"Ang dami talagang tao dito kapag hapon na," narinig kong sabi ng kasama ko, habang nakaupo kami mga upuan na nasa gilid.
Mula sa jeep kanina, bigla na lang niya akong hinila at sinabing samahan ko na lang daw siya total dito rin naman ang punta ko. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Hindi na lang ako kumibo sa kanya at nanatiling tahimik. Ngunit mayamaya ay muli siyang nagsalita.
"Lagi ka ba dito?" tanong niya sa akin.
Bumaling ako sa kanya.
"Minsan lang," sagot ko.
"Uhmm ako, lagi ako dito. Gusto ko kasing maraming nakikitang tao at masayang nakangiti sa mga kasama nila. Haha! Gusto ko iyong may nakikita akong nakangiting mga tao na parang napakasimple ng buhay nila. Nakakainggit nga eh haha!" sabi niya habang tumatawa.
Bahagya ko siyang tinitigan. Mukhang may pinagdadaan ang isang ito, kahit na mukhang masayahin naman siyang tao. Well, he's right. Maganda naman talagang tingnan, iyong nakikita mo ang saya sa bawat taong nakangiti. Maging ako ay napapangiti rin naman, habang nagmamasid lang.
"Hays, sana makita ko na ang ngiti niya," mahinang sabi niya.
Naramdam ko ang lungkot sa sinabi niya. So, may pinagdadaanan nga siya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, sa halip ay nagtanong ako ng iba.
"What's your name anyway," pag iiba ko nang usapan.
Napaangat siya nang tingin saka ngumiti. Ayan na naman iyong feeling na pamilyar siya sa akin. Hays!
"I'm Shan, you are?" pakilala niya at iniangat ang kamay sa akin.
"Scarmey," sagot ko naman at tinanggap ang kamay niya.
Bahagya akong natigilan at napatingin sa kamay naming dalawa. Bakit parang may kakaiba sa kamay namin, something familiar. Mukhang maging siya natigilan kagaya ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko, ngayon ko lang siya nakita at nakilala pero iba na ang epekto niya sa akin. Mukhang ganoon rin ang nararamdaman niya sa akin.
"Master Shan!"
Bigla siyang napabitaw sa kamay namin at napalingon sa taong palapit sa amin.
"Master Shan, kanina pa namin kayo hinahanap baka pagalitan na naman kayo. Pakiusap po sumama ka na sa amin," sabi ng lalaking naka-black suit.
Napatingin ako sa likod niya, may dalawa pang naka-black suit na lalaking nakatayo sa isang Kotse.
Master?
Nagtataka naman akong nakatingin kay Shan, dahil sa itinawag nito sa kanya.
Ibig sabihin mayaman pala ang lalaking ito? Tumingin ako kay Shan, napakamot siya sa batok niya at nag aalangan kung sasama ba siya o hindi sa mga ito.
"Ahm give me 10 minutes, "sabi niya at tumingin sa paligid.
"Kakain lang ako ng ahmm Ice cream! Sandali lang talaga butler Gin," muling sabi niya dito at bahagya akong hinila papunta sa nagtitinda ng ice cream.
Wala akong nagawa kundi nagpahila na lang sa kanya. Bumili siya ng dalawa para sa amin. Napatitig na lang ako sa ice cream na hawak ko, habang siya nakangiting kumakain. Niyaya niya akong bumalik sa inupuan namin kaya sumunod ako.
"Masarap no? Haha iyan lagi ang binibili ko dito, kahit marami naman sa mansion masarap kasi," sabi niya habang sarap na sarap sa kinakain niyang ice cream. Kahit na naguguluhan ako sa ikinikilos niya ay hinayaan ko na lang siya sa kanyang gusto. Dahil pakiramdam ko doon din ako nasisiyahan. Ewan ko ba talaga at ganito ang nararamdaman ko sa kanya.
"Masaya kasi dito maraming tao, samantalang sa mansion ako lang mag-isa," malungkot niyang sabi habang nakatingin sa kinakain niya.
"Well, siguro," tanging sabi ko at kumain na din. Dahil wala akong masabi at ngayon ko lang naman siya nakilala.
"Hays, kaya ko naman sarili ko pero kailangan parin nang may nag babantay sa akin. Masyado talaga siyang paranoid," nakanguso niyang sabi.
Bumaling ako sa kanya.
"Sino?" tanong ko.
Feeling close lang ang moment ko. Kanina pa kasi siya nagsasalita, samantalang nakikinig lang ako sa kung anong sinasabi niya.
"My mom. Well, nice meeting you Scarmey. I need to go. Baka pagalitan na naman ako Haha!" paalam niya sa akin at tumayo.
Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.
"Nice meeting you too, Shan," tugon ko sa kanya.
"See you again," sabi niya at naglakad na papunta sa sasakyan na naghihintay sa kanya. Pumasok na siya sa kotse, bago maisara kumaway pa siya sa akin. Kaya kinawayan ko na rin siya bago sila umalis.
Napatingin na lang ako sa kotseng papalayo. Why do I feel like he's familiar to me. Did we meet before?Napailing ako. Maybe, we meet. Ngunit anong magagawa ko? I lost my memory and I didn't know how long I've lost it.
Napabuntong-hininga ako saka tumingin sa paligid. Hindi ko alam kung ilang taon ako nakulong sa laboratoryong iyon. Kung may alaala ba ako noong bata ako. Kung sino ang magulang ko. May kapatid ba ako? May naging kaibigan ba ako? Sino-sino ang mga kababata at naging kalaro ko. Isang simpleng bata lang ba ako? O anak ako ng isang nakakataas na tao.
Who really I am.
Binuksan ko isa-isa ang mga impormasyon ng gang nina Candice.
Ang Dark Monarch. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa kanila kung ano sila pero gusto ko pa rin silang kilalanin. Baka may makuha akong iba pang impormasyon.
Sisimulan ko muna sa rank 8.
Beatriz Mondragon.
A youngest daughter of Mr.@Mrs.Mondragon. One of the successful owner of a company. May dalawa pang nakakatandang kapatid na lalaki na pareho nang may trabaho sa bawat negosyo ng mga ito. An also a council of an Organization and mafia group.
Mariin kong binabasa ang bawat impormasyon nila. Well, lahat sila anak mayayaman. Higit sa lahat, kabilang sila sa isang mafia.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng Mafia pero alam ko kung ano ang Gangster. Mukhang mas malakas pa ito sa Gangster.
Ngunit higit sa lahat, naging mas interesado ako kay Francess. Dahil ang tanging nalaman ko ay isa siyang Heir ng mga Montemayor. 'Yun lang ang nakalagay sa impormasyong nakuha ko. Hmmm,
Well, siguro marami pa akong malalaman tungkol sa kanila. One of this days. Pinag aralan ko pa ang impormasyon na akong nakuha, bago ako tuluyang nagpahinga.
Kinabukasan, pagpasok ko pa lang sa Campus nakaramdam na agad ako nang kakaiba na tila may mangyayari. Napailing na lang ako at lumabas sa kotse. Nasa lobby na ako nang kusang mapahinto ang mga paa ko, dahil sa apat na babaeng nakatayo mismo sa harapan ko. Walang ni isa sa kanila ang tumabi kaya napatingin na lang ako sa kanila.
"You are the new student right?" mataray na tanong nang nasa gitna, na may suot pang bunny headband na kulay red.
Mukhang siya ang leader ng grupo.
"Ahm yes," sagot ko habang nakatingin sa kanila.
"Anong kailangan niyo?" mahinahon kong tanong. Tumaas any mga kilay nila nang tingnan ko sila.
"We heard the rumors yesterday, about you and Lendon," wika nang katabi noong naka-bunny headband.
"Wala kami kahapon, kaya hindi mo kami nakilala. We are here to tell you something," seryosong sabi ni bunny girl.
Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya. Mukhang sila ang tinutukoy nina Candice kahapon, na isang grupo din at ang leader nila eh iyong tinatawag na queenbee. Tss!
"Don't try to be close with them or else," nakataas-kilay niyang sabi.
"Magiging kalaban mo kami, Ms.Tranferee," seryoso niyang sabi at tiningnan muna ako bago tumalikod.
Sumunod naman ang kasama niya, na nakataas kilay pang tumingon sa akon at tumalikod na rin.
Nang makalayo na sila, napabuntong-hininga ako. I don't care anyway. Wala naman akong dahilan para sundin sila. Sino ba sila sa inaakala nila? Nagsimula na akong maglakad, nang maramdaman kong may sumabay sa akin.
Kaya napatingin ako sa tumabi sa akin.
"Hi," nakangiti niyang bati sa akin.
Si Candice.
"Don't mind what they say. Lagi naman nilang sinasabi 'yun sa tuwing may bago dito," wika niya habang kasabay kong naglalakad. Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya.
"Yeah, wala naman akong pakialam sa kanila," tanging sagot ko.
"You are so mysterious too me. Haha! Like your hiding something," sabi niya.
Bumaling ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangisi sa akin. Napangisi rin ako sa reaksyon niya
"Yes, I'm hiding something," sabi ko.
"But it doesn't concern you." dagdag ko pa.
Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. Sa tingin ko hindi siya kumbinsido sa sinabi ko, kaya idinaan na lamang niya sa pagtawa.
"Well, I know, but are you ready for tommorow?" pag iiba niya nang usapan.
Napatigil ako sa paglakad saka tumingin sa kanya. Nagtatanong ang mga tingin ko sa kanya. Bakit ano bang mayroon bukas?
"Anong mayroon bukas?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"It's for all gangster. Every friday, they we're having a gangster fight in the Gangster place and also friday is killing day. Pwedi kang pumatay sa araw na iyan kung sino ang gusto mong patayin o kung sino ang papatay saiyo. Kung wala ka namang papatayin. Puwedi kang manood nang laban pero ang mangyayari lang sa gangster place ay laban. Sa kung sino ang maglalaban at magpapatayan sa gitna. Walang patayang mangyayari sa mga nanonood lang. May parusa sa council kung sino man ang lalabag sa patakaran. Maaari lamang pumatay ang mga manonood sa labas ng gangster place, if it's friday," paliwanag ni Candice sa akin
Napatango ako sa sinabi niya at nagsimula ulit maglakad. Hmm, so kailangan kong mag ingat bukas baka mamaya may papatay sa akin. Malay ko di ba? Baka bigla na lang akong tambangan sa nilalakaran ko.
"Pero kung nasa labas ka ng academy, pwedi kang pumatay tama?" walang emosyong sabi ko.
"Yes," agad niyang sagot.
Napangisi ako at napatango sa naging sagot niya.
"Why? Are you trying to kill someone?" seryoso niyang tanong.
Ako naman ang natawa sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya nang nasa tapat na kami ng room. Tinapik ko siya sa balikat.
"Don't worry Candice, I'm not here to kill someone, or planning something in your teritory. I'm here just to have fun and discover something new. I'm not here to be your enemy. So don't worry," sabi ko saka pumasok sa room.
Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. Kaya hindi ko na siya tiningnan.
I'm not planning anything, but I will do anything to discover something about this school.