Story By neytive
author-avatar

neytive

ABOUTquote
Kindly interact with me if you want some spoiler
bc
The Marriage Contract
Updated at Dec 31, 2021, 11:21
Napilitan si Xeliyah Del Mundo na magpakasal sa pamamagitan ng kontrata sa nag-iisang anak nina Stephen Kim at Emily Kim, ang nag mamay-ari ng pinakatanyag na kumpanya ng kotse sa kanilang lungsod. Ang kaniyang mga magulang ay lubog sa utang at hindi alam kung saan makakakuha ng pera bilang pangbayad. Ang pagpasok sa unang taon sa kolehiyo, matrikula, gastos sa bahay at kanilang negosyo na malulugi sa ano mang sandali kung hindi nila mababayaran ang kanilang buwis at utang ay ang pinakaproblemang hinaharap ng kaniyang pamilya. Napagdesisyunan ng kaniyang mga magulang na sumang-ayon sa kontrata na ipagkasundo ang anak sa isang kasal. Walang nagawa si Xeliyah kun'di tanggapin ang alok dahil nagbabakasakali ito na ang lalaking ikakasal sa kaniya ay tatratuhin siya ng mabuti dahil ang kanilang mga magulang ay magkaibigan ngunit hindi niya inaasahan na si Hoshi Kim, ang lalaking mahilig makipaglaro sa mga kababaihan, ang lalaking naniniwala na pagkatapos ng sex ay wala nang kasunod, ang lalaking naniniwala na ang pagsang-ayon sa kasal na kontrata ay impiyerno at titiyakin niya na si Xeliyah Del Mundo ay magdudusa dahil sa pagtanggap ng marriage contract.
like
bc
Tangent Maybe Not
Updated at Jan 10, 2022, 19:47
TANGENT - "we meet once, and never again" MAYBE - "maybe there is still hope that we will meet again" NOT - "or i guess,destiny do really love us and wanted us to be happy" Naniniwala ba kayo sa salitang tadhana? Eh sa salitang First love will never die? Ako si Yen Guillermo, labing-walong taong gulang at isang simpleng babae. Napaka perpekto ng mundo ko, 'yon ang aking pagkakaalam dahil isang araw nagising na lamang ako na pilit inaalala ang lahat.
like
bc
Sinister
Updated at Sep 17, 2021, 03:45
"Cely! Takbo! Takbo Celyna!" Sigaw ng isang lalaki na hirap na hirap na  sa paglalakad dahil may malaki itong sugat sa tagiliran at punong puno ito ng dugo. "HAHAHAH! Takbo Celyna. Kahit saan ka pa magtago mahahanap at mahahanap kita." Isang nakakagimbal na boses mula sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Hirap na hirap na sya sa paghinga at masakit narin ang kanyang paa kakatakbo upang makatakas sa taong gusto syang patayin. "Matagal na kitang hinihintay cely. Ilang taon din akong nagtiis na hintayin ka." Sigaw nito. Tanging takbo na lamang ang ginawa ng dalaga at di na lumilingon pa.   Sa kanyang paguwi isang krimen ang nagsimulang mabuhay sa higit dalawang taon nitong pamamahinga. Si Celyna, isang babae na tanging hangad lamang nito ay ang magbakasyon at iganap ang kaarawan ay di inaasahang magiging biktima ng kamatayan. Sa kanyang pananatili sa lugar na kinalakihan ano nga ba ang naghihintay sa kanya? Tapat nga ba ang mga taong nakapaligid sa kanya? Kabilang nga ba sa mga kaibigan nya ang salarin na gusto syang patayin? Mapagkakatiwalaan ba ang mga taong pumoprotekta sa kanya?  Sino nga ba ang naghihintay sa kanyang paguwi? Alamin ang lahat sa Sinister.
like