SCARMEY'S POV
Napapansin ko ang bawat pasimpleng sulyap nila sa akin habang naglalakad ako. Alam ko naman kung bakit, dahil iyon sa issue ni Allyana at wala akong pakialam kung anong gagawin nila. Hinihintay ko lang naman kung may gagawin sila sa akin.
Napahinto ako at napatingin sa gilid ko, nang maramdamang may kasabay ako. Huminto rin siya. Si Candice. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"What?" nagtataka niya pang tanong sa akin.
"Para kang kabote biglang sumusulpot, tsk!" sabi ko sa kanya at bahagyang napailing.
Ngumiti lang siya.
"Ikaw naman kasi, bakit mo pa pinatulan si Allyana. Ayan tuloy hindi matapos-tapos ang issue na iyon, pati nga parents ko nagulat sa nalaman nila," napapailing na sabi ni Candice.
"Alam mo, para din naman ito sa kaibigan niyo. Para na rin makawala siya sa babae na iyon. Nasaktan iyon noon, that's why this is his payback with that b*tch," sabi ko.
Hindi siya nagsalita, sa halip na hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kong saan. Hanggang sa makarating kami sa rooftop.
"Bakit tayo nandito?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, kayo ba talaga ni Francess? O nagpapanggap lang kayo?" seryoso niyang tanong.
Hindi ako nakapagsalita at umiwas nang tingin sa kanya. Alam ko naman na hindi agad siya maniniwala. Siya pa? Tsss!
"You know what, I don't know why it feel like this. Magaan ang loob ko saiyo, kaya nakipaglapit ako at nakipagkaibigan saiyo. This is the first time that I treat you as my friend. Yeah, may mga kaibigan ako like Marga and Beatriz. But you, I feel like your special too me," narinig kong sabi ni Candice.
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa malayo at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.
"Alam kong hindi pa kita lubusang kilala pero nararamdaman kong mabuti kang tao. 'Yang pinapakita mo sa amin, alam kong ang iba no'n ay hindi totoo. Ngunit mas nangingibabaw ang pakiramdam ko na mabuti kang tao. I even trust you, Scarmey," nakangiti niyang sabi sa akin.
Kitang-kita ko ang senseridad sa mga sinabi niya. Bahagya akong napangiti hindi ko alam kung bakit. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Candice, thank you for trusting me," sabi ko. Binitawan ko siya at tumalikod sa kanya.
"You even trust me, but me? I don't know if I can trust myself. I told you, I lost my memory. That's why I don't even know myself," wika ko.
"But my hearts telling me, that you are a kind person. Naniniwala ako sa nararamdaman ko, Scarmey," sabi niya at hinawakan ang balikat ko.
Bumaling ako sa kanya at ngumiti.
"My life is like a puzzle. Kapag hindi ko ito nabuo hindi ko pa masasabi kong mabuti o masama ang naging buhay ko. I wake up that day with a lot of question. Who am I? Saan ako galing? Sino ang pamilya ko, pero alam mo ba kong saan ako nae-excite? 'Yong malaman kung sino ang mga tao na sumira sa buhay ko. Alam kong delikado pero gusto ko pa ring makilala sila, dahil sila ang daan kung saan ako galing," seryosong sabi ko.
Napansin kong natigilan siya at napatitig sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" seryoso niyang tanong.
"Gusto kong makilalang mabuti ang mga taong sumira ng buhay ko... ang mga assassin," mariing sabi ko.
"A-Assassin?" gulat niyang sabi.
Napatango ako.
"Yes, mahirap makapasok dito pero mas mahirap makapasok sa lugar ng mga assassin. Kaya pagkakataon ko nang makapasok sa kanila, kapag guguluhin natin sila," sabi ko.
Bahagya siyang napangiti at lumapit sa akin saka niya akong niyakap.
"Huwag kang mag aalala tutulungan ka namin," sabi niya at hinagod ang likod ko.
I smirked.
'Alam ko naman na iyan ang sasabihin mo kapag sinabi ko ang bagay na ito saiyo. I'm sorry candice, but this is the way to be close to you too. Making you as my friend just to be my side,' sambit ko sa sarili.
"By the way, hindi mo pa sinasabi kung kayo na ba talaga ni Francess?" muling tanong ni Candice.
Bahagya akong natawa at humiwalay sa kanya.
"We are just pretending for his sake. Tinulungan ko lang siya, para makawala siya kay Allyana" sabi ko sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at napatango.
"Okay, sa tingin ko bagay naman kayo," nakangisi niyang sabi.
"What? Haha kami? No way, Candice," natatawang sabi ko.
"Tara na nga," anyaya niya at hinila ako, kaya napasabay na ako sa kanya. Naglakad kami pababa ng rooftop.
"Pero bagay talaga kayo eh," pang aasar niya pa.
"Whatever," tanging sabi ko at sabay kaming natawa.
"Come with me tonight," sabi ni Francess habang naglalakad kami patungo sa parking lot.
Napatingin ako sa kanya.
"Saan?" tanong ko.
"They want to meet you. We're going to have a dinner with my family," sabi niya.
Natigilan ako.
Having dinner with his family?
"Sinabi mo na sakanila na may relasyon tayo?"
Bahagya siyang tumango. Kaya nanahimik ako bigla. Kaya ko nga bang humarap sa pamilya niya?
"Kaya mo naman sigurong humarap sa kanila di ba? Don't worry they can't touch you or threaten you. I'm here," sabi niya at humarap sa akin.
Napabuntong-hininga ako.
"Okay," tugon ko.
"Susunduin kita mamaya," muling sabi niya.
Tumango ako. Sumakay na ako sa kotse ko habang siya nakatingin pa sa akin. Ngumiti lang ako saka ko pinaandar ang kotse.
I'm going to meet his family. Hindi ko alam kung tama ba na makilala nila ako. Pag nalaman ito ni tita Audrey, I'm sure hindi iyon papayag.
Ngunit napansin ko simula no'ng huling usapan namin ni tita hindi na kami nagkita pa, ni hindi siya pumunta sa Condo ko. Ano kayang nangyari sa kanya?
Siguro busy lang siya. Tulad nga nang sabi niya dati, isa siyang mafia Empress kaya marami talaga siyang ginagawa.
Nang makarating ako sa Condo ay may ginawa akong ilang paper works sa school. Nang matapos ako ay niligpit ko na iyon at bahagyang tumingin sa oras. Nakita kong mag a-alas sais na ng gabi. Kaya naman naligo ako saglit at nagbihis. Dahil siguradong ilang minuto lang ay nandito na si Francess. Habang naglalagay ako ng lipstick ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Kaya minadali ko ang kilos at naglakad patungo sa pinto.
Binuksan ko ang pinto at medyo nag alangan pa ako nang makita sya.
"Are you ready?" tanong niya pa sa akin.
Tumango ako at lumabas na sa pinto upang sumama sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Feeling ko mali na makilala ko ang pamilya niya. Ngunit nasisiguro kong mas mabuti na rin iyon, para makilala ko kung sino sa kanila ang dapat kong kilalanin pa o dapat na iwasan.
"It's okay, I'm here," narinig kong sabi niya.
Napatingin ako sa kanya, nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya l, kasabay doon ang kakaibang pagtibok ng puso ko.
No way!
"Lets go?"
Ngumiti lang ako at inalis kong ano man iyong kakaibang naramdaman ko. Hindi ako pweding makaramdam ng ganito sa kanya. We are just pretending. Kaya hindi ko kailangang makaramdam ng ganito.
He's my enemy.
Nang makarating kami ay napatingin pa ako sa labas ng isang hotel.
"Huwag kang mag alala, wala silang gagawin saiyo. They are just want to meet you," sabi ni Francess.
Naglakad kami patungo sa loob ng hotel, kung saan kami mag d-dinner kasama ang pamilya niya. Nasabi niya sa akin kanina, na kompleto sila lalo na't umuwi ang ate niya galing Europe.
Napatingin ako sa paligid ng hotel. Napaka-engrande ng paligid. Halatang halos mayayaman ang pumupunta dito.
Inakay niya ako patungo sa elevator kaya pumasok kaming dalawa. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa loob. Ayokong magsalita, ewan ko lang sa kanya.
Nang bumukas ang elevator, natigilan pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.
"Lets do this," sabi niya.
Tumango ako. Yeah, right!
Magkahawak kamay kaming naglakad. Nakita ko ang isang restaurant at naglakad kami patungo doon. Malaki ito at may ilang kumakain, pamilya o mag nobyo at may tila magkabarkada.
"Naroon sila."
Napatingin ako sa tinuro niya. Nakita ko nga ang mommy niya, na nakangiting nakikipag usap sa kasama nito. May kasama pa silang dalawang babae at isang lalaki na nakatalikod sa amin. Nakaharap sa amin ni Francess ang mommy at daddy niya.
"Mom!" tawag ni Francess kaya napatingin ito sa amin.
Ngumiti siya ng makita kami.
"Oh, mabuti at nandito na kayo. Hai Scarmey, it's nice to see you again ija," bati sa akin ng ina niya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Nice to see you din po," tugon ko sa kanya.
Inaya akong umupo ni Francess at magkatabi lang kaming dalawa.
"By the way, meet my sister, Francine My brother, Franco and ate Pauline, my brother's wife," pakilala niya sa mga ito.
"Hello nice to meet you," bati ko sa kanila.
"It's nice to meet you too, Scarmey," sabi sa akin ng ate niya at napansin ko ang kakaibang tingin niya sa akin, na parang kinikilala niya akong mabuti.
"So, you are Scarmey? Hmm, nice to meet you," sabi din ng asawa ng kuya niya. Napatingin ako sa kuya niya at hindi man lang ito nagsalita. Tumingin lang ito sa akin nang kakaiba at uminom lang ng wine saka inalis ang tingin sa akin.
"So, you are really have an Relationship?" narinig kong tanonh ng ama niya.
"Yes dad," sagot ni Francess.
"Where are you
living, Scarmey?" tanong ng asawa ng kuya niya, si Pauline.
"Ahm," napatingin ako kay Francess.
"Lets have a dinner first," pag iiba ni Francess.
Napansin kong tumaas lang ang kilay ni Pauline at ngumiti. Nagsimula na kaming kumain habang nagsasalita ang ama nila tungkol sa ate niya, na nagbabakasyon dito. Ngunit nararamdaman ko ang bawat pagsulyap niya sa akin. Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng panganib sa bawat tingin ng mata niya sa akin.
"So, I heard she's studying at Monte University. Doon ba kayo nagkakilalang dalawa?" tanong ng ate niya habang kumakain.
Nagkatinginan kami ni Francess.
"Yes," sagot ko.
"Are you a gangster?" tanong bigla ng kuya niya.
"Hmm not really, I'm just a new student," sagot ko.
"So? Do you know what kind of family we are?" seryosong sabi nito.
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Franco, you don't need to say that. I'm sure she know it, right scarmey?" biglang sabi ng ina nila.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bahala na!
"A-Ahmm not really, but I know you are a well-known family," sagot ko.
Napatango siya at ngumiti sa akin. Nagpatuloy kaming lahat sa pagkain at nabaling ulit sa ate ni Francess ang usapan. Nakikinig lang ako sa kanila
Bahagya ko siyang tinitingnan. May kakaiba talaga sa bawat tingin niya sa akin.
Napansin ko rin ang closeness nila ni Pauline. Mukhang matagal na silang magkaibigan.
"The engagement was cancelled, because of you scarmey. I hope you won't dissapoint me for loving my son," seryosong sabi ng mommy niya.
Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Parang pinapahiwatig niya na, 'wag na 'wag kong sasaktan ang anak niya.
"Mom, you don't need to say that. Hayaan niyo na kami sa relasyon namin," depensa ni Francess.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim at marahang pinisil.
"Okay.."
"Take care of my brother, my dear Scarmey. I love that boy. He is our miracle brother. So I hope you can love him with all your heart. I trust you," nakangiting sabi ng ate niya.
Hindi ko talaga maintindihan. Nakikita ko naman sa maamong mukha niya na mabait siya. Ngunit iyong nararamdaman ko sa kanya, tila ba mas nakakatakot pwera sa mommy nila.
Who are you, Francine?