Chapter 27

1633 Words
AUDREY'S POV Ipinasok ko ang kotse, nang bumukas ang malaking gate ng mansion ng mga magulang ko. Minsan na lang ako nakakapunta dito kapag kasama ang mga bata, dahil marami na rin akong ginagawang trabaho. Nang mai-park ko na ang kotse, bumaba ako at may sumalubong sa akin. "Good afternoon madam,"sabi ng isa sa katiwala dito nina mommy. Tumango at ngumiti ako sa kanya. "Nandiyan ba sila mommy?" tanong ko dito. "Opo, pero si Ma'am Andrea lang po dahil kakaalis lang ni sir Jassen," sabi nito. "Okay, thank you.." Pagkasabi ko no'n, naglakad na ako papasok sa mansion. Nakita ko sa sala si mommy, na tila hinihintay ang pagpasok ko. Mukhang alam niyang darating ako. "Hai mom," bati ko at hinalikan siya sa pisngi. "Hello Audrey, kumusta ka na? Nasaan ang mga bata at bakit ikaw lang ang pumunta?" tanong niya sa akin. I sighed. "May pasok sila mom, talagang pumunta lang ako dito dahil may kailangan lang akong malaman mula saiyo," seryoso kong sabi. Bahagya siyang napangiti at tumango. Simula kasing mag retire siya sa trabaho niya sa Organization ay mas pinili niyang maging tahimik sa trabaho niya sa hospital. Sa hospital na itinayo nilang dalawa ni daddy noon. "Simula nang binigay na namin sa inyo ang organisasyon, mas naging mapanuri na kayo sa lahat. Well, ano bang gusto mong malaman?" sabi niya. "I heard before about 'Scarbethaina' the first empress of Assassins. Pwedi ko bang makita ang picture niya at malaman kung anong history mayroon siya?" tanong ko. Napansin kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. Mariin siyang napatingin sa akin. "Bakit mo naman gustong malaman ang bagay na iyon? Tanging ang Empress lang ng mga assassin ang pweding makaalam no'n," seryoso niyang sabi. "Anong ibig mong sabihin mom?" nagtataka kong tanong. Ibig sabihin hindi ko rin pweding malaman. "Sina Sherra at Scar lang ang pweding makaalam no'n, maging si Dhrevey. Hindi tayo pweding makialam," sabi ni mommy sa akin. "Kung ganoon nasaan na iyong libro na sinasabi ni tita Scar noon?" tanong ko. Napaiwas siya nang tingin saka napabuntong hininga. Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin ang tungkol dito. Naiintindihan ko naman iyon, pero kailangan ko itong alamin para kay Scarmey. "Nasa akin, pinatago sa akin ni Scar noo, dahil kung sakaling kukunin iyon ni Dhrevey ay maaari ko itong ibigay," sabi ni mommy. "Paano kung sa anak ni Dhrevey ko ibibigay ang libro na iyon? Ibibigay mo ba sa akin, Mommy?" seryoso kong sabi. Napansin kong natigilan siya at mariin niya akong tinitigan. "What did you say?" "Alam ko na kung nasaan ang anak ni Dhrevey, pero bago ko siya ipakilala sa ina niya. Gusto ko munang ipakilala sa kanya, kung anong klaseng pamilya mayroon siya. She's very innocent about that thing mommy," saad ko sa kanya "W-What? Then where is she?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Don't worry mom, hawak ko siya at ako ang tumutulong sa kanya. Maybe, darating ang araw ipapakilala ko siya sa lahat. Sa ngayon hindi pa," paliwanag ko sa kanya. Napatango siya at mukhang naiintindihan niya ang sinasabi ko. "Fine, I trust you honey, come with me," sabi niya at inaya akong sumunod sa kanya. Naglakad siya kaya sumunod na ako. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa pumasok kami sa kwarto nila ni daddy. Pinaupo niya ako saka siya may kinuha sa closet niya. Mayamaya, nakita kong may hawak na siyang dalawang libro at isang tila album. "Ang dalawang libro na ito ay nabasa ko dahil na rin sa pumayag si Scar noon. Akala nga namin hindi na namin makukuha ang isang libro pero hawak pala ito ni tito Herbert noon. Kaya nasa akin ito ngayon," sabi ni mommy. Tumango ako. Nilapag niya iyon sa kama, kaya nakita ko ang title nang Cover ng libro. Scarbethaina's Novel Dheammy's Last words "Here look at this pictures," sabi ni mommy. Tumingin ako sa album na hawak niya, maging sa picture na tinuro niya. Napatitig ako sa mga litrato na naroon. "This is Scarbethaina Wang Carteen. Itong katabi niya ay si Alena Sandellan. Ang katabi naman ni Alena na dalawang babae ay Lhenna Mener at Fealline Novoh. And this girl, she is Ellena Dheammy Carteen. Kapatid niya ang naging asawa ni Scarbethaina," paliwanag ni mommy. Tiningnan ko ang bawat pictures nila, magaganda sila pareho lalo na si Scarbethaina. Ngunit, natuon ang atensyon ko sa babaeng si Ellena Dheammy. She looks familiar. Her eyes. The way she looked. Her faced. She is.. Napabuntong-hininga ako. Tama ang hinala ko noon pa. Kakaiba maglaro ang tadhana sa inyo, Scarmey. Sa madaling salita, kamukha ni Scarmey si Dhreammy. Para siyang nabuhay sa katauhan ngayon ni Scarmey. "What's wrong?" pukaw sa akin ni mommy. "Nothing, they are very Beautiful. Kaya halatang magaganda din ang lahi ng mga anak at naging apo nila," sabi ko. Napangiti si mommy at napansin kong hinaplos niya ang picture ni Scarbethaina. "She is our Grandma," tukoy ni mommy dito. Napangiti ako. Maganda pala talaga siya. Sa kakatitig ko dito ay nakikita ko bigla ang mukha ni tita Scar. Kung tititigan siyang mabuti ay kamukha nga nito si tita scar. Napatingin ako sa libro na binuksan ni mommy. "Basahin mo muna iyan, saka ka magtanong sa akin. Iiwan muna kita, ipaghahanda kita ng meryenda," sabi niya sa akin. Napatango ako saka niya ako iniwan. Bago ko binasa ang libro. Tiningnan ko muna ang album. Habang tinitingan ko iyon. Masasabi kong ang gaganda at gwapo nilang lahat. Hindi ko pa kilala ang mga lalaking kasama nila. Ngunit dahil sa nakikita kong kasama nila palagi sa picture. May nakuha na akong sagot kung sino ang mga iyon sa buhay nila. Matapos kong tingnan ang album ay kinuha ko ang isang libro, na pagmamay ari ni Scarbethaina. She's also my grandmother. Napabuga ako ng malalim saka ko ito binuksan at sinimulang basahin. Halos kalahating oras ko iyong binasa, kasama na ang libro na pagmamay ari ni Dheammy. Binaba ko ang libro sa kama, matapos kong mabasa ang mga ito. Napapikit ako saka napabuntong-hininga. I don't know what to say after I read those books. Wala na ang mga Novoh, pero ang Montemayor nandiyan pa. Siguradong hindi pa matatapos ang alitan ng dalawang pamilya, hangga't walang isa sa mga ito ang susuko. "So, anong masasabi mo?" narinig kong tanong ni mommy. May nilapag siyang pagkain sa mesa at tumingin sa akin. "I don't know what to say, mom," sabi ko na lang. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Tila umiikot ang mundo namin at bumabalik kami sa nakaraan. "Maging ako, hindi ko alam kung anong masasabi matapos kong mabasa iyan. May dahilan kung bakit naghihiganti si Aljen Montemayor, pero hindi tamang pati ang kambal ay idadamay niya dahil lang sa isang Novoh ang ina ng mga ito," napapailing na sabi ni mom. Napatango ako, may punto si mommy. Para akin naman walang saysay ang ginagawa nila ngayon. Wala silang karapatan na maghigante lalo na sa amin at sa pamilya nila ni Dhrevey. Ngunit dahil sa ginawa nila kay Scarmey at malaman ni Dhrevey, tiyak na niya hindi iyon palalampasin. "Nakuha ng mga Montemayor ang formula ng mga Novoh. Kaya mas naging malakas sila, lalo na ang human robot. Hindi agad natin masasabi kong kaya ba talaga natin sila," seryosong sabi ko. Tumango si mommy. Maraming buhay ang kukunin nila upang gawin nilang human robot. Kaya kailangan iyong pigilan. May lakas naman kaming lumaban, kung samasama kaming lahat. Ang problema si Dhrevey, iba kung kumilos iyon kaya hindi ako sigurado kong makikisama siya sa amin. "Alam mo ba kung anong pweding maging solusyon sa ganitong problema?" narinig kong sabi ni mom kaya bumaling ako sa kanya. "Ano?" "Pag ibig. Pag ibig ang solusyon para matapos ang lahat ng ito," seryosong sabi ni mommy. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Paano niya nasabing 'Pag ibig' ang magiging solusyon sa problemang ito. "Paano mo naman nasabi iyan, mom?" nagtataka kong tanong. "Napansin mo ba? Si Scar at Hervey. They are enemy back then, Scar killed hervey's father. Dahil sa pagmamahalan na nararamdaman nila, kinalimutan nila ang galit at naging maayos ang pag sasama nila. Dahil pareho nilang ipinaglaban ang isa't isa. Si Dhrevey at Charlie. They are also enemies before. Dahil na rin sa naging mission niya sa mga novoh na hindi natin alam. Paulit-ulit na pinaglalaban ni Dhrevey ang pag ibig niya para dito. Kahit kalabanin pa niya ang lahat at nagtagumpay siya. Kahit wala na ito sa mundo. Hindi agad-agad mawawala sa alaala natin kung gaano naging hangal noon si Dhrevey para kay Charlie," paliwanag ni Mommy. Napatango ako. I know they're story. Dahil saksi ako sa lahat ng nangyari noon, kahit noong nagpapanggap pa si Charlie. Even tita Scar, i know they're love story. "Pero sa tingin mo ba mommy, may susunod pa sa love-enemy-story na iyan?" nakataas-kilay kong sabi. "Maybe, kung may isa sa lahi ng mga Carteen o Sandellan o Assassin na maiinlove sa isang Montemayor," saad ni mommy. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Maari kaya iyon? Scarmey and that guy, Francess. Posible kayang mailove sila? At ipaglaban ang isa't isa para sa katahimikan ng bawat pamilya nila? Napailing ako. That's impossible. Hindi iyon pweding mangyari, dahil siguradong hahadlang si Dhrevey. "Lets see mom, if that's the solution of our problem," tanging sabi ko na lang. Ngunit naging palaisipan pa rin sa akin ang tungkol doon. I know, how powerful that 'love' thing is, but I don't know if they're fate is much powerful than they're destiny. Tsk! Kung ano-anong sinasabi ko. Hindi naman siguro sila maiinlove dalawa. Napakalaking kalokohan kapag nangyari iyon. Maging ako ay hindi papayag sa ganoon. Ngunit kong mangyari man iyon at ipaglalaban nila ang isa't isa ay maganda na rin iyon, upang matigil na ang alitan sa bawat isa. Sa ngayon, hindi muna ako aasa na maiinlove sila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD