri sa akin ni Marga. Ngumiti lang ako sa kanya. Bumaling ako kay Francess. "So, pwedi mo na siguro bitawan ang kamay ko, right?" Sabi ko sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko at pinaghila ako ng upuan. Inirapan ko siya saka umupo. Umupo naman siya katabi ko. Tumingin ako sa mga kasama ko at napansin kong mariing nakatingin sa amin si Lendon. "Maari niyo bang sabihin sa amin, kung anong mayroon sa inyo ngayon?" seryosong tanong ni Lendon. Nagkatinginan kami ni Francess. "It's just a show. Gusto ko lang ipakita kina mom na may iba akong gusto. You know that I don't like Allyana for me," katwiran ni Francess. Napatango si Lendon at bahagyang may tiningnan. "And you're using her?" sabi naman ni Cristoffer. "I don't have a choice," sagot ni Francess. "I think, I will be the one to say that Mr.Amonte," nakataas-kilay kong sabi sa kanya. Iniwas niya lang ang tingin sa akin.. Naagaw ang atensyon namin sa dalawang taong nasa may hagdan ng mansion. It's Candice parents. "Good evening Lady's and Gentlemen! Thank you for coming tonight. It's a pleasure to us that you all here. Specially to our friends and family. So enjoy the night," sabi ng ama ni Candice. Hinalikan niya ang asawa nito at kumaway sa lahat. Sumabay ako sa palakpakan ng lahat para sa mag asawa. Hindi ko maiwasang mapatitig sa ina ni Candice. I heard from Candice that she is a scientist. Kung isa nga siyang scientist may posibilidad na isa siya sa mga nakakita sa akin noon o di kaya gumamit sa katawan ko. Inalis ko ang tingin sa kanya at hinanap ng mata ko ang ina ni Francess. Then I saw her talking with someone. Hindi ko pa siya kilala pero kakaiba rin siya. Tulad din ng ina ni Francess nakapaka mesteryosa. Napabuntong-hininga ako inalis na ang tingin sa kanila. Dahil baka mahalata nila ako, tulad nang sabi ni tita Audrey. Malakas ang pakiramdam ng mga ito, kaya kailangan kong mag ingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD