FRANCESS POV
'A secret.'
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng babaeng iyon. Sa totoo lang, nagulat talaga ako nang malaman ang nangyari sa kanya. That she lost her memory. Nakakabigla pero siguradong totoo ang sinabi niya. Ngunit nagtataka pa rin ako, kamakailan ko lang naman siya nakilala pero bakit pakiramdam ko kilalang-kilala ko siya. Napabuntong-hininga ako, nalilito sa kung anong nararamdaman ko.
"Tsk!"
Nagpasya akong tumayo sa kama saka lumabas sa kwarto. Pagkalabas ko nakita ko si mommy na pababa ng hagdan. Napansin niya ako kaya huminto siya at hinintay ako.
"Son," tawag niya.
"Yeah, how's your sleep?" tanong niya sa akin at hinalikan ko siya sa pisngi.
"It's fine. Hmm, mukhang maganda ang gising mo ngayon ah? Tell me why?" nakangiting sabi niya.
"Hmmm nothing mom, I just feel like its a beautiful morning because I saw a beautiful woman in my eyes right now," sabi ko at niyakap siya sa bewang.
Natawa siya at pinalo niya ako sa balikat.
"Ikaw talaga napakabolero mo. Manang mana ka sa ama mo," natatawa niyang sabi kaya napangiti lang ako.
"Oh, paano naman ako nasali dyan ah?"
Sabay kaming napatingin kay dad, na nakaupo sa sofa habang may iniinom na kape.
"Good morning, honey," agad na sabi ni mom saka lumapit dito at hinalikan sa pisngi. Tumabi siya dito at umupo naman ako paharap sa kanila.
"Good morning dad," bati ko sa kanya.
"Good morning din, ijo," tugon ni dad.
"Ito kasing anak mo, tingnan mo ang aliwalas ng mukha. I think your inlove," nakangiting sabi ni mommy na kinabigla ko.
Seriously?
"Oh really, who's the girl son?" tanong ni daddy sa akin.
"I'm not inlove mom. Hindi pa ako naiinlove kahit kailan," agad na sabi ko na kinangisi nilang dalawa.
"Really? Kung hindi ka inlove, bakit kakaiba ang tingin mo sa babaeng kasayaw mo kagabi? We think that, you're dancing with the girl you love. Don't get me wrong son, I know that feeling when im inlove with your dad before," sabi ni mommy at nakangiting bumaling kay daddy. Hinalikan siya ni daddy sa noo niya.
"Mom, it's not what you think," depensa ko.
"Kung ganoon, tuloy na talaga ang Engagement niyo ni Allyana?" sabi ni dad at tiningnan akong mabuti.
Natigilan ako.
"What?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"You know that, they want you to be Allyana's Husband. Alam mo naman iyan noon pa di ba? Ikaw na lang ang hinihintay na sumagot," sabi naman ni mommy.
Tsk! Bakit napunta sa usapan namin ito?
"No, I don't want that engagement," sagot ko sa kanila.
Napansin kong nagkatinginan silang dalawa.
Muntik ko nang makalimotan ang bagay na iyan. Yeah, when I'm in highschool, I'm inlove with Allyana. And I promise to her, that I will marry her. I courted her before. I waited to long for her. Hindi niya ako sinagot. Instead her parents wants to get marriage soon. Kinausap nila si mommy at pumayag sila dahil magkaibigan naman sila, saka kilala rin ang pamilya ni Allyana. Wala namang gusto sa akin si Allyana. Nagulat na lanhg ako nang malaman kong may lihim silang relasyon ni kuya Franco. Kaya simula no'n nawalan na ako ng gana. Tila ba nawala iyong pagkagusto ko sa kanya. Dahil imbes na ako ang nanligaw sa kanya, iba ang naging karelasyon niya. And that f*****g arrange marriage was still exist. Dahil kung kailan nawalan na ako nang gusto sa kanya. Siya na naman ang humahabol sa akin ngayon, mula no'ng nagkahiwalay sila ng kuya ko at hindi alam iyon nina mommy.
"Oh, natahimik ka? I said, I will give you choice," narinig kong sabi ni mommy, kaya napatingin ako sa kanya maging si dad.
"W-What is it?" tanong ko.
"I will be the one to stop the marriage, if you prove to yourself and us that you love that girl. Only that girl will be your choice, no other than only her. Understand?" seryosong sabi ni mommy.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"W-What?"
"Hon, pinapahirapan mo lalo si Francess. Let him be to choose what he wants," sabi ni dad
"No, you know me son, right? It's your decision to choose what I've said. Is it clear?" maotoridad niyang sabi
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung susundin ko ba ang gusto niya.
"Francess, is it clear right?" muling sabi ni mommy.
Walang salitang napatango ako. I know what she can do. Wala na akong magagawa doon. Ngunit ang problema, paano ko papatunayan sa kanila na gusto ko ang babaeng iyon. Eh wala naman talaga akong gusto do'n.
Tsk! Ano ba gagawin ko?
Hahayaan ko ba silang gawin ang gusto nila na ipakasal ako kay Allyana? O
Kailangan kong patunayan sa kanila na gusto ko si Scarmey.
Tsk! Ano ba ang maari kong gawin ngayon?
Napaisip akong mabuti, hanggang sa may pumasok sa isip ko. Alam kong impossible ang naiisip ko, pero susubukan ko.
Matapos kong makausap sina mommy ay pumunta na ako si dinning area. Sumunod naman sina mommy at dad. Habang kumakain kami ng almusal ay abala naman sila sa pag uusap tungkol sa negosyo. Narinig ko rin ang tungkol sa headquarters. Maging sa taong hinahanap nila, na hindi ko alam kung sino. Tahimik lang akong kumakain at hinayaan silang mag usap.
"Oonga pala, Francess," biglang sabi ni mommy. Kaya naman napatingin ako sa kanya, habang kumakain ako.
"Yes?" tugon ko.
"Kailan niyo papasukin ang M.A.U?" tanong niya sa akin.
Natigilan ako at sumulyap kay daddy, na napahinto sa pagkain saka napatingin sa akin at kay mommy.
"Ahm, sa susunod na linggo, mommy. Kailangan naming planuhing mabuti ang pagpasok doon, para walang maging aberya," sagot ko sa kanya.
Napatango siya sa sinabi ko.
"Okay, by the way, hindi lang panggugulo ang gagawin niyo doon. Gusto kong kunin niyo ang database nila. Alam kong konektado ang mga misyon ng L.K kay Audrey Durman. Marami tayong makukuhang impormasyon sa database, na nasa L.K. Kaya ayusin niyo ang misyon niyong iyan, maliwanag?" saad ni mommy. Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Ngunit wala akong karapatang magreklamo sa kanya. Kaya naman napatango na lang ako.
"Hon, di ba masyadong delikado para kina Francess ang misyon na iyan? Paano kung mahuli sila? Anong gagawin mo?" seryosong sabi ni daddy.
Nakita ko ang pag iba ng aura ni mommy at mukhang naramdaman din iyon ni daddy. Pareho niya kaming tiningnan ni daddy, bago sumagot.
"I know it's risky. Ngunit paano nila matututunan ang pumasok sa lungga ng kalaban, kung hindi nila gagawin ang misyon na iyon? As for me, it's hard, yes, but I have a way to do such thing. Kaya naman Francess, gusto kong patunayan niyo sa akin na kaya niyo. I am your mother, then you need to act like one. Understand?" maotoridad niyang sabi.
Napabuntong-hininga siya at naunang tumayo sa amin ni daddy saka umalis. Nagkatinginan kami ni daddy at parehong napabuntong-hininga. Kapag misyon kasi ang usapan, ganoon lagi si mommy. Biglang nagbabago ang mood at hindi namin nagagawang makapagsalita.
"Son, are you really sure that you can do it?" paniniguradong sabi ni daddy.
Napatango ako.
"Yes dad. I trust my gang. We trust each other. Kaya naman gagawin namin ang misyon na ito, para patunayan kay mommy na kaya naman," nakangiting sabi ko kay daddy.
Napangiti naman siya at tumango sa sinabi ko. Matapos naming mag usap ni daddy ay sabay na kaming umalis sa dinning area. Bumalik ako sa kwarto ko at hinubad ang damit upang maligo.
Habang nasa ilalim ako ng shower, hinayaan kong bumagsak sa ang tubig mula rito. Napapikit ako. Ngunit agad akong napadilat, nang may makita akong imahe sa isip ko. Pinatay ko ang shower at napatitig sa pader.
"What was that?" sambit ko sa sarili.
Saglit lang iyon pero alam ko na ang imahe na iyon ay isang batang babae. Isang batang babae na nakangiti sa akin at kilala ko siya. Sa mga lumipas na taon, ngayon lang ulit siya lumitaw sa isipan ko. Muli akong pumikit at nagbabakasaling makita ko ulit ito. Ngunit hindi na iyon nangyari, kaya napabuntong-hininga na lang ako.
Nasaan ka na kaya? Bakit ka biglang nawala noon? Anong nangyari saiyo? Napahawak ako sa dibdib ko, nang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na nanoot sa kalamnan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako kinilabutan. Hays!
Muli akong napapikit at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan niya sa isipan ko.
I hope, we will meet again, Dhreammy.