SCARMEY'S POV
Bumaba ako sa kotse ng mai-park ko na ito, saka ako naglakad patungo sa building namin. Simula ng magkausap kami ni Shan, hindi pa kami ulit nagkita. Siguro kung sadyang pupuntahan niya ako dito o sa apartment ko, magkikita talaga kami. Hindi ko rin kasi alam kung saan siya nakatira o kung doon nga ba siya nag aaral sa M.A.U.
Habang naglalakad ako patungo sa building namin. Napapansin ko ang bawat tingin nila. Titingin sa akin saka umiirap at nagbubulung-bulungan. Duh, sanay na naman ako sa ganyan, simula ng makasama ko na sila Candice. Lagi nila akong tinitingnan na para bang gusto nila akong tirisin. Tsk! Alam ko namang naiinggit lang sila, dahil kasama ko ang dark monarch na siyang sikat na grupo dito sa campus.
Napahinto ako bigla, nang sa kung saan biglang lumitaw sa harap ko ang grupo ng Bratenilla. Nararamdam ko ang sama ng bawat tingin nila sa akin. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanila, lalo na sa babaeng leader kuno nila na si Allyana.
"Anong mayroon?" nakangiti ko pang sabi sa kanila, kahit na alam ko na ang sadya nila.
PAK!
Naibaling ko sa kabila ang mukha ko ng sampalin ako ni Allyana. Hindi agad ako nakaiwas dahil hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Tsk!
Muli akong tumingin sa kanya at napangisi.
"What's that for?" tanong ko pa.
"That? Huh! We told you before, that stay away from them! But what you've done? Mas lalo kang dumikit sa kanila lalo na kay Francess!" galit niyang sigaw sa akin.
Mas lalong napangisi ako dahil sa sinabi niya. Masyado ata siyang obsess sa Francess na iyon.
"Wala akong dahilan para layuan sila. Sino ka para sundin ko?" matapang na sabi ko, na mas lalo niyang kinagalit.
"How dare you to say that! I'm his fiancee! At galit ako dahil nilalandi mo siya! Lalo na no'ng ikaw ang isinama niya sa Aniversarry ng parents ni Candice! Ako dapat ang kasama niya pero ikaw itong nilalandi siya at sumasama sa kanya! You b***h!" sigaw niya sa akin.
Akmang sasampalin niya ulit ako, nang pigilan ko iyon. Taas-noo ko siyang tiningnan.
"Don't you dare to lay your damn fingers on me. One is enough, why?Kasalan ko ba kung inimbita ako ni Candice at pinasundo kay Francess?Kasalanan ko ba kung bakit ako nasa party? If you are his fiancee, then why he's with me? Bakit ako ang gusto niyang kasama at hindi ikaw?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya.
"But still! He's my fiancee! Walang sino man ang didikit sa kanya lalo na ikaw!" galit na galit niyang sigaw sa akin.
Bigla akong hinawakan ng mga kasama niya kaya hindi ako nakaiwas. Muli niya akong sinampal. May dalawang kamay na humila sa buhok ko at may biglang sumipa sa likod ko kaya napasubsob ako bigla. Hindi ko sila napigilan. They are a gangster too. Kaya malakas din sila. Marami sila, isa lang ako. Anong laban ko sa kanila di ba? Patuloy sila sa ginagawa nila sa akin habang nakahiga ako. Dinumog nila akong lahat at wala akong nagawa upang protektahan ang sarili ko.
"What the hell?!"
Biglang nawala ang mga kamay nila at tila ba natigilan sa isang boses. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko siya. Galit at tila gusto ng sumabog. Kasama niya sila Candice na mukhang nagalit din.
"Tabi!"
Nagsitabi naman silang lahat pwera kay Allyana na nakaharap kay Francess.
"What? Kakampihan mo siya?" galit na sabi niya kay Francess.
"So what? Get out of my way," tanging sabi ni Francess.
Nakita ko kung paano niya tinabig si Allyana, na muntik ng mapasubsob kung hindi nahawakan ng kasama niya.
"Don't you dare Francess! Alam mo kung anong pwedi kung gawin sa babaeng iyan," sabi niya at dinuro ako.
Napahinto si Francess sa paglapit sa akin at nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya.
"Wala akong pakialam sa kung anong pweding mangyari Allyana. Basta't ito ang tandaan mo, kapag may ginawa ka ulit sa girlfriend ko. Hindi kita mapapatawad," galit niyang sabi.
Napansin kong nabigla silang lahat sa sinabi niya. Maging ako ay nagulat sa sinabi niya. Girlfriend?
Mayamayabay bigla niya akong binuhat at umalis. Nakita ko namang tahimik na sumunod sila Candice at binigyan ng masamang tingin sina Allyana. I just secretly smile. Alam ko naman na mangyayari ito. Lalaban naman talaga ako kanina pero napansin ko si Candice na tumatakbo kasama sila Francess. Kaya hinayaan kong gawin nila iyon sa akin.
Atleast, naging okay naman ang palabas na iyon at nakita ko ang pag aalala nila sa akin. Hmm, mukhang napapalapit na ang loob nila sa akin.
"Ouch!" sambit ko at nailayo ang mukha ko dahil sa hapdi.
"Ikaw kasi para kang tanga. Dapat lumaban ka kanina," sabi ni Candice.
Napairap ako sa kanya.
"Paano naman ako lalaban eh ang dami nila. Malamang dehado talaga ako doon," katwiran ko pa sa kanya
Sinamaan niya ako ng tingin at diniinan niya ang paglagay ng alcohol sa mukha ko. Kaya nailayo ko naman ang aking mukha.
"Ah basta, dapat lumaban ka. Sa susunod na gawin nila iyon saiyo, lumaban ka. Sayang iyong mga tinuro namin saiyo," naiinis niyang sabi habang patuloy na dinadampian iyong sugat ko sa pisngi.
"Sus, kung hindi agad nauna si Francess kanina. Mauuwi iyon sa rambulan dahil sasali kami. Nakakainis na iyang mga bratenilla na yan eh!" naiinis na sabat naman ni Beatriz.
"Oonga, ang sarap balatan tsk!" sabi rin Marga.
"Pero hindi talaga ako makamove on sa sinabi ni Francess kanina, 'Girlfriend'? Seryoso ba iyon huh, Francess?" nagugulat na sabi ni Cristoffer.
Sabay kaming napatingin kay Francess, na tahimik lang na nakatingin sa amin. Hindi siya nagsalita at bahagya pang tumingin sa akin.
"Oonga nga, anong ibig sabihin no'n?" nagtataka namang tanong ni Lendon.
"Totoo ba iyon huh, Francess?" tanong rin ni Kirk.
Hinintay namin ang sagot niya pero imbes na sagutin iyon iba ang sinabi niya.
"Iwan niyo muna kaming dalawa," seryoso niyang sabi.
Napahinto naman si Candice sa ginagawa niya at nagkatinginan sila sabay tango. Kaya iniwanan nila kaming dalawa ni Francess. Nang makalabas na sila ay mariin akong nakatingin kay Francess.
"Explain," tanging sabi ko.
"Pretend to be my girlfriend," deretso niyang sabi na kinabigla ko. Napakurap ako sandali bago nakapagsalita.
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yes, I'm serious," sagot ni Francess.
Napasinghal ako at napatayo sa kinauupuan ko saka siya hinarap.
"Are you out of your mind? No'ng una ka date mo ko sa party. Tapos ngayon magpapanggap ako bilang girlfriend mo?" naguguluhan kong sabi sa kanya saka siya inirapan.
Napabuntong-hininga siya.
"I'm sorry Scarmey, but I don't have a choice. You're the only one who can help me. Please, just pretend to be my girlfriend," pakiusap niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya dahil sa nais niyang mangayari. Hindi ko alam kung papayag ako sa gusto niya.
"Why?" tanging sabi ko.
"To stop the marriage," sabi niya.
Napataas ang kilay ko. 'Marriage?
Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.
"Marriage? Kanino?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya.
"Kay Allyana. To tell you the truth, my mom likes you. Kaya pinapili niya ako, na kung magiging girlfriend kita siya mismo ang magpapahinto ng kasal namin ni Allyana. Actually hindi pa naman alam iyon ng lahat. Magkakaroon pa ng engagement party para official na ang mai-annouce ang magaganap na kasal namin. Ngunit dahil ayokong matuloy iyon, pinapili ako ni mommy. That's why you're the only one who can help me for this," paliwanag niya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. So, kaya pala ganoon na lang ang babaeng iyon dahil may kasunduan na pala sila. Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya.
"Bakit ayaw mo? Maganda naman si Allyana ah," sa halip na sabi ko.
Umiling siya.
"Mahal ko siya noon, oo. Ngunit nagbago lahat nang iyon dahil sa nalaman ko. I was courting her when we are in highschool. Alam nilang lahat iyon pero nang malaman ko na may relasyon pala sila ng brother ko, nasaktan ako. My brother is a married man. Ngunit nakipagrelasyon pa rin siya dito at pinatulan naman siya ni kuya. Nawala bigla iyong pagkagusto at pagmamahal ko sa kanya dahil do'n. No'ng sumuko na ako, saka ko nalaman na naghiwalay na sila ng brother ko. Lihim silang naghiwalay na walang nakakaalam bukod sa akin. Pagkatapos no'n, bigla na lang sinabi ng parents niya, na ipagkasundo kaming dalawa ni Allyana dahil nga nililigawan ko ito noon. Pumayag naman sila mommy at kulang na lang na mai-announce ang engagement namin. I was very dissapointed that time. Kaya pinaparamdam ko kay Allyan na galit ako at hindi ko siya mahal," mahabang paliwanag ni Francess sa akin.
Napatango na lang ako. Ibang klase din ang babaeng iyon. Matapos sulutin ang kuya, ang bunso naman hanip!
"I just want to stop the marriage, so please help me," muling pakiusap niya.
Napabuntong-hininga ako at napaisip. Hmm, mukhang mas okay nga na ganito, para makilala ko pa siya ng husto maging ang pamilya niya.
"Okay, pero sa isang kondisyon," sabi ko sa kanya.
"What?"
"Maging sweet ka sa akin sa harap nilang lahat, para mapaniwala mo sila na inlove ka sa akin," nakangisi kong sabi.
Napataas bahagyang ang kilay niya sa akin. Ngunit agad rin siyang napatango sa nais ko.
"Tsss, Okay," sagot niya.
Napangiti ako. That's it! Tama rin ito, para naman mas mapalapit pa ako sa kanya at magawa ng maayos ang trabaho ko. Being close with him, is also the way to destroy them.