Chapter 31

2009 Words
SCARMEY'S POV Napatingin ako sa kanya, nang bigla niyang nilagay sa likod ko ang suot niyang jacket. "It's cold," aniya. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa tanawin na natataw namin ngayon. Madilim ang paligid pero natatanaw namin ang liwanag ng ilaw na nagmumula sa lungsod. Nasa itaas kasi kami ng burol. Bigla niya kasing hininto dito ang sasakyan at bumaba. Pagkatapos ng dinner kanina kasama ang pamilya niya ay nagpaalam na kami na umalis at hinayaan naman nila kami. Kaya kami nandito ngayon. Tahimik lang ako habang nagmamasid sa paigid at nag iisip. "Are you okay?" narinig kong tanong niya. "Paano ba tayo umabot sa ganito?" wala sa sariling sabi ko. "Huh?" nagtataka niyang tugon sa akin. "I mean, bakit nga ba tayo ganito? We are just pretending but, I feel like there something wrong," naguguluhan kong sabi. Hindi siya nagsalita. Kaya muli ko siyang tiningnan, hindi siya halos makatingin sa akin. Kaya nagtataka ako kung bakit. Napansin ko kasi simula no'ng nakipaglapit ako sa kanya para bang may nagbago, para bang siya iyong gustong mapalapit kami sa isa't isa ngayon. "Sa tingin mo, bakit nga ba?" muli kong tanong. "H-Hindi ko alam, basta ang alam ko. Gusto kitang kasama," naguguluhan rin niyang sagot. Natigilan ako. What did he say? Hindi ko alam pero pakiramdam ko may ina pang ibig sabihin no'ng sinabi niya. "Alam kong napaka-imposible pero ewan ko. Kahit ayoko saiyo, gusto pa rin kitang nakikita at nakakasama. Pakiramdam ko kasi matagal na kitang kilala at iyon ang hindi ko maintindihan, na para bang masaya ako dahilan nandito ka na," sabi niya at napatingin sa akin. Nakita ko ang lungkot at saya sa mga mata niya. Kahit alam kung ito ang gusto kong mangyari, pero may pakiramdam pa rin ako na parang may mali. Sa mga sinabi niya para bang sinasabi niyang gusto na niya ako at pakiramdam ko rin gusto ko na ang nangyayari. No way! Hindi maaari ang naiisip ko ngayon. "We are just pretending Francess. I'm just also helping you. Kaya 'wag mong bigyang malisya kung bakit tayo nagkikita o nagkakasama. We both know the truth," seryosong sabi ko. Binalik ko sa kanya ang jacket niya at naunang pumasok sa kanyang kotse .Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin, para ihatid ako sa condo ko. I want to smile for what I heard, dahil alam kong mas magagamit ko siya. Ngunit pakiramdam ko talaga may mali. Mali na gagamitin ko siya laban sa pamilya niya. Mali na ginaganito ko siya ganoong wala siyang alam sa nangyari sa akin. Napabuntong-hininga ako at naikuyom ang kamay ko. Bakit ngayon pa ako nalilito sa ginagawa ko. Nakuha ko na ang loob niya, kaya dapat na ikinatuwa ko iyon. Ngunit ngayon iba ang naging resulta.         Pagtapos niya akong hinatid sa condo ko. Hindi na kami nag usap pa, basta na lang ako lumabas sa kotse niya na walang paalam. Hays! Kailangan ko talagang pag isipang mabuti kung ano ang gagawin ko. Binuksan ko ang pinto ng condo ko saka pumasok. Napaupo ako sa couch at napapikit. Napabuga ako ng malalim. Pagdilat ng mata ko, doon ko napansing may isang papel sa ibabaw ng table na nandito sa sala. Kinuha ko ito. "Kanino kaya ito galing?" sambit ko sa sarili. Nalaman kong isa itong sulat galing kay tita Audrey. Kaya binasa ko ito.     Scarmey, I'm sure pag nabasa mo ito ay wala na ako dito sa pilipinas. Nandito ako sa Europe dahil may binigay na mission sa akin. Ngunit 'wag kang mag alala, hindi ka pa rin nag iisa diyan. May nakatingin saiyo para sa akin. Malalaman ko pa rin kung anong mga pinanggagawa mo. Last warning Scarm, please leave that place for your safety. Kailangang makapagdesisyon ka na pagbalik ko. Mag ingat ka.              Audrey. Muli akong napapikit dahil sa nabasa ko. Kaya pala hindi ko siya nakikita dahil umalis pala siya. Hays! Tumayo ako at pumunta sa kusina. Uminom ako nang tubig at napabuntong-hininga. "Ano ba ang gagawin ko, tsk!" Kring! Kring! Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Naglakad ako pabalik sa sala, upang sagutin kong sino ang tumatawag. Tiningnan ko ito. Unregistered number.. Hmmm, pinindot ko ito. "Who's this?" bungad ko kaagad. Ngunit walang sumagot. Kaya nagtataka ako. "Sino ba ito?" ulit ko. Naririnig ko ang bawat hininga niya, kaya siguradong nakikinig lang siya. "Finally I heard your voice.." Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng marinig ang boses nito. Parang may pumasok sa katawan ko na siyang nagpanginig ng kalamnan ko. Kinabahan ako bigla. "W-Who are you? Where did you get my number?" kinakabahan kong tanong dito. "It's easy for me to know your number,"  sagot niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wala akong binigyan ng number na ito bukod kay tita Audrey. Maging sila Francess hindi alam ang number na ito. Tthen how did he get this? Pwera na lang kung binigay ni tita Audrey o di kaya ito ang tinutukoy ni tita na nagbabantay sa akin ngayon? "Then, who are you?" mariin kong tanong. Narinig kong bahagya siyang tumawa. Napakunot-noo ako. Kanina lang ay nakaramdam ako ng kaba sa kanya, ngunit ngayon ng marinig ko ang tawa niya ay bigla iyong naglaho. Bigla iyong napalitan ng saya at pangungulila. Nalilito tuloy ako sa pakiramdam na ito. Sino ba kasi ito? "Base on your voice, you are different from her. She have a calm voice, but fierce. You have a beatiful face, but innocent. She is also a beautiful woman, but a danger one," sabi niya. "What are you saying? Who really are you?" muli kong tanong. "For now, hindi muna ako magpapakilala. I will give you a warning. Leave that place, you are not safe there. The safest place for you, is the place that you are belong. Mafia Assassin is your family, you need them to be your protector. They are the one who can protect you. See you soon, my dearest," paalam niya. Akmang magsasalita ako nang binaba na niya ang tawag. Napatingin ako sa phone ko. What was that? Napaupo ako. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi iyon at sino ang tinutukoy niya? Who is the danger one? Who is the fierce? Bakit niya ako kinukumpara sa isang tao at sino ang taong iyon? "I'm different from her? With who?" wala sa sariling sambit ko. Ibig sabihin lang nito. May nakakakilala na sa akin. Hindi lang basta kilala, kundi alam din niya ang buong pagkatao ko at kung sino ang pamilya ko. Napayuko ako. Ano ng gagawin ko ngayon? Bukod kay tita Audrey ay may nakakakilala pa sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may nakatingin ngayon sa akin, na bawat galaw ko ay nakikita nito. Sino kaya ang taong iyon? Kalaban ba siya o kakampi. Hays! Ding! Dong! Muntik na akong mapasigaw dahil sa biglang pagtunog ng doorbell sa pinto. Napabuga ako ng malalim at uminom muna ng tubig saka tumayo. Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ito. Natigilan ako dahil bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Shan. Nandito na naman siya? "Hai," bati niya sa akin. "H-Hai," tugon ko at napatingin sa dala niya. "Pasok ka." Pumasok naman siya at ngumiti sa akin. Napatingin ako sa orasan at mag a-alas diyes na ng gabi. Bakit nandito pa siya? Napatingin ulit ako sa dala niyang tila pagkain at mukhang napansin niya akong doon nakatingin kaya muli siyang ngumiti. Umupo ako sa couch at tumingin sa kanya. "Ahm, naisipan ko kasing baka hindi ka pa nagd-dinner kanina kaya pumunta ako dito, para sabay tayong magdinner. Kaso nakita kitang kasama si Francess, kaya hinintay na lang kitang makabalik. Kaso nakatulog ako sa paghihintay, nagising na lang ako na dumating ka. Nais sana kitang salubungin kanina, kaso nakatingin pa siya saiyo. Kaya hinintay ko muna siyang umalis, para hindi siya maghinala kung anong ginagawa ko dito," mahabang paliwanag niya. Napakurap naman ako ng ilang beses. Seryoso ba siya? Hinintay niya ako para makasabay magdinner? Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya at sa dala niya. "B-Bakit mo naman naisipan iyon? Well, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. "H-Hindi pa nga eh," sagot niya at napapakamot na umiwas nang tingin sa akin. I signed. "Ihahanda ko lang ito saglit at sasabayan kita sa pagkain," nakangiting sabi ko. Tumango naman siya. Kinuha ko ang dala niyang pagkain at dinala ko sa kitchen. Isinalin ko iyon sa lalagyan at nang matapos ako, ay bumalik ako sa sala at nilapag iyon sa maliit na mesa. Muli akong bumalik sa kichen at kumuha ng plato at kutsara naming dalawa. Kumuha na rin ako ng inumin. "S-Saan pala kayo nagpunta ni Francess," mayamaya ay tanong niya. Kaya napahinto ako at napatingin sa kanya. Hindi agad ako nakasagot at tila hinihintay niya ang sagot ko. Napabuntong-hininga ako. "My family dinner sila at kasama ako. He introduced me as his girlfriend," sagot ko sa kanya. Kaya nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "W-What? He introduce you as his girlfriend?" nagugulat niyang sabi. Tumango ako bilang sagot. "Ngunit akala ko ba, naghihigante ka? Bakit ngayon naging girlfriend ka na niya?" nagugulat niya pa ring tanong. Natawa ako sa naging reaksyon niya. Nakita ko naman kung paano siya nagtataka, kung bakit ako natawa. "Huwag ka ngang masyadong seryoso. We're just pretending okay? I'm just helping him to cut his marriage to someone. Paraan na rin iyon para sa akin, upang mapalapit sa kanila. Ngunit nag iinga rin naman ako sa bawat galaw ko," paliwanag ko sa kanya. Napapikit siya at tila nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Akala ko talaga totoo nang may relasyon kayo," sabi niya at napapailing. Mayamaya ay kumuha na siya ng pagkain at nilagay sa plato niya saka sumubo. "Kung may relasyon nga kami, ano naman iyon saiyo? Baka naman iba na ang nararamdaman mo sa akin. Bakit? May gusto ka na ba sa akin?" nang aasar kong sabi. Muntik niyang maibuga ang kinakain niya. Kunot-noo siyang napatingin sa akin at mabilis na uminom ng tubig. Dinuro niya pa ako ng hawak niyang kutsara. "You? Of course not! Well yeah, I like you. Hindi naman ako makikipalapit saiyo, kung hindi kita gusto," pag amin niya sa akin. Ako naman ang muntik ng mabilaokan dahil sa sinabi niya. Kuno't noo naman akong napatingin sa kanya. "What?" Bigla siyang natawa sa naging reaksyon ko. Kaya seryoso akong napatingin sa kanya. "Haha! Yeah! Gusto kita, pero hindi tulad ng iniisp mo eh no! Magaan kasi talaga ang loob ko saiyo. Masaya ako kapag nakikita at nakakasama ka. Pakiramdam ko kasi, kasama ko na ang kapatid ko," nakangiti niyang paliwanag sa akin. Natigilan naman ako at napatitig sa kanya. Ganoon rin siya sa akin. Sa sinabi niya ay parang ganoon na rin ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kasama ko ang isang taong bahagi ng aking pagkatao. Pareho kaming natahimik sa isa't isa at sabay na napaiwas ng tingin. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Nagutom na rin ako bigla, kaya kumain na rin ako. "Pero kung papipiliin ako na magiging kapatid ko, pipiliin kita. Dahil na rin sa magaan ang loob ko saiyo at nagiging masaya ako kapag kasama ka," narinig kong sabi ni Shan. Napalunok ako at napasulyap sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay tinulungan niya akong iligpit ang pinagkainan naming dalawa. Hinugasan ko na rin iyon at tinulungan niya rin ako. Nang matapos kami ay inaya ko na siya pabalik sa sala. Kumuha ako ng wine at binigyan ko siya. "Kailan mo balak umalis sa lugar na iyon?" tanong niya. "Kapag pinasok na namin ang M.A.U," sagot ko sa kanya. Natigilan naman siya sa sinabi ko at nagtatakang nakatingin sa akin. "Papasukin niyo ang M.A.U?" tanong niya. Tumango ako. "Kapag nahuli nila kami, doon na mangyayari ang pagbabago. Aalis na ako sa Monte University," seryoso kong sagot sa kanya. Napatango naman siya at mukhang sang ayon sa pweding mangyari. Marami pa kaming pinag usapan dalawa at nang maubos namin ang wine ay nagpasiya na siyang umalis. Kaya hinayaan ko na siya at nagpahinga na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD