bc

Sinister

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
love-triangle
twisted
mystery
small town
betrayal
friendship
secrets
crime
like
intro-logo
Blurb

"Cely! Takbo! Takbo Celyna!" Sigaw ng isang lalaki na hirap na hirap na  sa paglalakad dahil may malaki itong sugat sa tagiliran at punong puno ito ng dugo.

"HAHAHAH! Takbo Celyna. Kahit saan ka pa magtago mahahanap at mahahanap kita." Isang nakakagimbal na boses mula sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Hirap na hirap na sya sa paghinga at masakit narin ang kanyang paa kakatakbo upang makatakas sa taong gusto syang patayin.

"Matagal na kitang hinihintay cely. Ilang taon din akong nagtiis na hintayin ka." Sigaw nito. Tanging takbo na lamang ang ginawa ng dalaga at di na lumilingon pa.

 

Sa kanyang paguwi isang krimen ang nagsimulang mabuhay sa higit dalawang taon nitong pamamahinga. Si Celyna, isang babae na tanging hangad lamang nito ay ang magbakasyon at iganap ang kaarawan ay di inaasahang magiging biktima ng kamatayan. Sa kanyang pananatili sa lugar na kinalakihan ano nga ba ang naghihintay sa kanya? Tapat nga ba ang mga taong nakapaligid sa kanya? Kabilang nga ba sa mga kaibigan nya ang salarin na gusto syang patayin? Mapagkakatiwalaan ba ang mga taong pumoprotekta sa kanya?  Sino nga ba ang naghihintay sa kanyang paguwi? Alamin ang lahat sa Sinister.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“To reminisce with my old friends, a chance to share some memories and  play our song again."                         - Ricky Nelson   CHAPTER 1   Celyna POV " Yes pa, sabi ko naman sayo nailagay ko na lahat sa maleta!" Sigaw ni Celyna habang bitbit ang itim na maleta pababa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay . Hirap itong buhatin dahil puno ito ng mga damit at importanteng bagay na dadalhin para sa isang linggong bakasyon sa kanilang probinsya. Pagkababa ay agad naman syang tinulungan ng kanyang ama na bitbitin ang dala nito.   "Kelangan natin magmadali yna. Magaayos pa tayo, maglilinis sa bahay at kung ano pa. Dagdag mo na ang tatlong oras na byahe." Simpleng salita ng kanyang ama habang inisa isa ang mga saksakan ng mga kuryente kung napatay ba ito. "Chilax mukhang excited ka naman umuwi. Sabi ko naman kase sayo dapat madaling araw tayo umalis para di hassle sa daan mamaya." Tugon naman ng dalaga na ngayon ay naka tayo sa gilid ng pintuan habang pinapaikot ikot nito ang selpon sa kanyang mga daliri. "Oo na po, ikaw na po ang tama pero papano ang trabaho ko? Kailangan kong tapusin ang mga papeles bago umalis para pag kabalik eh konting gawain nalang ang gagawin ko." Pag dedepensa ng kanyang ama. Kinuha na nito ang susi ng kotse na nakatungtung sa mesa na gawa sa kahoy na hugis bilog. "Ikaw ang nagsabi nyan." Tumawa na lamang ang dalaga saka lumabas na ng bahay kasunod ang kanyang ama na bitbit ang maleta saka dumeretso na ng sasakyan na nakaparking sa garahe. Pagkapasok ng sasakay ay agad itong pinaandar saka sila umalis. "Sigurado ka na ba sa isang linggong bakasyon? I mean pwede naman siguro hanggang Christmas tayo dun diba?" Pagsisimula ng usapan ni Celyna sa kanyang ama. Dahil malapit na ang araw ng mga patay at ang kanyang kaarawan ay napagdesisyunan ng mag ama na bumalik sa kanilang probinsya para doon iganap ang selebrasyon. Ilang taon narin silang di nakauwi kaya bakas sa mukha ng dalaga ang saya nong marinig nya na uuwi sila para iselebrar ang kanyang kaarawan doon. "Alam mong di pwede yun Celyna. May trabaho ako at ikaw, pagkatapos ng araw ng mga patay pasukan ulit kaya papano ang pagaaral mo kung hanggang pasko andoon tayo?" Tanong ng kanyang ama habang abala sa pagmamaneho.  Tama naman kase ang kanyang ama sya ay estudyante pa lamang at isang lawyer ang kanyang ama kaya hindi pwede na wala sya palagi sa opisina.  "Dalawang linggo lang naman bago mag sembreak ulit pwede naman iwan nyo ako doon at kayo ang umuwi dito.” Pagpupumilit ng dalaga. Naiinis ito sa kanyang ama dahil tatlong araw din nya itong kinukumbinse na manatili sa probinsya hanggang pasko ngunit ayaw itong payagan dahil nga nasa syudad ang totong buhay nila at hindi sa probinsya. "I already decided Celyna so stop insisting your request. Simula ngayon, Pagdating natin sa probinsya ayaw ko nang marinig ulit ang mga salitang iyan. Hanggang araw ng patay lang tayo doon and that's final." Striktong sabi nito sa kanya kaya wala na syang nagawa kundi ang tumango na nakasimangot. Inis na kinuha nito ang earphone sa maliit nyang bag saka sinaksal sa selpon at pinasok sa kanyang tenga. Napaisip sya na kung nabubuhay pa ang kanyang ina ay tiyak na papayagan sya sa mga bagay na gusto nyang gawin.      Si Celyna ay nagiisang anak ni Ginoong Ethan. Labing siyam na taong gulang at nasa ikalabing dalawang baitan. Limang taon narin ang nakalipas nong lumipat sila sa syudad matapos mamatay ang kanyang ina upang maghanap ng mas magandang pamumuhay. Matagal ng pangarap ni Celyna ang bumalik sa probinsya upang maranasan ulit ang simpleng pamumuhay ngunit ayaw pumayag ng kanyang ama dahil nga ay maganda na ang pamumuhay nila sa syudad kaya wala ng dahilan upang bumalik pa kung saan sila nanggaling. Sa gitna ng kanyang pakikinig sa musika ay bigla na lamang tumunog ang kanyang selpon hudyat na may tumatawag sa kanya. Agad naman itong napatingin sa screen ng selpon saka napangiti na lamang ng malaman nya kung sino ang tumatawag. "Cely!! O em ge! Kanina pa ako tumatawag sayo bat di mo sinasagot yung tawag!" Agad agad na kinuha ni Celyna ang earphone na suot nya nang magsimulang sumigaw ang tao sa kabilang linya. Napatingin naman sa kanya ang ama nang saglit saka binalik naman agad ang tingin sa daan. "Ghad Clay, Ano tingin mo sa tenga ko? Immune sa sigawan? Geez." Inis na reklamo ng dalaga na ngayon ay hinimas himas ang magkabilang tenga. Kinuha narin nito ang earphone na nakasaksal sa selpon saka niloud speak para marinig din ng kanyang ama ang usapan. "Sorry saken, ikaw naman kase! Di mo sinasagot tawag ko!" Sigaw ulit nito na ikina tawa lang nang mahina ng dalaga. "Hmm yan na naman sisigaw na naman. Nasa byahe kase kami kaya nawawala yung signal at isa pa ganun mo ba ako kamiss ha?" Tukso nya sa kanyang kaibigan. Rinig sa kabilang linya ang pag "Sensya naman. Si Carl kase kinukulit ako na tawagan ka daw, kung asan na ba kayo o malapit na ba kayo." Pagpapaliwanag ng kanyang kaibigan. Si Clay ay kababatang kaibigan ni Celyna sa probinsya. Kahit magkalayo man sila at di na umuuwi ang dalaga sa kanilang lugar ay di parin nawawala ang koneksyon sa isa't isa. Minsan nagtatawagan o di kaya naguusap sa social media kaya hanggang ngayon ay matibay parin ang pagkakaibigan nila.  "Sabihin mo sa kanya ihanda nya yung katawan nya dahil tutulungan nya kamo kami sa paglilinis ng bahay diyan." Biro ng dalaga sa kaibigan na ikinatawa namn ng kanyang ama. "Sabihan mo din kamo na magaayos ng mga sirang gamit sa bahay" singit naman ng kanyang ama sa usapan na ikinatawa nang malakas ng dalaga. Nagusap usap pa silang tatlo hanggang sa binaba na ni Celyna ang tawag. "You can sleep cely. May dalawang oras pa tayo sa daan." Paalala ng kanyang ama. Tumango naman ang dalaga saka inayos ang pwesto saka walang alinlangang pinikit ang mga mata.   .....   "Cely! Takbo! Takbo Celyna!" Sigaw ng isang lalaki na hirap na hirap na sa paglalakad dahil may malaki itong sugat sa tagiliran at punong puno ito ng dugo. "HAHAHAH! Takbo Celyna. Kahit saan ka pa magtago mahahanap at mahahanap kita." Isang nakakagimbal na boses mula sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Hirap na hirap na sya sa paghinga at masakit narin ang kanyang paa kakatakbo upang makatakas sa taong gusto syang patayin. "Matagal na kitang hinihintay cely. Ilang taon din akong nagtiis na hintayin ka." Sigaw nito. Tanging takbo na lamang ang ginawa ng dalaga at di na lumilingon pa. " Celyna!! *Bang*"   Napabalikwas sa kinauupuan ang dalaga nang biglang magising ito sa isang panaginip na tila ba ay pakiramdam nito ay totoong totoo talaga. Pawisan ang kanyang noo at nanginginig ang kanyang kamay habang pinapahidan nito ang kanyang pawis. Tumingin sya sa paligid at nagiba ang kanyang modo ng malamang nakarating na sila sa dati nilang bahay. Napasandal na lamang sya at napasapo ng noo habang iniisip ang kanyang napanaginipan. " Hey champ. Naghihintay na sila sa loob" nagulat si Celyna nang biglang sumulpot ang kanyang ama sa gilid ng sasakyan habang hawak ang martilyo.  Ngumiti naman ang dalaga saka uminat at lumabas narin ng sasakyan. " Bat di nyo ako ginising." Reklamo ng dalaga.  Di na sumagot ang kanyang ama at nagpatuloy lang sa kanyang paglalakad palabas ng bakod. Dahan dahang lumalakad ang dalaga upang libutin  ang kanyang paligid gamit ang kanyang paningin. Tila wala paring may pinagbago ang paligid. Andiyan parin ang upuan na gamit sa puno, ang bakod na ngayon ay kinalawang na sa sobrang tagal na di na nalinisan, matataas na damo at mga nagkalat na tuyong dahon sa paligid. Andiyan parin ang puno ng mangga at ang maliit na duyan na gawa sa puno na nakakabit sa mangga. Napatingin naman sya sa bahay, hindi pa ito sira dahil semento naman ang pagkagawa maliban nalang sa pintura nito na kulay asul na halos di na makita. Rinig sa labas ng bahay ang tila munting ingay na nagmula sa loob ng bahay. Palihim itong ngumiti saka agad agad syang pumasok. "Wassup!" Sigaw ng dalaga nang makapasok sya sa loob ng bahay. Nadatnan naman nya ang kanyang mga kababata na abala sa kani kanilang ginagawa. Napalingon silang lahat at gulat na gulat. "Celyna bis!!!" Sigaw ng isa nyang  kaibigan na si chesna.  Nagsitayuan silang lahat at lumapit sa dalaga. " Sa wakas gising ka na." Bati naman ng isa pa nyang kaibigan na si Carl. Yumakap ito sa kanya saka bumitaw din kalaunan. "Di nyo ako ginising." Tampo nitong sabi saka dumeretso na ng sala at umupo. " Kamusta na gurl! Naku gumanda ka! Siguro may jowa ka na sa syudad no?" Excited na tanong ng kanyang kaibigan na bakla. " Ay naku kung jowa lang ang paguusapan, wag nyo akong tanungin dahil wala akong hilig dun." Sambit ng dalaga. Ayaw maniwala ng kanyang mga kaibigan dahil impossible naman na wala dahil syudad yun at magandang dalaga ang kanilang kaibigan. "Sus wala daw e si Carl nga iilan na ang najowa eh." Singit ni Clay saka umupo sa tabi ng dalaga. "Ako na naman ang nakita mo putik. Ikaw nga iilan na ang naging ex mo dito." Sabat ni Carl. " Kamusta buhay syudad bis? Masaya ba don?" Tanong ni christian sa kanya. Tumango lang si Celyna bilang sagot sa kanyang tanong. Masaya ang dalaga dahil sa wakas ay nagsama sama na silang magkakaibigan at higit sa lahat ay nakabalik na sya kung saan sya lumaki. "Who wants some Pizza." Napatingin ang lahat sa pintuan nang magsalita si Ginoong Ethan. May bitbit itong tatlong box ng Pizza at dalawang litrong coke na nakasilid sa puting plastik. Lumapit ito sa mga bata saka nilapag ang bitbit sa mesa na nakapaligid sa mga binata at dalaga. "Magmeryenda na muna kayo bago umpisahan ang mga gawain." Bilin ng kanyang ama saka binuksan ang box ng Pizza saka kumuha ng isang piraso. "Naku tito ha, papakainin mo kami para makapaglinis dito." Biro ni clay na ikinatawa lang ng matanda. "Syempre naman baka magreklamo ka pag walang pagkain at baka sumbong nyo pa ako sa mga magulang nyo." Biro ding saad ni Ethan na ikinatawa ng lahat. Abala ang lahat sa paguusap at kain nang biglang may kumatok sa pintuan. Bumaling ang tingin ng lahat sa pinto ng may makita silang lalaki na nakatayo mula doon. "Late na ba ako?" Salita ng binata na papalapit sa kanila. Tumayo naman si Celyna saka inayos ang sarili. "Cole.." iyon na lamang ang lumabas sa bibig ng dalaga ng agad itong yakapin ng binata. Nagulat man ay wala nang nagawa si Celyna kundi ang yakapin din sya pabalik. Si cole ay isa sa mga kakabata ni Celyna at childhood crush kaya masaya ito ng makita ang lalaki dahil akala nito ay umalis na sya dito matapos mawalan ng magulang pero nang makita nya ito ay abot langit na lamang ang kanyang saya at sa wakas ay magiging masaya ang pananatili nya dito. "It's nice to see you again, celyna. Lalo kang gumanda." Bola ni Cole sa dalaga na ikinangiti lang nya. Namula din ang kanyang mga pisngi at sinusubukan nitong itago sa binata dahil sa hiya. "Naku naku! Nangbola pa. Umupo ka na dito at kumain para makapagsimula na ang lahat sa paglilinis." Singit ni ginoong Ethan. Bumalik naman si Celyna sa kanyang inuupuan at naghanap narin ng pwesto ang binata. "Yiee Cole ha may pa grand entrance ka pang nalalaman." Tukso ni christian kay Cole na todo ang ngiti habang magsasalin ng coke sa plastik na baso. "Di ah, sadyang may ginawa lang talaga ako sa bahay kaya nahuli ako ng dating." Pagtatanggol naman ng binata sa sarili. "Sus kami pa niloloko mo tol, dumaan kaya kami sa bahay nyo wala ka don." Sambit naman ni Carl. "Hahaha oo na may pinuntahan ako di ko na nasabi sa inyo." Amin ng binata na ikinatahimik na ng lahat. Inatupag nalang nila ang pagkain sa kanilang harapan. Paminsan minsan ay nag aasaran parin sila at tinutukso sina Cole at Celyna sa isa't isa. Tahimik namang nakatingin si Ethan sa mga bata. Masaya ito dahil sa wakas ay nakita nya ulit ang kanyang anak na tunay ang mga ngiti at tawa. Simula noong umalis sila ay minsan na lamang ito magsalita at madalang lang din sya makipagkaibigan kaya tama lang din ang desisyon nya na umuwi dito.      Dumaan ang ilang minutong pagpapahinga ay nagsimula narin silang maglinis ng bahay. Pumunta sa likod ng bahay ang mga lalaki kasama si ginoong Ethan upang putulin ang mga mahahabang damo at aayusin din ang sirang pinto ng kusina. Habang ang mga babae naman kasama ay nasa loob lamang ng bahay na nagwawalis at kinukuha ang mga lawa sa kisama pati narin ang mga alikabok sa sulok- sulok. "Lalong gumwapo si Cole no?" Usisa ni Celyna sa mga kaibigan. Palihim itong kinilig dahil nga ay crush nya ito at talagang pumunta pa sya dito para tulungan sila magayos. "Naku sinabi mo pa. Marami ngang nagkakagusto nyan sa kanya dito pero wala, dedma si pogi." Sabi ni christian habang nagpupunas ng  sliding window. "Talaga? Impossible naman ata. Sa tingin ko sya na ang pinaka gwapong lalaki na nakita ko dito." Pagmamalaki ng dalaga kay Cole. Matapos nyang sabihin yun ay sumilip pa sya sa kusina kung andyan ba sila at baka narinig ng binata ang kanilang pinaguusapan. "Dhai, di ka sigurado jan. Nakita mo na ba si Dustin? Naku, laki narin pinagbago nong lalaking iyon. Bigla nalang naging matahimikin simula nong namatay ang kanyang ate." Hinang sambit ni Clay. Kumunot naman ang noo ni Celyna sa kanyang narinig. Sa isip nya ay di pa nya nakikita si Dustin mula pa kanina. Alam nya na uuwi sila ngayon kaya imposible din na di nya alam dahil nagusap usap sila na uuwi ang dalaga sa lugar. "Hindi ko nga nakita si Dustin ngayon. Alam ba nya na uuwi ako?" Tanong nv dalaga sa dalawang kaibigan. Umiling lang ang dalawa bilang tugon na hindi din nila nakita ang binata.  Siguro nga ay nagbago na si Dustin dahil kahit noon paman ay matahimik syang tao. "Baka may ginawa o di kaya baka late din tulad nong Cole." Saad ni christian. Sa isip isip ng dalaga ay baka nga late din o may ginagawa kaya di nakapunta. Di nalang inisip pa ng dalaga ang lalaki at pinagpatuloy nalang ang pagsusungkit ng mga lawa sa kisame. Dahan dahan itong umakyat ng hagdan na gawa sa kahoy saka inabot ang nagsitaasang lawa. "Bakla magingat ka baka mahulog ka jan." Pagpapaalala ni Clay sa dalaga. Di ito sumagot at nagpatuloy na lamang sa pagakyat. Habang naglilinis ay nakaramdam sya ng kilabot. Nilibot nya ang kanyang paningin sa paligid pati narin sa labas ng bahay ng biglang syang nakaramdam na para bang may nagmamasid sa kanya. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo dahil sa mga tingin na di nya matukoy kung saan nanggaling at bakit nakakaramdam sya ng kaba. "Celyna!" Sigaw ni christian. Dala ng kaba, sigaw at gulat ay biglang nawalan ng balanse ang dalaga sa hagdan. Diing pinikit nito ang kanyang mga mata at hinintay nalang ang mga susunod na mangyari. Umaasa si Celyna na sya ay babagsak sa sahig ngunit sa di inaasahan ay sinalo sya ni Cole. "Ok ka lang?" Alalang tanong ng binata. Tila bang sila ay bagong kasal dahil sa kanilang pwesto. Buhat buhat sya ni cole habang ang kanyang mga braso ay nakapalupot sa leeg ng binata. Tulala lamang si Celyna dahil sa nangyari kaya di nya narinig ang tanong ng lalali. "Celyna?" Tanong ulit ni Cole sa kanya at sa wakas ay bumalik na sya sa pagiisip. Biglang nahiya ang dalaga dahil magkalapit ang kanilang mga mukha. Tumikhim naman ang dalaga para hudyat na ibaba na sya. "Bakla naman eh! Sabi ko sayo magingat ka!" Sigaw ni christian na palapit na sa kanilang dalawa ni cole. " Ikaw kase bat ka sumigaw!" Inis nitong sumbat sa kaibigan. Di ito galit o naiinis talaga sadyang di nya lang maitago ang kilig na nararamdaman nya dahil sa nangyari kani kanina lang. "Yan, tulala pa. Mabuti nalang biglang dumating si Cole. Naku bakla naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan." Pagsesermon naman ni clay habang nakapamewang. Ngumiti na lamang si Celyna dahil di nya alam ang kanyang sasabihin dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin sya at kinikilig. "Mag ingat ka sa susunod yna. Buti nalang nasalo kita." Alalang sabi ni Cole sa kanya. Tumango naman ang dalaga saka nilibang nalang ang sarili sa pagwawalis. "Bat ka nga pala dito sa loob? May kailangan ba kayo?" Tanong ng dalaga kay Cole na ngayon ay tila bang may hinahanap sa drawer. "Kukuha sana ng gunting. May gunting ba kayo dito?" Tanong ni cole sa kanya. "Ewan, di pa kase kami nakapaglinis masyado dito. Baka meron sa drawer o di kaya sa kusina." Simpleng tugon nito. Tumango naman ang binata saka tahimik na tinungo ang kusina. Ng wala na ang binata ay dali daling lumapit sina christian at Clay kay Celyna saka sinundot sundot ang tagiliran nito. "Ano ba! Parang mga sira to HAHA tigilan nyo nga yan" tawang sambit nito ngunit di parin tumitigil ang kanyang mga kaibigan. "Ikaw ha, sinasadya mo yun no?" Tukso sa kanya ni clay. "Ano ba pinagsasabi mo jan. Para kang sira Clay." Suway nito sa kaibigan. Tumigil naman sila sa pagsundot saka umayos na. " Sus kilig ka nga jan eh. Naku naku! Kakarating mo palang nagpapapansin ka na agad kay cole. Ikaw ha." Tukso ni Christian sa kanya. Hinampas naman nang mahina ni Celyna ang kanyang braso na ikinaaray ng bakla. "Anong papansin ka jan. Gusto mo bang sakalin kita? Kasalanan mo kaya bat nahulog ako. " Sumbat nito sa kanya. Nagpeace sign lang si Christian saka tinantanan na si Celyna. Bumalik narin sila sa kanilang ginagawa at kinalimutan na ang nangyari kanina. Bigla namang naalala ni Celyna ang dahilan kung bakit sya kinalibutan. Simpleng lumabas ito ng bahay saka nilibot ang paningin ngunit wala namang tao at kaduda dudang bagay sa labas.  Dahil sa kanyang naramdaman kanina ay naalala nya ang kanyang panaginip habang sya ay sa kotse. Pagkakataon lamang ba na nanaginip sya ng masama at nakaramdam ng kilabot kanina? Habang nakaupo sa balkonahe ay wala syang alam na may isang taong nakamasid sa kanya nang patago.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook