AUDREY'S POV
Napapikit ako habang nakaupo sa tapat ng table ni dhrevey. I recieve an email from her, pinapapunta niya ako dito. Napaaga lang ata ako, kaya hindi ko pa siya nakikita dito. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta dito. Wala naman akong magagawa kundi ang pumunta dito, dahil utos niya iyon. Nilibot ko at tingin sa opisina niya. Wala naman akong nakitang pagbabago at ilang beses na naman akong pumupunta dito, maging si Gailla. Isa rin iyon bigla na lang susulpot sa kung saan.
Napalingon ako sa pinto, nang bumukas iyon, there she is. Walang salitang pumasok siya at naglakad habang may dalang isang envelope. Nilapag niya iyon sa harapan ko saka siya umupo sa upuan niya. Tumingin ako sa envelope na nasa harapan ko saka ko siya tiningnan.
"What's this?" tanong ko sa kanya.
"Take a look," tanging sabi niya at seryosong nakatingin sa akin.
I sighed. Binuksan ko ang envelope at kinuha ang laman nito. It's a picture.
Tiningnan ko ang mga ito saka bumaling kay Dhrevey.
"Who's this?"
"She is Francine Path Amonte-De vera. The eldest daughter of Prescilla Montemayor. She's a doctor and scientist," sagot ni Dhrevey sa akin.
Muli ko itong tiningnan. Tiningnan ko itong mabuti at nakikita ko ang pagiging isang propesiyonal nito.
"Anong mayroon sa kanya?" tanong ko habang nakatingin sa picture.
"I want you to go in Europe, to destroy everything they have there. May Headquarters sila doon at siya ang nagpapalakad. Gusto kong mawala ang headquarters nila doon, to pay what they've done to me," seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"What did you say? Are you sure about that?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sisirain ko ang headquarters nila doon?
"Nalaman ko na mga tauhan niya ang lumusob sa mansion, para kumuha ng mga bata to be they're human tester at isa ang anak ko sa nakuha nila.. That's why, I will give this mission too you," mariin niyang sabi sa akin.
Napapikit ako.
"I don't know if I can do that mission. Europe is a big country, how can I find they're headquarters there," katwiran ko at nilapag sa harap niya ang picture ni Francine.
"I know you, Audrey. You can do whatever that mission is, I think you don't want me to interfre of what you're doing at monte University. Am i?" nakataas-kilay niyang sabi sa akin
Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"W-What do you mean?" kinakabahan kong sabi.
She smirked at me.
"Pwedi mong lukohin ang iba, ngunit hindi ako, Audrey," mariin niyang sabi.
"Sino ang pinupuntahan mo sa Monte University. Are you spying someone?Or someone that you want to get out there?"
Napaiwas ako nang tingin. Hindi pa panahon para sabihin sa kanya kung ano ang koneksyon ni Scarmey sa kanya. I need more evidence to prove that she is her lost daughter. Isa pa, mas mabuting si Scarmey ang unang makaalam, para naman alam niya kung ano ang maaari niyang gawin kung sakali.
"Answer me when you finish the mission," sa halip na sabi niya
Hindi pa rin ako nagsalita at naging tahimik lang. Mayamaya ay tumayo siya.
"And what's her name again? I heard it's Scarmey Fuentes. Gusto mo bang kilalanin ko pa siya? Or ikaw na mismo ang magsasabi sa akin kung sino siya," muli niyang sabi.
Mas lalo akong hindi nakapagsalita, dahil sa sinabi niya. Nagbabanta ang mga tingin niya sa akin. Muntik ko nang makalimutan, na marami siyang paraan para alamin ang isang bagay. Kaya naman kailangan kong mag ingat sa kung ano man ang gagawin ko.
"Both of you and Gailla is hiding something from me. I can feel that, kapag nalaman ko ang tinatago niyo, masasaktan ako at aasa. Kaya naman tahimik lang ako at hinihintay kung kailan niyo sasabihin ang seckretong iyon. Hindi ko pakikialam kung ano iyon, kaya naman habang 'wag niyong masyadong tagalan ang pagtatago dahil alam niyo na may paraan ako para malaman ang bagay na tinatago niyong dalawa sa akin," narinig kong sabi muli ni Dhrevey.
Shit!
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tinaasan niya ako ng kilay saka niya ako nginitian. Hindi ako halos makatingin sa kanya at napansin ko na lang na naglalakad na siya palabas. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay huminto pa siya.
"Remember this, Audrey. I trust you and Gailla. You are both my right hand and my bestfriend. So, I hope that secret of yours will not affect in our friendship," sabi niya at tuluyan nang lumabas.
Napapikit ako. It will, Dhrevey. Ngunit kahit maapektuhan ang pagkakaibigan natin. Hindi ko muna ito sasabihin saiyo, para na rin kay Scarmey.
Nakayuko ako habang nakaupo sa couch dito sa office ko. Nalilito ako kung anong gagawin ko. Alam ko naman na malalaman talaga ito ni Dhrevey pero hindi ko inaasahan na ganito kaaga. Hays! Hindi pa panahon para malaman nya kung sino si Scarmey.
Kailangan kong mag ingat sa bawat kilos ko.
Tok! tok! tok!
Napalingon ako sa pinto at nakita ko siya na pumasok. Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin.
"Bakit mo ko pinatawag tita Audrey?" tanong niya sa akin.
Seryoso ko siyang tiningnan.
"I will give you a mission," sabi ko sa kanya.
"What mission?"
"Be her spy and don't tell this to anyone," seryoso kong sabi at sinabi ko sa kanya ang buong detalye sa mission niya at kung sino ang tinutukoy ko.
"Bakit ako?" nagtataka niyang tanong.
''I trust you and I know you can protect her. 'Wag ka lang magpakilala sa kanya na ikaw ang nagbabantay sa kanya," saad ko.
Napabuntong-hininga siya saka tumango.
"Okay," tugon niya
Pagkasabi niya no'n umalis na siya at iniwan ako. For now, ipagkakatiwala muna kita sa kanya Scarmey. Kailangan kong tapusin ang binigay na mission sa akin ni Dhrevey. Bago ko siya balikan at kunin sa Monte University.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako sa office ko at naglakad palabas ng building. Ngunit napahinto ako bigla at napatingin sa malawak na field ng campus. Hindi ko mapigilang alalahanin ang lahat nang nangyari noon. Noon pa man talagang partner na kami ni Dhrevey sa kalokohan at bawat pinaplano namin. Lagi akong nakasunod sa kanya at saksi ako sa lahat na nangyayari sa buhay niya. Dahil gaya nga nang sabi niya, bestfriend niya ako, kaming dalawa ni Gailla. Kaming tatlo ang magkasangga noon pa man, ngunit nagbago bigla ng dumating si Scarmey. I need to hide her from Dhrevey, for a while. Alam kong masisira ang tiwala ni Dhrevey sa akin dahil sa ginawa ko. Ngunit sadyang hindi pa ito ang panahon para makilala nila ang isa't isa. Si Gailla naman, alam kong may tinatago rin siya at hindi ko alam kung ano iyon. Pareho naming masasaktan si Dhrevey sa bawat sekretong tinatago namin sa isa't isa.
Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad paalis sa campus ng M.A.U.