THIRD PERSON'S POV
Hindi alam ni Scarmey kung bakit pumayag agad siya sa gusto ni Francess. Ngunit naisip rin niyang mabuti na rin iyon para maging malapit sila sa isa't isa, lalo na at malapit na rin siyang iwan ang mga ito.
Matapos nilang nag usap ni Francess kanina. Sabay na silang pumasok at talagang hawak kamay pa talaga silang dalawa. Dahil nga kilala si Francess ay maraming napapatingin sa kanila at nagtataka sa nakikita ng mga ito sa kanila. Napangisi lang si Scarmey at mas lalong dumikit kay Francess.
'Duh! Manigas sila!' sambit na lamang niya sa sarili.
Nang lunch time ay kasabay rin niya ang dark monarch. Sinabi nila sa mga ito na may relasyon sila. Kaya naman nabigla ang mga ito at hindi makapaniwala. Kahit na nagtataka ay sumang ayon na lamang ang mga ito sa naging relasyon nila. Ngunit si Candice ay hindi naniniwala sa kanilang dalawa, ngunit hinayaan na lang sila nito.
Boog!
Biglang natauhan si Scarmey, nang may biglang bumato sa kanya habang nasa sa parking lot siya. Tumingin siya sa bumato sa kanya at nakita niya ang Bratenilla.
Napabuntong-hininga siya.
"What now?" naiinis niyang tanong sa mga ito, habang hinihipo ang noo na tinamaan.
Naglakad si Allyana patungo sa kanya. Nararamdam niya ang galit na nagmumula sa mga mata nito, habang nakatingin sa kanya. Taas-kilay siyang tumingin kay Allyana.
Naisip niyang mukhang umabot na dito ang balita tungkol sa relasyon nila ni Francess. Malamang siya ang unang magre-reak.
"Tell me that it's a lie," seryoso nitong sabi sa kanya.
"What?"
"Wala kayong relasyon di ba? Hindi ka niya girlfriend!" galit nitong sigaw sa kanya.
Napasinghal si Scarmey habang nakatingin kay Allyana. Napansin niyang pinapalibutan sila ng mga kasamahan nito at naisip niyang mukhang dehado na naman sa mga ito.
"Look Allyana, hindi pa ba malinaw saiyo ang sinabi ni Francess? Baka gusto mong sabihin ko ulit iyon saiyo," matapang niyang sabi dito, na lalong ikinainis ng babae.
Akmang sasampalin siya nito, pero agad niyang nahawakan nang mahigpit ang kamay nito. Tiningnan niya ito ng seryoso.
"Don't you dare to lay your fingers on me again. Once is enough," mariin niyang sabi dito.
Nakita ni Scarmey ang namumuong galit sa mga mata ni Allyana at mabilis na binawi ang kamay nito na hawak niya.
"I'm still his fiancee!" sigaw nito sa mukha niya.
Natawa si Scarmey sa sinabi nito at mas lalong ikinagalit pa ni Allyana sa kanya.
"Ahaha! You? Fiancee? Oh c'mon Allyana, ikaw lang ata ang nagsasabi na fiancee ka niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? You are nothing with him. You know what, why?" nakangisi niyang sabi dito.
Inilapit niya ang mukha dito, habang nakangisi pa rin si Scarmey. Mayamaya ay inilayo niya ang sarili dito.
"All of you! Do you want to hear a short story?" sigaw ni Scarmey at bumaling sa mga nakatingin sa kanila, maging ang mga kasama nito.
Muli niyang tiningnan si Allyana na bahagyang natigilan sa sinabi niya
"There was a boy, who's deeply inlove with a girl. They are both a highschool student. Niligawan niya ito at alam iyon ng lahat, maging ng pamilya. Mahal na mahal ng lalaki ang babaeng iyon. Ngunit hindi niya inaasahan na iyong babaeng mahal niya ay may iba pa lang karelasyon. Isang lihim at bawal na relasyon," kwento niya habang nakatingin kay Allyana. Narinig ng mga nasa paligid nila ang mga sinabi niya.
Nakita ni Scarmey ang pagkabigla sa mga mata nito. Kaya napangisi siya
"Isang Relasyon na bawal, dahil ang karelasyon nito ay may pamilya na at walang iba kundi ang kuya no'ng lalaki na nanliligaw sa kanya. That's why, na dissapoint siya at nasaktan. Pilit niyang kinalimutan ang babae, habang iyong babae naman, naghiwalay sila ng palihim ng karelasyon niya. After the break up, nagulat iyong lalaki nang sabihin ng parents no'ng babae na, ipakasal sila dahil nanliligaw naman iyong lalaki sa babae. Kaya hindi iyon tinanggap ng lalaki at ang babae na naman ang naghahabol sa kanya ngayon, na may iba na ring mahal. Alam niyo ba kung sino ang babae at lalaki sa kwentong iyon? Walang iba kundi ang babaeng ito at si Francess. Now Allyana, stop forcing the man I love to marry you," mariin kong sabi habang nakatingin kay Allyana na nakatingin sa akin.
Nakita niya ang pagtulo ng luha nito, mula sa mga mata. Nararamdaman ni Scarmey ang kakaibang galit sa mula rito. Inaasahan na naman niya iyon.
"You," mariin nitong tukoy sa kanya.
Magsasalita na sana si Scarmey, nang may biglang humila sa kamay niya kaya napatingin siya dito. Nakita niya ang madilim na mukha ni Francess. Napansin niya rin sila Lendon na hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
"Alam mo ang bagay na iyon at sinabi mo pa sa kanya?" sabi ni Allyana habang umiiyak.
Tumingin sila dito lalo na si Francess.
"Oo, ngayong alam mo na, then stop forcing me," seryosong sabi ni Francess at hinila na paalis doon si Scarmey.
Naiwan si Allyana na umiiyak at masama ang tingin sa nakatalikod na si Scarmey. Hindi niya aakalain na simula nang dumating ito, ay naging magulo na sila. Mas lalo pa siyang nainis dahil ito pa talaga ang sinabihan ni Francess tungkol sa bagay na iyon. Tapos ngayon narinig pa ng lahat at napapatingin sa kanya ang mga ito. Galit na nilisan ni Allyana ang lugar at mabilis na sumakay sa kotse saka umalis na.
Samanatala, naglakad naman sina Scarmey at Francess patungo sa kotse nito. Nang buksan nito ang pinto, patulak pa siyang pinapasok ni Francess, kaya muntik na siyang masubsob. Imbes na mainis, napangisi pa siya. Kasabay naman noon ang mabilis na pagdaan ng isang kotse, na minamaneho ni Allyana. Kaya mas lalo siyang napangisi sa nangyayari. Talaga namang sinadya niyang gawin iyon, para mapahiya ito at malaman ng lahat. Malaking iskandalo iyon para sa kanila, lalo na sa pamilya nila.
Napatingin siya bigla kay Francess
Nang pabagsak din nitong sinara ang pinto, nang makapasok na ito sa kotse sa sila umalis.
"Why did you say that?" mariin nitong tanong sa kanya, nang makalabas na sila sa campus. Inosente namang tumingin si Scarmey dito.
"What?"
Napahampas ito bigla sa manibela at huminto, dahil sa kanyang naging sagot.
"The f*ck! Scarmey! Bakit mo sinabi ang tungkol sa relasyon nila ng kapatid ko? Alam mo ba ang pweding mangyari? Magkakagulo tayo dahil doon," galit nitong sabi sa kanya.
Umiwas lang nang tingin si Scarmey dito.
"Well sorry, I didn't meant to say those words to her. Naiinis na rin kasi sa kanya, kaya nasabi ko iyon. I'm really sorry," hinging-paumanhin ni Scarmey sa kanya.
Muli itong napahampas sa manibela at muling nagmaneho. Bahagyang napangisi si Scarmey.
'Lets see, kung anong mangyayari francess,' sambit niya sa sarili.
"My brother is a President of our company and he's wife, was a mayor of this place. Kapag kumalat ang issue about my brother and Allyana. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Ate Pauline kay Allyana, dahil noon pa man hindi na niya gusto ang pagiging close ni Allyana at kuya. Si ate Pauline ay anak ng isang politiko din, kaya maiiskandalo sila dahil sa nalaman nila. I'm sure walang gagawin si ate saiyo pero si kuya, hindi ko alam," paliwanag nito at nasapo ang noo.
Napatingin si Scarmey sa kanya dahil sa sinabi nito. Muli nitong inihinto ang kotse saka lumabas. Napatingin siya sa labas, nang mapansing nasa may malapit na dagat sila. Lumabas siya at mula dito kitang-kita niya ang paghahampas ng tubig-dagat sa mga malalaking bato. Nakita niyang sumandal sa kotse si Francess, kaya lumapit siya at umupo sa hood ng kotse.
"Can I ask something about your mother?" tanong niya dito.
"What?"
"Napansin ko kasi no'ng sa party ng mga magulang ni Candice, na medyo matanda na ang mommy mo. Ngunit makikita pa rin sa kanya ang kagandahan niya. Ilang taon na ba siya?" tanong niya dito.
"She's 65 years old," sagot ni Francess sa kanya. Kaya naman natigilan siya at nagugulat na napatingin dito.
"What?!"
Natawa si Francess sa naging reaksyon ni Scarmey.
"Unbelievable right? Yeah, she's already 65 years old. But she's still strong and beautiful. She was 47 when she got pregnant to me. They called me as a miracle baby. Hindi nila inaakalang mabubuntis pa si mommy sa edad niyang iyon. Kaya mahal na mahal nila ako," nakangiting sabi ni Francess.
Napatango si Scarmey. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon na pala ang edad nito at nakikita pa rin ang kagandahan.
"My mom is adopted daughter of montemayor. Si tita Akira ang totoong Montemayor, ina ni Cristofer. Binigyan nina grandpa ng karapatan si mommy na maging isang Montemayor at siya ang namuno ng organisasyon, hanggang ngayon," sabi nito.
Nanatiling nakinig si Scarmey kanya, mayamaya bigla itong tumingin kay Scarmey.
"We born from a wealthy family. Kilala sa lahat lero alam mo bang nangarap din ako, na sana isang normal na pamilya lang mayroon ako at hindi ganito? Siguro nakatadhana na nga ako na maging parte ng pamilyang ito," sabi nito.
Umiwas ito nang tingin kay Scarmey at napabuntong-hininga. Nanatili namang tumingin si Scarmey dito at basi sa sinabi nito ay naiintindihan niya iyon. Dahil kung siya ang nasa posisyon niya ay mas pipiliin nga niya iyon.
"Ma-swerte ka na rin dahil may pamilya ka na nakakasama araw-araw. Hindi mo man gusto ang ginagawa nila, pamilya mo pa rin sila. Ako nga hindi ko alam kung may pamilya pa ba ako. I don't even remember them," sabi naman ni Scarmey, kaya muli itong napatingin sa kanya.
"Wala ka talagang maalala?"
Umiling lang siya biglang tugon dito.
"Ni hindi ko nga alam kung sino sila," sagot niya.
"Wala bang mga senaryo tungkol sa nangyari saiyo?" muling tanong nito.
"Isang senaryo lang, isang batang humihingi ng tulong at hinahanap ang mommy niya iyon lang," tanging sabi niya.
Naramdaman ni Francess ang lungkot sa sinabi ni Scarmey. Kaya nigla niyang hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Maalala mo rin kung sino ka," nakangiting sabi ni Francess.
Bahagyang ngumiti si Scarmey at tumango. Gumaan bigla ang pakiramdam niya dahil sa sinabi ni Francess sa kanya.
Matapos nilang manatili roon ng ilang minuto ay nagpasya na silang umalis at inihatid ni Francess si Scarmey sa Condo nito.
Pumasok si Francess sa loob ng kanilang mansion, nang makarating siya. Hindi pa siya nakakaabot sa living room, nang marinig niya ang pamilyar na sigaw na nagmumula roon.
"So its true! That you're having an affair with that brat!"
Bahagya siyang napahinto dahil sa narinig niyang sigaw. Nakilala niya ang pamilyar na boses nito at nasisiguro niyany sigaw iyon ni ate Pauline, ang asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Naglakad soya upang malaman kung tama ba ang hinala niya. Nang makarating siya ay nakita niya ang mga ito.
"Will you shut up! Pauline? Matagal na iyon!" sigaw ng kuya niya.
Si Franco Montemayor-Amonte.
"Kung hindi pa kumalat sa Campus ng kapatid mo. Hindi ko malalaman! That b***h! Kaya pala subrang close kayo, 'yun pala may relasyon kayo? At may gana pa syang ikulong si Francess to be her fiancee? Stupid b***h!" galit na sigaw ni Pauline sa kuya ni Francess.
"Enough, calm down Pauline," awat naman ni Priscella sa mga ito.
"Good evening," bati ni Francess upang maagaw ang atensyon ng mga ito, kaya sabay silang napalingon sa kay Francess.
Hindi sila nagsalita kaya naglakad siya palapit sa mga ito.
"Is it true Francess?" tanong agad ng kanyang ama.
Bumaling siya sa kuya niya, na masama ang tingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya at inalis ang tingin dito.
"Tulad nang sabi ni kuya, matagala na iyon kaya naman kalimutan na natin ang tungkol doon," tanging sabi ni Francess sa kanila.
"Forget it? Paano? Ngayon nga lang lumabas ang issue na iyan pero lumabas agad sa media at gusto kaming mainterview. Sa tingin mo Francess makakalimutan agad ang bagay na iyan?" galit pa rin na sabi ni Pauline. Nasapo nito ang sariling noo.
"I know its hard to forget that, but its the only way. Wala na tayong magagawa doon. Lumabas na iyan at matagal na namang tapos iyon, Right kuya?" sabi niya at bumaling sa kuya niya na bahagyang natigilan.
"O-Of course, lets forget that issue. We can tell to the media that is just a past. Tapos na iyon," agad na tugon nito.
Inis na umupo si Pauline habang masamang nakatingin kay Franco, na umiwas nang tingin.
"Then is it true that your have a girlfriend and it's Scarmey?" sabi ng kanyang ina, kaya napatingin siya dito.
"Yes," agad niyang sagot.
"I want to meet that lucky girl."
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses. Bumaling siya sa pinanggalingan no'n at nakita niya itong nakangiti habang pababa ng hagdan.
'She's here?' sambit niya sa sarili
"A-Ate Francine? Nandito ka?" gulat na sabi ni Francess
Ngumiti ito sa kanya.
"I am, can I have a hug my little brother?"
Napangiti siya saka lumapit dito at yumakap.
Francine Path Montemayor Amonte- De vera.
She's a doctor Scientist. Siya rin ang nagpapatagbo ng ilan sa hospital na pagmamay ari ng pamilya nila. Higit sa lahat, isa din siya sa pinagkakatiwalaan ng ina nila pagdating sa kanilang Organisasyon.