SCARMEY'S POV
Naalimpungatan ako nang may maamoy akong kakaiba, kaya bumangon ako sa kama. Tiningnan ko ang oras 6:30 am; 8am pa ang pasok ko kaya masyado pang mahaba ang oras.
Muli kong naamoy ang bagay nagpagising sa akin. Nagtatakang naglakad ako sa pinto ng kwarto at lumabas. Doon ko naramdamang hindi ako nag-iisa. May taong nagluluto sa kusina at sigurado ako doon.
Bukod sa akin, iisang tao pa lang ang nakasama ko dito. Wala sa sariling napatakbo ako sa kusina. Napahinto ako malapit sa pinto, nang makita kung sino ang taong nagluluto at nakatalikod sa akin. Bumaling siya sa akin saka ngumiti.
"You're awake," nakangiti niyang sabi.
"Saglit lang at matatapos na ako."
"T-Tita Audrey," nagugulat na sambit ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. Halos tatlong buwan rin nang huli ko siyang nakita, na kahit anong gawin kong hanap sa kanya ay di ko siya mahanap. And now she's here!
"Come on Scarmey, I will serve your meal," anyaya niya sa akin.
Wala sa sariling napaupo ako sa isang upuan kaharap ang mesa. Gaya nang sabi niya, siya na ang nag asikaso ng pagkain ko. Naglagay rin siya nang isa pa para sa kanya.
"You look surprise," natatawa niyang tukoy sa akin.
"H-Hindi kasi ako makapaniwala na nandito ka, tita. Akala ko kasi hindi na tayo magkikita," wika ko.
Bahagya siyang sumubo nang pagkain bago nagsalita.
"Well, lets talk about that later. Lets eat first," sabi niya.
Tumango ako at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming kumakain at walang nagsasalita. Matapos naming kumain, tinulungan ko siyang iligpit ang pinagkainan namin, saka kami pumunta sa sala para makapag usap.
"So, how are you?" nakangiting sabi niya sa akin
"I'm fine tita and I'm happy to see you again," nakangiting sabi ko sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi ko. Napansin kong mariin siyang nakatingin sa akin, na para bang sinusuri akong mabuti. Nakaramdam naman ako nang ilang sa kanya mga tingin sa akin.
"I thought, hindi na tayo magkikita. But I made a promise to you before right? Na tutulungan kita sa paghahanap nang impormasyon tungkol sa pamilya mo," sabi niya.
Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni tita kaya mariin akong nakinig. Ito ang hinihintay kong balita, ang magkaroon nang balita tungkol sa pamilya ko.
"Pero ang tanging impormasyon lang na maibibigay ko saiyo ay ang tungkol sa kung sino ang dumukot saiyo, kaya ka napunta sa laboratory na iyon. I'm sorry, dapat noon ko pa ito sinabi saiyo. Sadyang nakalimot lang ako. Ang laboratoryo na iyon ay isa sa pagmamay ari ng mga Montemayor. Naging misyon namin na sirain ang mga ginawa nilang laboratoryo, kaya kita nakita at nakilala doon" seryosong sabi niya sa akin.
Napatango ako sa mga sinabi niya, ngunit may isang tumatak sa isipan ko.
Montemayor.
"Nalaman kong isa ka sa nakatagal bilang isang Human tester. Dahil lahat nang ginawang human tester ay mahihina at tinatapon lang nila basta. Hindi tulad saiyo na tila napaka special. Malakas ka kaya ka naka-survive," muling sabi niya.
Ngunit wala doon ang isip ko, kundi sa isang salitang binanggit niya. Mariin akong tumingin sa kanya.
"Montemayor?" wala sa sariling sambit ko na bahagyang ikinatigil ni tita. Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Pagmamay ari ng mga Montemayor ang laboratoryo na iyon?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Napatitig siya sa akin bago nagsalita.
"Yes, why?" nagtataka rin niyang sagot.
"Wait, kung pagmamay ari iyon ng mga Montemayor. Isa din ba sa pagmamay ari nila ang Monte University?" seryosong tanong ko sa kanya.
Naging seryoso rin ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.
Sana hindi, sana mali ang hinala ko.
"Yes."
Naikuyom ko ang kamay ko sa sinabi ni tita. Pag aari ng mga Montemayor ang paaralang iyon? Kung ganoon, ang pamilyang Montemayor ang dahilan kung bakit nawala ako sa poder ng mga magulang ko. Ibig sabihin lang nito, nasa lugar ako nang magiging kalaban ko.
"Bakit scarmey?" narinig tanong ni tita.
"Ang Monte University na pagmamay ari nila ay siyang pinapasukan kong school ngayon," seryosong pag amin ko na kinabigla niya.
"What? Oh no! You need to leave that place, Scarmey. Delikado para saiyo ang lugar na iyon. Paano kung may makakilala saiyo?" nag aalala niyang sabi sa akin.
Seryosong tingin lang ang binigay ko sa kanya.
"I need to understand everything tita. Ano bang klaseng pamilya o organisasyon mayroon ang mga Montemayor," seryoso kong sabi.
Bigla siyang napaiwas nang tingin sa akin. Mayamaya napabuntong-hininga siya at tumayo saka nagsalita habang nakatalikod sa akin.
"Gusto ko sanang 'wag ipalaam saiyo ang tungkol sa ganyang bagay Scarmey. Ayokong pumasok ka sa magulong sitwasyon," sabi niya habang nakatalikod sa akin.
"Do you really want to know what kind of people they are?" seryosong tanong ni tita saka bumaling sa akin.
Naramdam ko ang kakaibang aura sa kanya. Napakaseryoso nang salitang sinabi niya. Ngunit hindi ako nagpatalo sa kakaibang tingin niyang iyon.
"Yes," matapang na sagot ko.
"I want to know, what kind of people they are," dagdag ko pa.
Tinitigan niya ako nang mariin. Nakita kong nagdadalawang isip siyang sabihin sa akin, ang mga dapat kong malaman.
"Bago ko sabihin saiyo kung ano sila. Magpapakilala din ako saiyo," seryoso niya paring sabi.
Nakaramdam naman ako nang kakaiba sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko hindi ko talaga siya kilala.
"I'm not just a simple gangster, Scarmey. I am an empress of a secret Mafia Organization. One of the council Of Mafia Assassin Organization. Kumbaga, mas higit na nakakataas kami kaysa sa mga gangster. May kapit kami sa gobyerno pero para sa mga normal na tao. We don't exist for them. We exist just like a normal but have secret Business. Kaya hindi ka makahanap ng impormasyon sa akin ay dahil kontrolado bawat membro ng Organisasyon," seryosong sabi ni tita Audrey.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula sa kanya. Totoo ba iyon?
Iniwas niya ang tingin sa akin saka naglakad-lakad. Hindi ko alam kung paano ko maiintindihan ang sinasabi niya. Nalilito pa rin ako.
"In our Organization, we have a gangster, Reapers, Assassins, Killers. Every group, they have a leader that member of the council. I don't want to say that we are a good person. All I can say is, we kill, we save and we protect people if needed. I want you to undestand what I've said Scarmey. In our organization, we have a lot of enemies. We lost someone in every battle. We lost a family, a friend. Sa buhay namin, masasanay na lang kami na may mawawalang mahalagang tao sa amin. Lalo na sa trabaho namin," sabi niya at napabuntong-hininga.
Huminto siya sa paglakad at bumaling sa akin. Hindi agad siya nagsalita, tila ba may naalala siya. Naramdam ko ang lungkot sa huli niyang sinabi.
"As I've said, we have a lot of enemies. And one of our enemies was Montemayor Organization, that also will be your enemy," seryoso niyang sabi.
Bahagya kong naikuyom ang kamay ko sa sinabi niya. She's right. They are my enemies.
"Sa dami na nangyari noon, masasabi kong sila ang malupit na kalaban namin ngayon. Hindi lang isa ang kinuha nilang buhay sa amin. We don't want to take revenge, but they provoke us to do . Maraming koneksyon ang mga montemayor Scarmey, kaya pag nalaman nila na isa ka sa nakaligtas bilang isang Human tester. Hahanapin ka nila, and worst, they will kill you or use you again," mariing sabi ni tita Audrey.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, dahil tama siya. Hahanapin nila ako pag nalaman nila kung sino ako. Maaari nila akong gamitin o patayin. Ngunit hindi ko iyon hahayaan, hindi ko hahayaang muli nilang kontrolin ang buhay ko.
"Hangga't maaga pa Scarmey, umalis ka na sa school na iyon. I'm welling to take you with me," saad niya.
Bahagya akong umiling sa sinabi niya. Kaya napansin kong natigilan siya.
"No, tita I want to stay," seryoso kong sabi.
"But--"
"It's okay tita," pigil ko sa sasabihin niya.
"I know what to do," muling sabi ko.
Napabuntong-hininga siya.
"Okay, naiintindihan kita. I'm still here to help you, to find your family."
Ngumiti siya saka siya lumapit sa akin at niyakap ako. Napayakap na rin ako sa kanya. Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala ko siya.
After naming mag usap ni tita ay umalis na rin siya at laging sinasabi na mag ingat ako. Pinangako ko sa kanya na mag iingat ako dahil na rin sa kagustuhan ko. Ngayon iba na ang nasa isip ko, maghihigante ako dahil sa ginawa nila sa akin. Napangisi ako sa naisip ko at naalala ang grupo ng dark monarch. Hmmm, mukhang maganda kong makikipaglaro ako sa kanila.