Being close

1404 Words
  Matapos kong makasabay sina Candice kanina ay nagpaalam na ako sa kanyang mauna na. Matapos kong magpakilala kanina ay hindi na nila ako binigyang pansin at mabuti na rin iyon, para wala na silang masabi sa akin. Ngunit ang tingin ni Franciss sa akin ay nararamdaman ko. Kahit hindi niya sabihin ay talagang naghihinala siya sa akin. Well, I don't care anyway. Wala naman sa plano ko ang gumawa nang gulo dito. Ngunit kung may nais man na manggulo sa akin ay talagang papatulan ko. Sa ngayon, kailangan ko munang umiwas sa gulo upang makilala pa silang mabuti. "Hey, Scarmey!" Napahinto ako at lumingon sa lalaking nakasabay ko. Galing kasi ako sa locker at nilagay ang ilang gamit ko. Nakakatamad kasing magdala kaya iniwan ko na lang doon. Nakilala ko siya. Siya si Lendon na nagpakilala kanina. "Uhm hai," naiilang na bati ko sa kanya. Nakangiti pa siyang nakatingin sa akin. "Sabay na tayo huh, total classmate naman tayo," sabi niya at napakamot pa sa batok niya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Cute. He's cute anyway. "Okay," sagot ko na lang. "Ahmm Scarmey, alam mo naman sigurong gangster kami kaya tatanungin kita. Gangster ka rin ba? Iba kasi ang aura mo sa amin eh," tanong niya sa akin. Bahagya pa akong natigilan. Ang lakas naman ata nang pakiramdam nila. Sabagay ganyan naman talaga siguro, kapag isang gangster. Will, hindi ko sinasabing lahat ay ganyan. Nasisiguro kong dumaan din sila sa training katulad nang ginawa sa akin ni ma'am Audrey. "Well, I'm not a gangster." sagot ko, "also I don't have a gang group," pag amin ko dahil wala naman talaga. Iniisip ko pa lang kung sasali ba ako sa isang grupo o bubuo ng sariling grupo. Napatigil siya sa paglakad at tiningnan ako nang mabuti saka umiling. "Hindi ako naniniwalang hindi ka gangster," napapailing na sabi niya. "malakas kasi ang dating mo sa amin." Bahagya akong napangisi sa kanya at hinarap siya. "Hindi kita pipiliting paniwalaan na hindi ako gangster. I don't need to prove my self," sabi ko at muling naglakad. Hinabol niya ako at sumabay sa akin. Napansin ko kaagad na may napapatingin sa gawi namin, na tila ba nagtataka kung bakit ko kasama at kausap si Lendon. Napailing na lang ako. Bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin. "Okay, Okay whatever, pero may kakayahan ka bang lumaban?" Muli niyang tanong. Ang kulit din ng isang ito, sinusubukan niya ba ako? Tssss! "Try me," hamon ko sa kanya. Napahinto siya kaya huminto din ako. Mukhang hindi niya inaasahan ang panghahamon ko sa kanya. Seryoso lang siyang napatingin sa akin Napansin ko kaagad ang balak niyang gawin kaya. Bogsh! Tumilapon ako bigla nang suntukin niya ako at hindi namin napansin na nasa tapat na kami ng room namin. Kaya deretso akong napahandusay sa sahig sa ginawa niyang pagsuntok sa akin. "Oh my ghad!" "Hala! What happen to her!" Kanya-kanyang reaksyon ang narinig ko sa nangyari. Naramdaman kong may lumapit sa akin at hinawakan ako. "Scarmey, what happen?" nag aalalang boses ni Candice ang narinig ko. "s**t! Bakit hindi ka umiwas?" boses ni Lendon na lumapit sa amin. Napahawak ako labi ko. May nahawakan ako, dugo. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. "So, alam mo na?" saad ko kay Lendon. Napahilamos siya ng mukha at inis na umalis sa harap ko. Itinayo ako ni Candice. "Anong nangyari sa inyo ni Lendon?" nagtatakang tanong ni Candice sa akin. "Nothing, she just want to prove something," sagot ko at bumaling sa gawi nina Lendon, na kinakausap ngayon ng kaibigan niya. Napansin kong sa akin nakatingin si Francess. Mariin niya akong tinitigan, kaya ako na ang umiwas nang tingin at naglakad papunta sa upuan ko saka ako umupo. Palihim akong napangisi, saka ko na ipapakita ang kakayahan ko sa tamang oras. Kailangang isipin muna nila na mahina ako. Mayamaya pumasok na ang next teacher namin at nag simulang mag discuss. Pinapakiramdaman ko lang sila at wala naman silang ginawang kilos sa akin.     Nang matapos ang lahat nang subjects ay uwian na. Naglalakad ako papunta sa parking lot, nang makasabay ko si Lendon. Napatingin siya sa akin tila ba naiilang. Hindi ko siya pinansin, ngunit tila hindi siya makatiis na hindi ako kausapin. "Ahm Scarmey," tawag niya kaya huminto ako at bumaling sa kanya. Tiningnan ko siya. Hinintay kong ano man ang nais niyang sabihin. Napakamot siya sa batok niya. "Ahm sorry pala kanina," hinging paumanhin niya. "Bakit ko ba kasi ginawa iyon, tsk!" padabog niyang sabi at napahilamos sa mukha. "Ayos lang," tanging sabi ko. Nagsimula akong maglakad, sumunod naman siya sa akin. Nararamdaman kong may gusto pa siyang sabihin sa akin. "Nga pala, p-pwedi ba tayong maging magkaibigan?" biglang sabi niya. Napataas ang kilay ko at bahagyang napalingon sa kanya. Tinitigan ko siya. Seryoso ba siyang maging kaibigan ako? Bigla akong natawa sa kanya. "Baka mamaya pag naging magkaibigan tayo. Maraming gustong patayin ako sa inis. Sa tingin pa lang ng mga babae kanina, halos gusto na nila akong tirisin eh," natatawa kong sabi sa kanya. "Huwag kang mag alala, I'm here to protect you," nakangiti niyang sabi at sumaludo pa sa akin. Napailing ako. "Whatever," sabi ko saka huminto sa kotse na nasa harapan ko at binuksan ito. "Basta huh, kaibigan na kita!" Narinig kong sigaw niya, kaya napailing ako saka ko pinaandar ang kotse paalis. He's nice and I can feel it. Iba siya sa mga kasamahan niyang lalaki. Sa tingin ko pala-kaibigan siya at palagay ang loob ko sa kanya. Ngunit kailangan ko pa rin mag ingat sa mga dapat kong gawin, habang nasa loob ako ng university.     Binagsak ko ang aking katawan sa sofa, nang makarating ako sa condo ko. Pinikit ko ang mga mata ko at napabuntong-hininga. Ang daming nangyari sa araw na ito. Hindi ko aakalaing may makikilala agad ako na may nais na maging kaibigan ako. I don't know but, something strange. Tila ba hindi tamang nakilala ko sila. Maybe, it's my destiny to meet them. Pwedi ko silang gamitin sa nais ko. Makikigulo sa mundo nila. Habang hinahanap ko ang family ko. Alam kong walang patutunguhan itong ginagawa ko at nilalayo ko lang ang sarili ko. Sa kagustuhang mahanap ang pamilya ko pero may isang bagay na tila ba gusto ko munang makipaglaro. Kung anong klaseng Gangster school ba ang Monte University. Kung paano sila kumilos sa paraang mayroon sila. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kwarto para makapagbihis. Gusto kong lumabas o sa madaling salita gumala. Para naman makalasap ako nang hangin.     KAsalukuyan akong nakasakay sa Jeep. Well, trip ko lang minsan na sumakay sa jeep kahit alam kong siksikan ito lalo na ngayon. Pilit kong inaalis ang atensyon ko sa katabi kong lalaki na kung makadikit, eh tila gusto nang makipagpalit ng balat sa akin. Hindi naman siya mukhang manyak, sadyang siksikan lang dahil sa daming sakay. Wala sa mukha niya ang pagiging manyak, dahil nakita ko pa ang mukha niya kanina noong sumakay siya. Napakadesente niyang lalaki at mukhang nagmamadali siya kanina na tila ba may tinatakasan. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa huminto ang jeep sa tapat ng mall, kaya lumuwag na ang jeep. Akala ko baba na ang katabi ko pero hindi pala. Napabuntong-hininga siya na tila nakahinga nang maluwag. Napatingin siya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kanya. "Hai miss," nakangiti niyang bati sa akin. Bahagya akong natigilan nang makita ang ngiti niya. Hindi agad ako naka-react sa kanya. Naramdaman ko ang pag andar ng jeep at pagwagayway niya sa kanyang kamay malapit sa mukha ko. Kaya napakurap ako at nailang sa naging reaksyon ko. Napaiwas agad ako nang tingin sa kanya. "Ang gwapo ko no? Haha! Alam ko 'yon," nakangiti niyang sabi. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang. "Saan ka bababa?" biglang tanong niya sa akin. "Sa may Park lang," naiilang kong sagot. "Oh! Doon din ako, sabay na tayong bumaba," nakangiti niya paring sabi. Hindi ko alam pero biglang nawala ang ilang ko sa kanya, na tila ba gumaan ang loob ko sa kanya. Wala sa sariling napatango na lang ako sa sinabi niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ganito? Bakit pakiramdam ko may bahagi sa aking pagkatao na.... biglang nabuksan. Palihim akong napasulyap sa kanya. Naroon pa rin ang ngiti sa mga labi niya, na mas lalong ipinagtataka ko. Who is this guy? Why I feel strange about him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD