When time fades memory and loved ones are no longer with us, what is left?
Chapter 5
"Tu-tulong. May tao ba diyan?" Mahinang sambit ng isang dalaga na kumakapa sa sahig. Di ito makakita dahil sa dilim na bumabalot sa apat na sulok ng kwarto. Wala itong ideya kung bakit napadpad sya doon ang tanging alam nya lang ay pauwi na sya ng bahay nang biglang may humila sa kanya sa madalim na sulok ng kalsada.
"Hello? Please pakawalan nyo ako dito." Pagmamakaawa ng dalaga. Unti unti narin syang naiiyak dahil wala itong alam kung ano ang nangyayari. Walang takip sa mata o kahit nakagapos na mga kamay at paa ay wala tanging dilim lamang ang nakikita nya.
"Wala naman akong ginagawang masama at sa pagkakatanda ko wala akong kalaban o nakaalitan kaya please pakawalan mo na ako!" Iyak na sigaw nito at nagwawala na. Sinubukan nyang tumayo at libutin ang paligid ngunit wala syang mahawakan maliban na lamang sa isang mesa na tantya nito ay mahaba.
"Tulong! Tulungan nyo ako!" Sigaw nito saka hinampas hampas ang mahabang lamesa.
"Tulong! Pakawalan nyo ako dito!!" Sigaw pa nito. Pagod man ay di sya nawawalan ng lakas upang sumigaw at gumawa ng ingay sa kwarto.
"Tahimik!" Isang nakakakilabot na boses ang narinig ng dalaga mula sa labas ng kwarto kung saan sya nakakulong.
"Palabasin mo ako dito! Tulong!" Sigaw nito ulit saka lumapit sa kung saan nanggaling ang boses. Takot man ay nagawa parin ng dalaga ang suwayin ang utos ng misteryosong tao.
"Kahit ano pa ang gawin mo, kahit sumigaw ka man nang napakalakas ay walang makakarinig sayo o tutulong." Sambit ng misteryosong tao na ikinakaba ng dalaga.
"Please, ayaw ko dito. Tulong!!!" Walang katapusang sigawan at iyak ang pumuno sa madilim na kwarto. Hindi alam ng dalaga kung ako ang naghihintay sa kanya, kung sino ba ang misteryosong tao sa labas at lalong lalo na asan siya.
"Shhh.. makakalabas ka naman dito hindi na ngalang humihinga." Tumindig ang balahibo ng dalaga sa kanyang narinig. Animo'y parang baliw kung tumawa ang tao at walang humpay sa paghampas ng pintuan na iknatakot nya pa lalo.
"Ano ba ang kailangan mo sakin?! Pera?! Meron ako kunin mo na lahat sakin pero please lang pakawalan mo ako dito." Pagmamakaawa nito. Sa sobrang takot ay napaluhod na lamang ang dalaga at napahagulhol sa iyak. Alam nito na di nakikinig ang salarin at walang balak itong pakawalan kaya sa mga oras na iyon ay nananalangin na lang sya na sana may milagrong dumating at mailigtas sya.
"I didn't choose you. Your fate did. Wag kang magalala sa oras na mawala ka sa mundong ito magpapasalamat ka sakin dahil niligtas ko qng mundo mula sa kasalanan na nabubuo sa lupa." Paliwanag ng misteryosong tao. Kahit saang anggulo tignan ay di makuha ng dalaga ang pinupunto niya. Gusto nyang iligtas ang mundo mula sa kasamaaan? Kaya ba papatayin sya ngunit bakit wala naman syang ginawang masama sa sarili o sa mga tao? Yun ang gumugulo sa isip nya ngunit kahit ano paman ang rason nito ay wala syang karapatan na bumawi ng buhay na walang pahintulot sa mismong nagaari nito.
"Nahihibang ka na. Pakawalan mo ako dito!! Tulong!" Wala ng nagawa ang babae kundi ang magwala at sumigaw. Gusto nitong tumakas ngunit di nya alam kung asan sya at di nya alam kung ano-ano ang nasa paligid nya dahil madilim ito sa loob. Ilang minutong pagwawala ay bigla na lamang bumukas ang pinto. Sa sobrang takot at kaba ay napaurong ang dalaga at pumwesto sa lamesa. Mula sa pintuan ay niluwal ang salarin na nakatakip ang mukha gamit ang isang itim maskara at may pulang tinta na nakapalibot sa butas ng mga mata. Di nya ito matukoy kung babae ba ito o lalaki dahil maliban sa naka takip ang mukha ay nakasuot din ito ng isang damit na pang pari ngunit ito ay kulay itim.
"Si-sino ka. Tulong!!" Nagsimula nang magwala ang dalaga at pilit na sinisiksik ang sarili sa pader sa sobrang takot. Gusto nitong tumakas dahil nakaiwang bukas ang pintuan ngunit isang bagay ang pumipigil sa kanya na gawin iyon at yon ay isang mahabang patalim na hawal hawak ng salarin na nagmula pa sa sinaunang panahon.
"Shhh wag kang matakot. Para din sa iyo ito. Isipin mo nalang na tumulong ka sa paglinis ng kasamaan sa lupang ibabaw." Di parin maintindihan ng dalaga ang nais nitong iparating. Unti unting lumalapit ang saralin sa kanya ngunit ang babae ay animo'y di makagalaw na para bang sya ay kinokontrol ng kung ano.
"Oras na maubos na ang mga masasamang tao sa mundo ay babalik na sa dati ang lahat. Matiwasay, tahimik at payapa." Bulong nito sa tenga ng dalaga habang nakapwesto ang patalim sa mismong puso ng biktima.
"Wag please gusto ko pang mabuhay." Pagmamakaawa nito ngunit ngumiti lamang ang saralin. Wala na itong balak pang pakawalan ang biktima. Nagpakahirap itong sundan at pagaralan ang dalaga kaya Hindi pwedeng mapunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.
"Accept your fate." Huling salitang kanyang sinabi sa dalaga bago nya ibaon ang patalim sa puso ng dalaga. Dahan-dahan ngunit ramdam ang sakit at baon nito. Hindi nagawang sumigaw ng dalaga dahil sa gulat at takot kaya ang tanging ginawa lamang nya ay ang ipikit ang mga mata at hayaan ang mga luha na dumaloy sa kanyang mukha.
"Good girl but still.. a bad girl." Sa huling sandali ay kinuha na nito ang patalim na nakabaon sa puso ng dalaga at hinayaan na rumagasa ang dugo nito sa sahig at pati narin sa kamay. Iniwan nitong nakahandusay ang bangkay at tahimik na umalis ng kwarto na may ngiti sa labi.
......
"Cely? Anak bangon na jan." Mula sa labas ng kwarto ay si Ginoong ethan na abala sa kanyang niluluto. Mag aalas syete na ng umaga at di parin bumabangon ang dalaga kaya naninibago ang ginong kung bakit di parin sya lumalabas.
"Celyna." Tawag nito ulit sa anak pero wala syang nakuhang tugon kaya tinigil na muna nya ang paghiwa ng sibuyas at lumapit papuntang kwarto ng anak.
"Cely?" Mahina nitong tawag sabay katok ng pinto.
"Celyna it's not good for your health to wake up late." Paalala nito. Ilang minuto pang paghihintay ay bigla syang nakarinig ng mumunting ingay sa loob.
"Magayos ka na at lumabas jan." Paalam nito saka bumalik na ng kusina. Sa loob naman ng kwarti ay si Celyna na walang gana Kung kumilos at mukhang antok pa ito. Pagod ito kahapon at nagpuyat pa ito kagabi dahil sa mga advance work na ipapasa sa paaralan. Inayos nya ang kama at nagayos narin ng sarili bago lumabas ng kwarto.
"Goodmorning." Bati nito sa kanyang ama.
"Morning. Are you feeling well?" Tanong ni ginoong Ethan sa kanya habang sinasalang ang hatdog.
"I think not. Nilalamig ako and i feel dizzy. May gamot ba tayo dito?" Deretsong sagot ni Cely saka lumapit ng drawer para maghanap ng gamot.
"That's the consequence. Sabi ko sayo lalagnatin ka pero di ka nakinig at nagpuyat ka pa." Sabi ng kanyang ama. Walang balak na sumagot si Celyna dahil una ay kakagising nya lang kaya wala pa sya sa katinuan, pangalawa ay ayaw nyang makipag talo sa ama dahil kahit saang banda ay tama ang kanyang ama.
"You can take the medicine after breakfast. No cellphone allowed and no going out of house till you're ok." Simula palang noom ay ganito ang set-up nila sa tuwing nagkakasakit sya kaya bihira lamang ang dalaga magkalagnat dahil bukod sa di kanain nais kung sya magkasakit dumagdag pa ang mga bawal.
"Yung pinggan pala ni cole, hinahanapan na ba nila?" Tanong ni ginoong Ethan.
"No. Ilagay nyo nalang muna yan jan. Saka na pag hanapin na nila." Dahilan ni cely. Sumandal ito sa headrest ng sofa saka tumitig sa kisame. Napaisip na mukhang sya ang lalagnatin dahil di maganda ang kaniyang pakiramdam. Sumasakit ang kanyang ulo at mukhang sinisipon pa ito.
"Nakapunta ka na po ba sa palengke pa?" Tanong ng dalaga sa ama.
"Palengke? Hindi pa, bakit?" Tanong nito habang sinasalin ang nilutong hotdog.
"May ipapabili sana ako since malapit na yung birthday ko." Simpleng sabi nito. Mas maganda kung maaga ang pagplano. Balak nitong magpaparty sa bahay kaso di pa sigurado dahil di pa nagpapaalam sa ama.
"Hmmm. Siguro bukas o makalawa kailangan ko pang tignan kung ano ang mga kulang dito para isang balikan nalang." Sagot ng kanyang ama.
"Halika na dito ng makainom ka na ng gamot." Yaya nito sa anak. Tumayo nang dahan dahan so Celyna at pumunta na ng hapag kainan. Siguro nga ay lagnat ito dahil matamlay sya. Bumalik din sa kanyang ala-ala ang kanilang pustahan kahapon di nya maiwasan ang pag ngiwi dahil tiyak na pagtatawanan sya ng mga kaibigan lalo na't nangaasar ito kahapon.
"Nga pala, nagusap na ba kayo ng anti Ana mo?" Tango lamang ang naisagot ng dalaga dahil abala ito sa pag kain. Balak sana nitong puntahan ngayong umaga kaso bigla na lamang syang nilagnat. Kung tutuusin ay marami itong bibisitahin na mga kapitbahay lalo na ang pamilya ni Cole. Speaking of Cole, habang sumusubo ng pagkain ay di maiwasan ng dalaga ang ngumiti. Kahapon ay masaya ito dahil para sa kanya parang nakikilala nya ulit ang binata. Masaya ito dahil buong maghapon ay magkasama sila nagtatawanan, nagkekwentuhan at nagaasaran. Balak na nitong umamin kahapon pero may kung ano sa sarili nya na di nya magawa.
"Celyna." Tawag sa kanya ng ama. Bigla naman itong napalingon saka walang ideya na tinignan ang ama.
"Nawala ka bigla." Nagtaka naman si Celyna sa sinabi ng ama. Pano sya nawala eh harap harapan silang kumakain.
"Pinagsasabi mo jan pa hahaha." Sabi nito sabay tawa.
"Kanina pa ako nagsasalita dito akala ko nakikinig ka." Tampo tampuhan nitong sabi. Minsan di mo din talaga masabi kung matanda na ba o bata ang kanyang ama dahil minsan ay nagaasal bata ito minsan naman matanda.
"Ano ba sinasabi mo? Iniisip ko lang kase na malapit na ang araw ng mga patay kaya naalala ko si mama." Palusot nitong sabi.
"Naisip ko din nga iyon. Pag magaling kana dadalawin natin sya para malinisan ang puntod nya." Limang taon na ang lumipas ng mamatay ang kanyang ina dahil sa isang aksidente na di nila inaasahan na mangyari iyon mismo dito sa baranggay nila. Walang may nakaalam kung sino ang salarin. Nakita nalamang ang kanyang ina sa labas ng kanilang bakuran na wala ng buhay. May iilang saksak sa katawan at walang saplot ang katawan.
"Yeah." Yun na lamang ang naging tugon ng dalaga. Kahit limang taon na ang nakalipas ay di parin tanggap ng celyna ang nangyari sa ina. Bata pa sya noon, maagang naulila sa ina. Kung sya ay nahirapan noong nawala ang ina ay mas lalong nahirapan ang kanyang ama. Ilang buwan din syang tulala at walang alam kung ano ang gagawin sa buhay. Sinisisi nito ang sarili na halos di na sya mabigyan ng atensyon at pagmamahal dahil sa pangungulila sa kanyang asawa.
Di na natapos ni Celyna ang kanyang pagkain at tumayo na at dinala sa lababo ang kanyang pinggan.
"Sa kwarto lang po ako." Ikling sabi nito saka tahimik na tinungo ang kuwarto. Hinanap nito ang lalagyan ng gamot saka ito ininum at humiga na ng kama. Napatingala na lamang sya sa kisame at binalikan ang mga panahon na kasama pa nya ang ina. Limang taon nyang tinago at kinimkim ang sakit. Simula noong nailibing sya ay di na nya nasubukan pang ibuka ang bibig. Nagkulong sa kuwarto at di kinakausap ang ama o sino mang nasa paligid nya.
"Fuck." Inis na sabi nito sa sarili sabay pahid ng luha na umaagos sa kanyang pisnge. Masakit parin kahit ilang taon na ang lumipas pero andyan parin ang sakit na matagal nyang tinatago. Napahagulhol sya nang tahimik dahil ayaw nitong marinig ng ama at magalala. Sa tinagal tagal ng panahon na pagiimbestiga ay hanggang ngayon di parin nahuli ang salarin. Walang sino man ang may ideya kung sino ang gumawa dahil wala namang nakaaway ang kanyang pamilya dito o ang kanyang ina. Sa katunayan ay mabait ang kanyang mga magulang. Lahat ng mga tao dito ay malapit sa kanila at matulungin kaya palaisipan parin sa Kanila kung bakit bangyari ang karumal dumal na krimen. Kaya matapos itong ilibing ay napagdesisyunan ng kanyang ama na lumipat ng bahay o manirahan sa syudad. Ngayon na nakabalik na sila dito ay bumalik din ang sakit. Sa kanilang pag balik hustiya ay muling gigising.