A mother's love

1030 Words
          THIRD PERSON POV Blag! Halos mapatalon si Shan sa pagkagulat, nang hampasin ng kanyang ina ang mesa na nasa pagitan nilang dalawa. Seryoso itong tumingin sa kanya. "I told you, stop running away of your bodyguards. Bakit mo ba ako sinusuway?" galit na sabi nito sa kanya. Siya si Dhrevey Sharlette Sandellan-Alcantara. Ang babaeng kinakatakutan ng mga nakakakilala sa kanya sa mundo ng mafia. Maging pinapatakbo nitong negosyo sa pilipinas at sa ibang bansa. Kilala siya bilang isang mahigpit na tao. Lalo na sa sekretong organisasyon na pinamumunuan nito; ang Acapella at Mafia-Assassin. "M-Mom, I just want to freshen up. Pakiramdam ko kasi nasasakal na ako sa mga nagbabantay sa akin. Mom, kaya ko naman ang sarili ko eh, hindi mo na ako kailangang bigyan ng mga bodyguards," depensa naman ni Shan sa kanyang ina. Napasinghal ito sa sinabi niya at napatayo mula sa pagkakaupo nito. Sakto namang dumating ang lolo ni Shan. Tiningnan silang dalawa nito. "What's going on here?" tanong nito sa kanila. "This little brat, he always running away of his bodyguards again. Shan, you know that, even if you can protect yourself. Hindi mo pa rin masasabi kung kailan ka aatakihin ng kalaban, naiintindihan mo ba ako?" mahinahon na niyang sabi sa anak. Hindi naman nakasagot si Shan at umiwas na lamang nang tingin dito. Nais niya pa sanang magsalita pero nawalan na siya nang lakas upang mangatwiran dito. Napabuntong-hininga ang kanyang lolo sa nangyayari. "Shan, your mom is right. Just let her protect you with those bodyguards. I trust you, but still we need to protect you. Understand?" sabi naman ng kanyang lolo. Hindi na sumagot pa si Shan at iniwan na lamang niya ang mga ito. Hinayaan naman siyang makaalis ng kanyang ina. Pagkaalis ni Shan ay saka lamang napaupo si Dhrevey at bahagyang napapikit. Lumapit naman sa kanya ang kanyang ama. "Dhrevey, hindi habang buhay na gawin mo iyon sa kanya. He needs to be normal person. He can protect his self," wika ng kanyang ama. Napadilat si Dhrevey at napatingin sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. "Dad, I want a normal life before, but it's hard. We can't live a normal life, if we born in this kind state. Nasa dugo na natin na maging ganito. Nasa panganib tayo lagi. Nawala na sa akin si Dhreammy, ayokong mawala rin sa akin si Shan. Kaya ko siya hinihigpitan ay para rin iyon sa kaligtasan niya. We already lost someone, dad. I don't want to happened again. I can't lost any of you," naiiyak na sabi ni Dhrevey sa kanyang ama. Napabuntong-hininga naman ang ama niya at napatango sa kanya. Niyakap siya nito at ganoon rin siya. "Me too. I don't want to lost someone again," sabi nito. Hindi nila napansin na nakatingin lang sa kanila si Shan. Napabuntong-hininga na lamang siya at tuluyan nang iniwan ang dalawa. Matapos mag usap ni Dhrevey at kanyang ama ay pumasok na rin siya sa kwarto niya. Nang nasa kwarto na siya at bigla niyang nasulyapan ang isang litrato na nasa maliit na mesa, malapit sa kanyang kama. Naglakad siya patungo doon at kinuha ito. Marahan niyang hinaplos ang larawan na naroon. Ang larawan nilang dalawa ng kanyang ina na si Scarlette. Pumatak mula sa kanyang mga mata ang luha patungo sa hawak niyang litrato. Biglang nanikip ang dibdib niya habang inaalala ang lahat na kasama niya pa ito. "Mom, I'm really sorry. I disappointed you. I lost you because of my weakness. I lost him, because I trusted him. I lost her, because I'm not there to protect her. I lost all of you because of me. I tried my best to be strong, but still I'm weak. I can't stand my weakness. I'm so sorry," umiiyak niyang sambit at niyakap ang larawan na naroon. Patuloy siya sa pag iyak, hanggang sa naging mahinahon na siya. Ibinalik niya ang larawan at muli itong tiningnan. "But even if I'm weak. I don't want to give up. I will move forward to protect those who still there for me. I will fight my right. And I know, I can find her. I will, mom," nakangiti na niyang sabi habang hinahaplos ito. Tumayo siya at naglakad patungo sa balkonahe ng kanyang silid. Tahimik niyang minamasdan ang madili na gabi. Hanggang sa bumalik sa alaala niya ang sandaling nakilala niya ito. Ang sandaling nakasama niya ito at tinulungan siyang lumaban. Iyong mga oras na ipinaglalaban niya ito sa kanyang pamilya. Ang taong minahal niya nang lubos, ngunit sa bandang huli ay sinaktan siya. Kahit na sinabing wala na ito ay pakiramdam niya ay nasa paligid lamang ito at pinagmamasdan siya. Ito ang ugali nito noon, ang pagmasdan siya sa malayo. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya, kung sakaling buhay pa ito. Ngunit isa lamang ang masisiguro niya sa ngayon. Galit. Galit ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang buhay pa ito. Galit na maaari nitong ikamatay dahil sa sakit na iniwan nito sa kanya. Labis ang kanyang paghihirap nang mawala ang kanyang ina. Sumunod pa ito na sinaktan siya at iniwan. Dumagdag pa ang pagkawala ng kakamaba ni Shan na si Dhreammy. Kaya sakit at poot ang nasa isip niya ngayon. "Naniniwala ako na buhay ka pa, Charlie. Siguraduhin mo lang na nag iingat ka at hindi ka magiging sagabal sa mga plano ko. Dahil talagang ako ang papatay saiyo at kahit kailan, hindi ko ipapakilala saiyo ang iyong kambal na anak. Kung sakali mang malaman mo kung sino sila, hindi ko rin sila ipapahawak saiyo. Kahit isang hibla ng buhok nang kambal ay hindi mo mahahawakan. Dadaan ka muna sa bangkay ko, tandaan mo iyan, Charlie," mariin niyang sambit sa kawalan. Kasabay ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Naikuyom pa niya ang kanyang kamay at napapikit. Matapos niyang mangmuni-muni ay naglakad na siya pabalik sa kanyang kama at humiga. Nanatili pa ring dilat ang kanyang mga mata, habang nakatingin sa kisame ng kanyang silid. "Sweetie, I know you're alive. We will meet soon, wait for me my baby. I always love you, my daughter," sambit niya at ipinikit ang kanyang mga mata. Tuluyan na siyang nakatulog, habang may bahid ng luha ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD