Meet the Dark monarch

1608 Words
   "Hey, Scarmey!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Candice na naglalakad sa likod ko kaya hinintay ko siya. Break time na kasi, kaya tinutungo ko ngayon ang Cafeteria para makakain ako. Nagugutom na rin kasi ako. Ngumiti siya sa akin nang makalapit na siya. "Total, bago ka lang dito. I will be your tour guide," nakangiti niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya at mukhang hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niya. "You know what, I don't need someone to be my tour guide. Lalo na kung ikaw, maaabala pa kasi kita," nakangiting sabi ko sa kanya. Tumabi siya sa akin. Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay niya, dahil sa sinabi ko saka sumimangot. I admit she is cute, ah no! She's beautiful. "Ano ka ba! Okay lang 'yon!" natatawang sabi niya sa akin. "Ganoon? Tsss, alam ko namang hindi talaga pag t-tour ang gusto mo," nakangisi kong sabi. Napangisi siya sa sinabi ko. Dahil mukhang nakuha niya ang pinupunto ko. Magaling din ito ah. "Well, okay your right. Let's go, dito ang cafeteria," anyaya niya sa akin at naunang naglakad. Sumunod na lang ako sa kanya, habang napapailing. Alam ko namang gusto lang niyang makakuha ng impormasyon para makilala ako. Kaya naman, kailangan kong mag ingat sa mga taong makikilala ko dito. Nang makarating kami sa cafeteria. Marami nang naroon pero mukhang may table na siya dito. Kaya pinaupo niya ako sa table na tinuro niya at siya na ang nag order ng pagkain namin. Ililibre na lang raw niya ako dahil ayaw kong magpa-tour guide sa kanya. Tsss, hindi naman ako bisita para asikasuhin niya sa paglilibot sa school na ito. Kaya ko namang mag isa at mas magandang ako na lang para malaman ko kung ano pang mayroon sa school na ito. Habang hinihintay ko siya. Doon ko napansin na pang-walohan pala ang table na napili ni Candice. Nagtataka ako. May napansin naman akong pang dalawahan sa dulo pero ito 'yong napili niya. Hmmm, bakit kaya? Nilibot kong muli ang tingin sa paligid, nang mapansin kong may napapatingin dito sa gawi ko. Hinayaan ko na lang, ganito siguro dito kapag bago ka pa lang. Masyadong mainit ang mga mata sa bagong salta na tulad ko. Ganyan naman lagi sa mga paaralan, para kang artista na titingnan at kikilalaning mabuti. Idagdag pa na halos ang nag aaral dito ay mga anak ng gangster. "Hey, what are you doing here at our table?" Napalingon ako bigla sa gilid ko. Hindi ko napansin na may tao pala dito. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakataas ang kilay, maging ang isa niyang kasamang babae. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanila, dahil hindi ko naman sila kilala. "Maybe you are a new student here?Kaya hindi mo alam na may nagmamay ari sa mesa na ito," mataray na sabi naman ng isa pang kasama nang babaeng kaharap ko. "Ahh sorry, I didn't know about that. Lilipat na lang ako," sabi ko. Akmang tatayo na sana ako, nang mapansin ko si Candice na nilapag ang dala niyang pagkain sa mesa kung nasaan ako. Tumingin siya sa akin. "Where are you going? Sit down," sabi niya sa akin. Nagtataka naman akong napapatingin sa kanila. Bakit parang may kakaiba dito ngayon. "Candice? What this?" tanong nang babaeng nasa gilid ko. Napatingin si Candice sa dalawang babaeng nasa gilid ko saka umirap sa mga ito. "What? Is it obvious that she's with me? Scarmey.." Baling niya sa akin, "sit down I'm starving," sabi niya at umupo sa tabi ko. Wala sa sariling napaupo na rin ako. Binigay niya sa akin ang in-order niyang pagkain. "Tsss!" Napansin ko namang inis na umalis ang dalawa, mukhang oorder sila ng pagkain nila. Sa tingin ko, hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Candice sa kanila. "Don't mind them," narinig kong sabi ni Candice, kaya lumingon ako sa kanya. "Who are they?" nagtatakang tanong ko. "Well, the girl who's behind you earlier is my Cozen, Marga. At iyong kasama niya si Beatriz. They are my Gangmates O should I say, isa silang gangster," pakilala niya sa mga ito. Natingilan ako at bahagya akong napatango sa sinabi niya. Kaya pala ganoon sila kung umasta. Medyo mabilis din sila at hindi ko masyadong naramdaman ang presensya nila kanina. "I wonder, why we are here at this table. Pang-walohan ang napili mo," nagtataka kong tanong sa kanya. Sumubo siya ng pagkain niya bago sumagot. "Well, Obviously this table is for us. Walo kaming membro ng gang, kaya dito kami sabay kumakain. Hindi pweding mag iba ang isa. Kailangan dito kami sabay-sabay," paliwanag niya. "Kung ganoon, bakit pinasabay mo ako dito?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Dahil gusto ko saka wala silang magagawa kung sino ang isasama ko dito," saad niya. Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya. Mukhang napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya kaya napabuntong-hininga siya. "Okay, bago sila dumating sasabihin ko kung sino-sino kami. Sa gang namin bawat isa may ranking. Rank 1 is, Franciss Riev Montemayor Amonte. Anak siya ng may ari ng school na ito. Tahimik lang siya pero magaling makipaglaban at medyo masungit sa iba. Siya ang king sa Gang namin. Rank 2, Cristofer Montemayor De silva, pinsan siya ni Franciss at kapatid siya ng dean ng school na ito. Magaling din sa pakikipaglaban. He's a prince in our gang and a brat one," paliwanag niya. Napatango ako. Mukhang kilala ko na kung sino iyong lalaking nakabusangot kanina. Maging iyong sinasabi niyang kapatid ng dean, dahil nakita ko iyon kanina sa dean's office. "Rank 3, Lendon Martinez. Isa ang parents niya na stock holder ng school at council ng Gangster place. Magaling din sa pakikipaglaban. He's also a prince of this school. Rank 4, well its me. I'm the first princess of the gang. Isa din sa council dito ang parents ko. Hindi ko na sasabihin ang kakayahan ko malalaman mo rin," nakangisi niyang sabi. Napatango ako at pinapakinggan ang mga sinabi niya. Mabuti na rin iyon para naman malaman ko kung sino-sino ang mababangga ko sa school na ito, para maging handa ako kung sakali. "Rank 5, is Kirk Agustin. Just like us, his parents is also a one of the coucil. He's a prince too. While rank 6, is Tyrone Lee. Also his parents are part of the council, a prince too. Then Marga De leon, my cousin. She is rank 7 and Beatriz Mondragon, rank 8. They are a princess just like me. Membro din ng council ang parents nila, and our gang name was Dark Monarch. Kilala ang gang namin sa kahit saan. Lalo na sa mga kalaban naming Gang din At ang mabigat na kalaban ng Gang namin ay ang Legend killers. They are from a Mafia Assassin Organization," muli niyang sabi. Bahagyang napataas ang kilay ko dahil sa huli niyang sinabi. Legend killers? Mafia assassin Organization? Kalaban nila iyon? "Organization?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Isang grupo ng malalakas na tao, na may kapangyarihan sa gobyerno." Nabaling ang atensyon ko sa bagong dating. Sa pagkakakilala ko, sila sina Beatriz at Marga. Si beatriz ang nagsalita sa kanila. Lumapit sila sa amin at umupo sa bakanteng upuan na kaharap namin. "Talagang nagkwento ka pa sa kanya kung sino tayo eh no?" matary na sabi ni Marga kay Candice "Whatever," sagot naman ni Candice at umirap pa dito. Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsigawan ang mga babae dito sa cafeteria. "Kyaah! Girls they are here!" "Oh my god! I'm gonna die!" "My baby Cris! Waah!" "Prince Lendon I'm here!" "My loves, Kirk!" Sabay kaming napalingon sa entrance, dahil sa ingay na nagmumula rito. Mukhang alam ko na kung sinong pinagkakaguluhan ng mga ito. Nandito na ang bagong version ng F-4 sa school na ito. Ang lalaking membro ng gang ni Candice. "Tsk! Ang lalandi talaga mga higad dito," mataray na saad ni Beatriz. "Sinabi mo pa," napapailing naman na sabi ni Marga. "Mabuti at wala dito 'yong queen bee. Mas lalong iingay ang paligid tsk! Nakakasuka tuloy," pairap na sabi ni Candice. Hindi na ako nagsalita pa at kumain na lang ako. Ayokong magsalita dahil wala naman akong sasabihin. Mayamaya pa isa-isa itong umupo sa harapan namin. "Hays, ang pogi ko talaga!" sabi ng unang umupo. "Gago! Mas malakas ang tilian nila ng pumasok ako," sabi naman noong pangalawa. "Sus, mas nang ingay sila sa akin! Ang gwapo ko kaya," sabi naman pangatlong umupo. "Tsk! Mas maingay pa kayo sa mga babaeng 'yon," sabi noong Cristofer ata, siya ang nakilala ko sa dean's office at ang tinutukoy ni Candice kanina. "Sus, pasalamat ka at wala si Samantha. Mas lalo 'yong mag iingay.." "Huwag mo ngang ipaalala sa akin ang babaeng iyon," inis na sabi ni Cristofer. "Who is she?" Natahimik ang mga ito nang magsalita ang isa nilang kasama. "Itanong mo diyan kay Candice, kasama niya 'yan eh," mataray na sabi ni Marga. Bumaling ito sa akin bago kay Candice. "She is Scarmey. Our classmate, she's a new student," pakilala sa akin ni Candice sa kanila. Muli silang napatingin sa akin at sinuring mabuti. Sinalubong ko ang bawat tingin nila sa akin. Hindi ko pinakitang mahina ako saka ako ngumiti. "Nice to meet you," nakangiting sabi ko sa kanila. Napansin ko ang kakaibang tingin sa akin noong unang nagtanong kung sino ako. Mukhang alam ko na kung sino siya. Dahil tahimik lang siya. Maybe he is Franciss, the king of they're gang. Ang lalaking tinutukoy ni Candice kanina. Sinalubong ko ang tingin niya habang nakangiti pa rin ako. Naramdaman ko naman ang paglipat-lipat nang tingin ng mga kasama namin dito sa mesa. I feel something familiar. The way he looks, something strange. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD