bc

Tangent Maybe Not

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
bxg
highschool
small town
school
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

TANGENT - "we meet once, and never again"

MAYBE - "maybe there is still hope that we will meet again"

NOT - "or i guess,destiny do really love us and wanted us to be happy"

Naniniwala ba kayo sa salitang tadhana? Eh sa salitang First love will never die?

Ako si Yen Guillermo, labing-walong taong gulang at isang simpleng babae. Napaka perpekto ng mundo ko, 'yon ang aking pagkakaalam dahil isang araw nagising na lamang ako na pilit inaalala ang lahat.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Bulletin board
~ when the days are cold and the cards all fold and the saints we see are all made Of gold~ "When your dreams they failed and the once we hailed are the worst of all and the bloods run stale." Sabay ko sa kanta habang papasok ng school gate. "Hoy! Babae!" "Ay palaka! Sh*t naman ash, huwag ka ngang manggulat!" Napasigaw ako dis oras nang biglang sumulpot si Ash sa aking harapan sabay gulat nito sa akin. Kinuha nito ang earphones na nakakabit sa aking tenga sabay tawa nang mahina. Napahawak ako sa aking dibdib at hinimas ito. Nakakabwesit lang kase ang aga-aga nanggugulat. "Kanina pa kasi kita tinatawag 'di kamanlang lumingon! Pinagod mo pa ako kakahabol sa'yo," wika nito. Malay ko ba na hinahabol n'ya ako. Halata namang naka earphones ako malamang 'di ko siya maririnig. Tapos kasalanan ko pa talaga? Tinapunan ko siya nang masamang tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. " Duh? Can't you see? I’m wearing an earphone," galit kong sabi. Na pa-peace sign nalang siya sa'kin at tumahimik. Good. Ang aga-aga winawar-shock niya ako. Tinungo namin ang second floor ng school building na tahimik. Marami narin ang mga estudyante sa hallway na nagkukumpulan kaya mahirap din ang makipagsiksikan. Ako nga pala si Yen Guillermo, 18 yrs old at isang senior high school student. Hilig ko ang mag-explore ng mga lugar lalo na pag bukid o 'di kaya probinsya. Hindi naman ako gano'n ka liit. Tamang-tama lang para sa taas ng babae. Maliit ang aking mga mata na para bang katulad nito ng mga intsik. Katam-taman lamang ang kulay ng aking balat. Mahaba rin ang aking buhok na kulay-kape na aking kinulayan noong isang taon dahil sinulsol ako ng aking kaibigan. Siya naman si Ashley Del Mundo, ang aking bestfriend since elementary. Madaldal ito at may pagkatopakin minsan. Mas mataas siya sa akin sa taas na 5'9. Hanggang balikat ang kaniyang buhok at tulad sa'kin ay magkapareho rin ang kulay ng aming buhok. Since its our first day of school at bagong estudyante kami pareho sa paaralang ito ay nahihiya kaming tumingin ni Ashley sa mga tao sa paligid. Marami naring estudyante ang nasa corridor ngayon at nagtutulakan para hanapin ang kanilang kuwarto. Hindi rin namin alam ang aming kuwarto kaya ito kami ngayon, nakikisiksikan sa hallway. "Grabe pix, haggard tayo nito later. 'Bat kasi hindi nila pinost sa f*******: page ng school nang maaga para nalaman agad natin at 'di na nagsisiksikan ang mga tao dito," reklamo ni Ash. Hindi lang pala ako ang mainipin sa aming dalawa. Bente minutos na kaming naglilibot sa school building para lang mahanap ang classroom namin pero hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikita ang aming pangalan. Tahimik lang akong lumakad at 'di pinapansin ang hinaing ng aking kaibigan. Wala naman kaming magagawa ih. Naisipan naming dalawa na pumunta ng bulletin board sa senior high kasi sabi ng ibang estudyante na nakasalubong namin sa first floor ay doon daw makikita ang room number. "Wala ka bang sasabihin? Kanina pa ako nagsasalita dito wala ka manlang kibo. Pipi ka ba?" Tinaasan ko ng kilay si Ashley sabay irap. Puwede bang palitan niyo tong kaibigan ko? Iyong tipong 'di madaldal at reklamador? "Shut up Ash," suway ko sa kaniya. "Huwag ka nang dumagdag sa ingay at init dito sa hallway baka matulak kita sa second floor," dagdag ko. "Ang sama mo." nguso nitong sambit, nilabasan ko lamang siya ng dila. Nagmadali akong lumakad nang matanaw ko na ang bulletin board 'di kalayuan sa amin. Grabe mga beshhh ang daming tao. Daig pa ang traffic sa edsa o tao sa concert ni Daniel Padilla. Pagkarating namin ng bulletin board ay agad kaming nakipagsiksikan makapunta lang sa harapan. "Excuse me po, dadaan ang sexy. Excuse me." Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Ashley. Kahit kailan talaga walang hiya itong babaeng 'to. Kung kanina ay medyo marami ang mga tao, ngayon ay dumami na. Halos nagtutulakan na kaming lahat. Marami na ang nagrereklamo na magdahan-dahan at 'wag magsiksikan pero para bang mga bingi ito dahil hindi parin humahapaw ang ingay sa harapan ng bulletin board. "I can't breathe,Yen." rinig kong wika ni Ashley. Napatingin ako sa aking tabi kung saan siya naroroon. Napapawisan na siya at halata na rin na hirap siyang huminga. Swerte lang talaga at walang amoy putok dito. Naku! Kung meron man ay 'di ako magdadalawang isip na sumigaw. Malapit na sana ako sa harapan ng bulletin board ng may biglang humatak sakin pabalik sa likod. "Pusang gala! Hoy, hoy kuya! Anak ng palaka naman!" Sigaw ko sa lalaki na ngayon ay nasa harapan ko na. Pilit ko siyang inaabot at pilit din akong pinipigilan ni Ash. Ang kapal ng mukha ah! Nagpakahirap akong sumiksik diyan tapos kukunin niya lang?! "Kalma Yen. Kalma, baka nauna lang siya at nasapawan mo lang," pigil ni Ashley. "Anong nauna?! Kitang kita mo naman diba. Nauna tayo! " Inis kong sigaw sa kaniya sabay hatak ng braso kong hinahawakan niya. Pinapakulo niya dugo ko. Pigilan niyo ako baka masakal ko siya. Galit na nakipagsiksikan ako sa maraming estudyante para hanapin ang gagong 'yon. Hindi pwedeng papalampasin ko lang ito. Nagpakahirap ako tapos siya lang ang makikinabang. Kahit hirap na akong huminga at nahihilo narin ay wala akong pake. "Naku Yen! Sandali! 'Wag kang makipagtulakan!" rinig ko ang boses ni Ashley sa aking likuran. Gusto kong lumingon kaso hindi ko na magawa dahil hindi na ako makagalaw pa sa aking kinatatayuan. Nauubasan na rin ako ng hangin at umiikot na rin ang aking paningin. Kalma self, kalma lang. Inhale exhale. Sa sobrang dami ng tao at ang biglaang pagtulakan ng mga estudyante ay. Bigla akong nawalan ng balanse at napahawak sa aking katabi. 'Di naman ito nagreklamo dahil tulad ng iba ay nagulat din siya sa nangyari. "Ang tagal naman! Uy tapos na ba kayo?" "Uy kami naman!" "Anak ni Jose, ang init!!!" Sari-saring reklamo ang aking naririnig sa paligid. Kahit ako rin naman sa sitwasyon nila ay magwawala rin ako lalo na't umepal 'yong lalaki kanina. Speaking of that lalaki, hinahanap ko siya pero 'di ko makita lalo na't siksikain. Pero dahil mahal ako ni tadhana, tada! Siya ay aking nakita. Ngumiti ako nang nakakaloka sumiksik sa mga nagkukumpulang mga tao para lang malapitan ko siya at makapaghiganti. Malapit na sana ako nang bigla ulit akong nakaramdan nang paninikip sa aking dibdib at hilo. Huwag kang umepal, please. Abot ko na sana ang pangarap nang bigla akong natumba at pilit na hinahabol ang aking hininga. "Hala! Nahimatay!" "Uy, tawag kayo ng security!" "Dalhin sa clinic yan!" "Yen!! Hala ka dhai!" rinig kong sigaw ni Ashley sa malayo. Lumalabo na ang aking paningin. Ramdam ko rin na lumuwag ang paligid pero hindi iyon sapat para mabigyan ako ng sapat na hangin. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko ang mukha ng lalaki na aking hinahabol na gulat na gulat. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon sa mukha pero isa lang ang alam ko at iyon ay gulat siya hindi dahil nahimatay ako mismo sa harapan niya kundi dahil may kung ano sa akin na ikinagulat nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook