Chapter 25

1116 Words
SCARMEY'S POV Ding, Dong! Ding, Dong! Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nang marinig ko ang doorbell sa pinto ng aking unit. Tumayo ako at tiningnan kung anong oras na. It's 9:00 am in the morning. Hmmm, sino naman kaya ang nasa labas? Lumabas ako ng kwarto ko at tinungo ang pinto. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa hindi inaasahang bisita. Nakangiting mukha ni Shan ang nabungaran ko, habang may hawak ng isang kumpol na bulaklak at isang box na sa tingin ko pagkain. "Hai, good morning. Siguro kakagising mo lang no? Haha, sorry kung nagising kita. Hmm, by the way Flowers for you," agad niyang sabi. Natawa pa ako sa kanya at kinuha ang hawak niyang bulaklak. "Right, kakagising ko nga lang talaga. Well, thank for this, come in," anyaya ko. Nakangiti naman siyang pumasok, kaya sinara ko na ang pinto. Pinaupo ko siya sa sofa saka ako umupo kaharap niya. Napakamot pa ako sa buhok ko at inayos ang mahabang t-shirt na suot ko. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutang isuot ang pajama ko, nang lumabas ako kanina. "Bakit ka nga pala narito?" tanong ko sa kanya. "Well, matagal na sana akong gustong pumunta dito kaso wala ka. Syempre hindi ako pweding lumapit saiyo, kapag may kasama ka. Lalo na iyong kasama mong lalaki kahapon," sagot niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Oo nga pala, nakita ko siya kahapon sa parking lot. Alam kong nakita niya kami at nasisiguro kong kilala rin niya si Francess. "About him, h—" "I know, but before you talk about him, can you just taste this first? Ginawa ko iyan para saiyo," nakangiti niyang sabi, sabay abot sa akin nang dala niyang maliit na box. K inuha ko ito at nakangiti naman akong tumingin sa kanya. "Oh, what's this?" tanong ko pa. "It's cookies. I make that for you," nakangiti niyang sabi. N agugulat akong tumingin sa kanya. He make this for me? For real? Napangiti ako at binuksan ang box. Natakam ako bigla sa di ko alam na dahilan, tila ba namiss kong kumain nito. It's a cookie cupcakes. Kumuha ako saka ko tinikman. Mas lalo akong napangiti at tumingin sa kanya. "Wow! Ang sarap! Ginawa mo talaga ito?" namamangha kong sabi habang kumakain. "Oo, sige kain ka pa," aniya. "Wow! Ano ba course mo sa college?HRM ka ano?" tanong ko pa "No. Talagang mahilig lang ako sa ganyan," saad niya. "Wow! Bihira lang ang ganito sa isang lalaki, talagang masarap," papuri ko habang kumakain. Muli akong kumuha nang maubos ang hawak ko. "Yeah, nakakatuwa ka namang tingnan. Mukhang mahilig ka sa mga sweets," nakatawa niyang puna sa akin. "Haha! Hindi naman masyado.." Tumawa rin siya. Inubos ko ang kinain ko at nilagay sa mesa ang hawak ko. Muli akong tumingin sa kanya. Nanatili siyang nakangiting nakatingin sa akin, ngunit napapansin ko sa mga mata niya ang kakaibang tingin. Tila ba naging mapanuri ang mata niya. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niyang iyan. Nasisiguro kong may nais siyang patunayan. "Wait, kukuha lang ako nang maiinum natin," sabi ko sa kanya at saglit siyang iniwan. Pumunta ako sa kitchen at binuksan ang ref. Pasimple pa akong tumingin sa kanya at nakita kong tumitingin siya sa paligid ng sala. Nang akmang lilingon siya sa kinaroroonan ko ay agad kong kinuha ang juice, na nakalagay sa petsil saka ako kumuha ng dalawang baso. Naglakad pabalik sa sala at nilapag ang dala ko sa mesa. Nakangiti akong tumingin sa kanya at pinagsalin ko siya ng juice saka binigay sa kanya. Nakangiti naman siyang tinanggap iyon at ininom. Kumuha siya ng cookies at kinain iyon. "I'm not your enemy," biglang sabi ko sa kanya. Napahinto siya sa pagnguya at dahan-dahang napatingin sa akin. Nawala bigla ang ngiti niya at naging seryoso ang tingin sa akin. "Kung ganoon, alam mo na kung sino talaga ako," mariin niyang sabi. Hindi agad ako nakasagot, kaya nanliit ang mata niyang nakatingin sa akin. "Base on what he said to me, yes. At first, it's hard to believe that you know each other. Maging siya, hindi makapaniwala na kilala kita. Kilala kita bilang isang simpleng tao," pag amin ko sa kanya. Napatango siya at mukhang inaasahan na niya ang tungkol doon. Inubos niya ang hawak niyang cookies at uminom ng juice, saka tumingin sa akin. "Sinabi niya rin ba na anak ako ng isang kilalang tao, na kalaban nila?" seryoso niyang tanong. Napatango ako. "Yes, that your mother is Dhrevey Sharlette," sabi ko. Napabuntong-hininga niya. "So, anong masasabi mo sa mga sinabi niya saiyo?" muli niyang tanong. "Wala akong masabi, dahil wala akong karapatan na malaman ang lahat saiyo, pwera na lang kong sasabihin mo," hamon ko sa kanya. Napangiti siya. "Then, why are you with him? Do you know each other?" Nawala ang ngiti ko at naging seryoso ang tingin sa kanya. I don't know, kung sasabihin ko sa kanya ang lahat. Ngunit siguro maari kong sabihin ang ilan na pwedi niyang malaman. "Oo, kilala ko siya. Noong una wala akong pakialam sa kanila. Ngunit dahil sa nalaman ko, nagkaroon ako ng dahilan upang makisama sa kanila," seryoso kong sabi. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Mariin niya akong tinitigan. "What do you mean?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Sa ngayon hindi ko muna sasabihin saiyo, kung ano ang bagay na iyon. Naiintindihan mo naman siguro ako di ba?" sabi ko. Napabuntong-hininga siya at napatango. "Yeah, okay lang sa akin. Basta nasabi mo na ang dahilan mo. But can I ask you something? Sino ang babaeng nakikita ko dito sa unit mo?" tanong niya. Natigilan ako. Hindi ko pweding sabihin sa kanya na si tita Audrey iyon. Dahil sa tingin ko kilala niya ito at paniguradong magtatanong siya ulit tungkol kay tita. "For now, all I can say that she's my savior. She's the one who save me from death and I own her alot," nakangiti kong sabi. Napatango siya at napangiti na lang sa sinabi ko. Muli akong kumain ng dala at nag share kaming dalawa. Habang nakikita ko ang mga ngiti sa mga labi niya ay may naramdaman akong pamilyar na pakiramdam. Para bang nangyari na ito dati, na parang ang saya sa pakiramdam na kasama ko siya ngayon. Kahit na kamakailan lang naman kami nagkakilala. Una pa lang na nagkakilala kami ay ganito na rin ang nararamdaman ko. Ngayon pa na magkaibigan na kami. Para bang bahagi siya nang nakaraan ko na hindi ko maalala. Hindi ko maintindihan kong tama ba ang pakiramdam na ito. Basta masaya ako dahil kasama ko siya ngayon. Kakaibang saya na maging puso at dugo ko ay nagsasaya sa aking nararamdaman. Who are you in my life, Shan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD