Nagpatuloy ang party at dahil wala naman akong kilala, bukod kina Candice. Nakaupo lang ako. Ini-enjoy ang sarili sa pagkain. Tumitingin din ako sa paligid habang kumakain. Pinapakiramdaman ko ang bawat kilos nila, kung tumitingin rin ba sila sa akin. Nakita ko namang abala ang mga ito sa mga kausap at nakikita ko rin sa kanila na masaya sila ngayong gabi. Mayamaya napatingin ako sa nagpalakpakan. Nakita kong inaayang sumayaw ng dad ni Candice ang asawa nito. Nakangiti namang tinanggap ng asawa ang kamay nito at nagsimulang sumayaw. Hanggang sa dumarami na rin ang sumasayaw. Maging si Candice ay sumasayaw na rin. Inalis ko na lang ang tingin sa kanila at hinayaang maging abala ang sarili ko sa aking kinakain.
"Ehem!"
Napahinto ako sa pagnguya at tumingin sa taong tumikhim sa likod ko. Napataas ang kilay ko nang makita si Francess. Nakita ko ang pag alangan sa mga mata niya.
"Ahm, pwedi ba kitang maisayaw?" sabi niya sa akin.
Bahagya akong natigilan at napatitig lang sa kanya. Inaaya nga ba niya akong sumayaw?
"U-Uhm, Okay," sagot ko na lang. Okay na rin siguro ito para malibang din ako.
Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa gitna ng mga sumasayaw.bKaya may ilan sa mga ito na napapatingin sa amin. Nag iba ang ang kanta at talagang tugma sa mga sumayaw na pares sa gitna. Tumugtog ang kanta ni Ed Sheeran na 'Perfect'. Kaya bigla akong kinilabutan kahit kanta lang naman ito.
"Tell me, bakit nanginginig ang kamay mo?" narinig kong sabi ni Francess kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh?" wala sa sariling tugon ko sa kanya.
"Your hand is shaking," nakangising sabi niya.
"I-Its nothing," tanging sabi ko habang binabalik sa normal ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit nanginginig ang kamay ko.
Hindi ko rin alam kung bakit may kakaiba sa loob ko. Habang pinapakinggan ang kanta at kasayaw ang isang ito. Napatingin ako sa kamay ko na nasa balikat niya. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kaya napatingin ako sa kanya, na kanina pa pala ako pinagmamasdan.
Patuloy na umalingaw-ngaw sa paligid ang kanta ni Ed Sheeran. Hindi ko alam pero parang nababagay iyong kanta sa aming dalalwa.
Hindi ko maiwasang mapatitig din sa kanya. Yeah I know he's handsome. Hindi maipagkakailang maraming magkakagusto sa kanya. He's a perfect guy for woman. Kung hindi ko lang siya kilala, malamang isa ako sa mga babaeng magkakandarapa sa kanya. Nguni hindi, dahil hindi ako kabilang sa kanila, kilala ko siya. Pinagtagpo kami sa ganitong klase nang sitwasyon. We meet as an enemy.
"Why I feel like, you're going to beat me," narinig kong sabi niya.
"Huh?"
Naibalik ko ang sarili ko sa kakatingin sa kanya. Tsk! Ano ba itong ginagawa ko. Bakit ba ako nagiging lutang sa harap niya.
"Kanina ka pa nakatitig. I know, I'm handsome. Kaya 'wag mo lang akong masyadong titigan nang ganyan," mayabang niyang sabi.
Inirapan ko siya.
"Curious lang ako saiyo. Halos dalawang buwan pa lang kitang nakilala parang pakiramdam ko, hindi pa rin kita talagang kilala," sabi ko sa kanya.
Napangisi siya sa sinabi ko.
"Bakit? Gusto mo bang makilala ako nang lubusan?" saad niya, habang tinitigan ako nang mariin.
"Hindi, sapat na sa akin na ganito tayo. Wala naman akong balak na kilalanin ka nang husto," seryoso kong sabi.
Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha niya.
"So? Ano bang gusto mo, bakit ka nakipaglapit sa amin?" bigla niyang tanong sa akin.
Tinitigan ko siya sa mga mata. Ayokong may mahalata siya sa akin, kaya kailangang maingat ako sa kung anong sasabihin ko.
"Nothing, I just want to have fun. Make a friends, because I don't have any friends. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'Magandang alaala' dahil hindi ko pa iyon naranasan," sabi ko habang nakatitig sa kanya.
Nakita ko ang pagtataka sa mga niya dahil sa sinabi ko. Yeah, that's right. Dahil wala akong magandang alaala na natatandaan. Tanging ang panaginip lang na iyon ang mayroon ako. Isang panaginip na nanghihingi ako nang tulong sa ina ko.
"Anong ibig mong sabihin? Na minsan di mo naranasang magkaroon ng magandang alaala?" nagtataka niyang tanong.
Yes, dahil pinagkait iyon sa akin ng pamilya niyo.
Naikuyom ko ang kamay ko. Gusto ko iyong sabihin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Wala ako sa teritoryo ko, kaya mahirap na.
"Yes, because I lost my memories. I don't have any memories of my childhood. Even now, I really don't know who I am," mariin kong sabi habang nakatitig pa rin sa kanya.
Mas lalo siyang nagtataka sa mga sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Kaya ngayon gusto kong magkaroon ng isang magandang alaala, na sana sainyo ko maranasan. Dahil kayo ang unang nakilala ko .Knowing my self is not that easy, but making a memories is easy for me now. Starting with you, just like having a dance with you in a crowded place, "nakangiti kong sabi.
Hindi agad siya naka imik sa sinabi ko. Sa mga sinabi ko, alam ko na totoo ang lahat nang iyon. Sila ang nakakasama ko ngayon, kaya gusto ko ring magkaroon ng alaala sa kanila. Dahil alam ko, na malapit ko na rin silang iwan. Nararamdaman kong hindi na ako magtatagal na makasama pa sila.
Napansin kong napangiti siya.
"Then, lets make a memory that you want. Be close with me," sabi niya at bigla akong hinila, kaya mas lalo akong napadikit sa kanya. Nagugulat akong napatingin sa kanya dahil sa ginawa niya.
"Forget everything and treasure this moment with me," sambit niya.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.
Ano raw?
Treasure this moment with.... him?
Bigla niya akong pinaikot kaya sumabay ako sa kanya. We dance, just like we own the place and we own the music. Just the two of us. Not minding the people around us. I don't know but, I feel like there something beating inside me. Na gustong lumabas para marinig niya.
What is this?
Bakit ganito ang nararamdaman ko.
"You heard that? He said 'You look perfect tonight' so, count this as one of your memories. This perfect memories that you can't be erased," nakangiti niyang sabi at mas lalo niya akong inilapit sa kanya.
Napangiti ako. Isang totoong ngiti na ngayon ko lang pinakita sa kanya. Isang ngiti na walang halong iba.
"Thank you. Sana hindi mo sabihin sa iba ang tungkol sa sinabi ko. Alam na ni Candice ang bagay na ito at kailangang matanaling lihim ito. This is my personal issue, I hope this will be keep as a secret," seryoso kong sabi.
Tumango siya sa akin.
"A secret," nakangiti niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. Patuloy kaming sumasayaw habang may ngiti sa mga labi. Hindi ko maintindihan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Kahit nalilito ako ay hinayaan ko ang sarili ko na makasama siya sa ganitong pagkakataon. Nang matapos ang kanta ay inihatid na niya ako sa table namin. Nakita namin ang mga kasama naming nakangiti sa amin. Hindi sila nagkomento sa amin ni Francess at mabuti na rin iyon. Nagpatuloy ang party na kasama ko sila.