Chapter 2: Male C.r

1910 Words
Dahan dahan na ko minulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame at mga kulay berdeng tela. Bumungad din sa akin ang mukha ni Ashley na nagaalala. "Yen, naalala mo pa ba ako? Yen?" Tanong nito sa'kin sabay alog sa aking katawan, baliw na babae. Ano akala niya sa'kin, may amnesia? "Si-sino ka?" biro kong tanong. Mapagtripan nga 'to, hayop kasi. Bigla namang nag iba ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Bigla siyang natakot at nagulat sa aking tanong. Kumunot naman ang aking noo. "Hala ka dhai! Ako to, si Ashley!" sigaw niya. Nakita 'kong paiyak na siya kaya tumawa ako nang malakas. Pusang gala sarap nito batukan. "Ang sama mo. Akala ko natuluyan ka na. 'Wag mo nang gawin ulit 'yon nagalala ako!" inis nitong wika. Bumangon naman ako at umupo nang maayos. Kumuha siya ng upuan sa gilid ng lamesa at umupo sa gilid ko. "Sorry. Nainis lang talaga ako kanina. Tahan na papangit ka niyan." Biro ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likuran. Hirap talaga pag may iyakin kang kaibigan. "Ok ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag ka nang makipagsiksikan, 'yan tuloy. Tigas talaga ng bungo mo. Gusto mo bang painitan ko 'yan para lumambot at nang 'di ka na maging pasaway? Buti nalang 'di ka napuruhan." Nakangiti lang ako habang nagsesermon si Ashley. Mula noong mga bata kami si Ashley 'yong andiyan sa akin. Kapag naiiyak ako, nasasaktan, may nararamdaman nandoon siya palagi. Halos maging nanay ko na siya sa sobrang pagaasikaso niya sa akin kaya hindi ko siya masisisi kung ganito siya umasta sa tuwing may 'di magandang nangyayari sa'kin. "Oa mo. Okay lang ako 'no. Nawalan lang yata ako ng malay kasi walang hangin do'n at hindi ako kumain ng agahan kanina," palusot ko. Tumaas naman ang kaniyang kilay. Yeah, I get it. Hindi magandang palusot 'yong 'di ako kumain'. Maliban sa iyakin, maaalahanin din to, protective pa. Napabuntong hininga na lamang siya. Bigla namang pumasok ang isang school nurse na may bitbit na tray. "Buti't gising ka na. 'Di ka ba kumain kanina ng umagahan? Dehydrated ka rin. Naku! First day of school ganiyan ka na agad," wika ng nurse. Napakagat labi na lang ako tiyak yumuko. Ramdam ko rin ang prisensya ni ashley sa aking gilid na alam ko pagkalabas ko rito ay makakatikim ako ng hampas. "Puwede na po ba kaming lumabas?Hahanapin pa kasi namin 'yong classroom namin." Singit ni Ashley sabay tayo ng upuan. Tumango naman ang nurse tiyaka tinungo ang kaniyang lamesa na nakapuwesto sa gilid ng pinto.Nabaling naman ang tingin ko kay Ash. Seryoso?! "Anong ginawa mo sa mga oras na wala akong malay? Naglaro ng flappy bird?!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko alam kung hahampasin ko ba siya o isusunod dito sa kamang hinihigaan ko. "Natulog din" ngusong wika nito, "Puyat din kaya ako kagabi." Dagdag nito sabay irap sa akin. Aba. Napabuga na lamang ako ng hangin tiyaka bumangon na at tumayo. Inayos ko na rin ang aking sarili. Wala na, wala ka na talagang matinong kausap. "Puwede na kayong lumabas. Ang maipapayo ko lang sa iyo iha ay 'wag kaligtaan ang pagkain sa umaga, tanghali at gabi at palaging uminom ng tubig," bilin sa'kin ng nurse. Tumango naman ako at nagpasalmat na rin bago lumabas ng clinic. "Bakit kasi 'di mo hinanap muna 'yong classroom natin bago ka matulog. 'Yan tuloy late na tayo sa second subject tapos absent pa sa first. Naku." Minsan talaga sarap bigwasan ni Ashley. Kahit mas matanda siya sa akin ng dalawang buwan, ako parin 'yong umaastang matanda sa aming dalawa. "Sorry na nga. Bilisan mo nalang kasi 'yong paglalakad para 'di tayo lalo ma-late." Utos nito sa akin sabay hawak sa aking kamay at kaniyang hinila. Kasalanan ko rin naman. Wala na akong nagawa kun'di nagpahila na rin sa kaniya. Pabalik kami ngayon sa bulletin board para tiggnan ang pangalan namin. Naalala ko na naman ang senaryo sa bulletin board. Makikita ko rin 'yong lokong 'yon. Pagkarating ng bulletin board agad na hinanap namin ang aming pangalan and tada! Kung suswertehin ka nga naman talaga. Magkaklase kami ni Ashley. Matapos ang madugong klase sa English literature na wala naman akong naintindihan ni isang salita, dumiretso agad kami ni Ash ng cafeteria. Sa totoo lang, nakakainggit 'yong ibang estudyante rito. Magkakilala na sila mula junior high school nila dahil iisang school lamg naman 'yong senior at junior dito. Habang kami mi Ashley nanggaling pa sa kabilang syudad. Ang totoo niyan ay nasa iisang bubong lang kami ni Ashley nakatira. Umuupa kami ng bahay at hati sa bayarin. Ideya naman kasi ito ng aming mga magulang dahil alam nila na 'di kami mapaghiwalay ni Ashley kaya sinama kami sa iisang bubong. Habang papunta ng cafeteria ay pumasok sa isip ko ang nangyari sa English class kanina. Nakakagutom ang subject na 'yon halos lahat kaming magkaklase tahimik at nagfo-focus talaga sa teacher,terror pa naman 'yon. Maliban sa terror na, ayaw pa tumanggap ng taglish na sagot. Kase dhai, hindi ako fluent sa english eh mahilig akong mag-recite. Kaya buong magdamag hindi ako tumaas ng kamay. "I wonder how she managed to speak fluently with brace. Tapos di pa tumatalsik ang laway. She don't even have a problem to S word." Nababasa niya ba ang iniisip ko? Si Ash, alam ko naman na fluent din to sa English pero how dare her to talk to me like that? charot lang. Gusto ko rin mag english para kunwari daw matalino at sosyal. Lumingon naman ako sa kaniya at binigyan siya nang ewan-ko-look sabay lakad papuntang pila. Pati rito sa cafeteria dagsa rin ng mga estudyante. Makapagpatayo ngang food stand. Matapos naming bumili ni Ashley bumalik agad kami ng room. Nag-decide kase kami na dito na kumain. Maingay kase sa cafeteria at maraming tao kaya di kami makapag-focus sa pagkain, masasarap pa naman 'to. Abala kami sa aming pagkain nang may biglang umupo na babae sa aming harapan. Nakayuko ito sa amin bitbit ang kaniyang pagkain. "Hi?" mahinang tanong ni Ash, "Bago ka lang dito? Kami rin eh. Kaya medyo wala pa kaming kilala. You can join us and if you want, we can be friends." Dagdag pa nito habang nakangiti. Diretsahan tayo Ashley ah? Sabagay kahit ako ay gusto rin makipag kaibigan sa kaniya. Mukha kasi siyang mabait at normal 'di tulad ng isa diyan na hindi matantiya ang pagiisip. Ngumiti naman ang babae tiyaka tumango nang napakaamo. "Bago rin ako dito. Wala pa kasi akong kakilala talaga dito. Ako nga pla si Khysza," pakilala nito sa sarili. "Ako naman si Ashley at siya naman si Yen. Magbestfriend kami since elementary. Nag-transfer lang kami rito kase trip namin," tawang sambit ni Ashley. Napasapo naman ako sa aking noo nang sabihin niya iyon. Tumawa naman si Khysza tiyaka kumuha ng upuan at umupo sa harap namin. Totoo talagang trip lang namin ni Ashley ang pumasok dito kaya wala rin akong maibibigay na rason kung bakit dito kami. Totoo naman e, trip lang namin to kaya walang pakeelamanan. Charoot. Nagusap lang kami habang hinihintay ang next subject namin. Nakss mukhang mababait naman ‘tong mga kaklase namin. Go back to khysza, mahiyain siya, sobra pero siyempre maganda madaldal ngalang. "Teka, may C.R. ba rito?" Biglaan kong tanong, dumako naman ang tingin nilang dalawa sa akin. What? Nagtatanong lang naman ako. Napahawak nalang ako sa aking tiyan nang biglang kumulo ito. Iyong tiyan ko! Whaaa! 'Wag naman sana tawag ni banyo 'to. "Ummm school po ito Yen, baka nakalimutan mo," hiyang wika ni Khysz. Hahampasin ko na sana siya nang biglang kumulo ulit ang tiyan ko. "Hello, alam ko na paaralan 'to. I mean san banda?" Mas diniinan ko pa ang paghawak ko sa aking tiyan. Wala rin palang kwentang kausap 'to eh! "Joke. Lumabas ka then deretsuhin mo lang 'tong hallway tapos sa dulo lumiko ka sa kanan and boom! Nasa tamang lugar kana." Hindi na ako nagpasalamat pa sa kaniya dahil agad naman akong tumakbo pagkatapos niyang magbigay ng instruction. "Oy, bilisan mo pixie ha! Time na maya-maya!" rinig kong sigaw ni Ashley. Badtrip! Binilisan ko nalang ang takbo ko at sinunod ang sinabi ni Khysza na papuntang C.R.. Pagkarating ko ng restroom ay agad akong pumasok sa bakanteng cubicle. "Tabi-tabi lang po. Whoooo! wrong tyming ka talaga Yen. Lagot talaga sa'kin 'yong tindera ng sandwich. Panis pa talaga ang binigay sa'kin nagbayad naman ako ng tama," sermon ko sa hangin. Sana lang ay walang pumasok na estudyante dito dahil kung mayroon man, please po Saint Peter, kunin n'yo nalang ako. Bigla naman nag-ring ang school bell hudyat na tapos na ang recess time. "Anak ng tokwa! Come on sandwichhhh," wika ko sa aking sarili. Kung minamalas ka nga naman talaga. "Hoy! Anong ginagawa mo dito?! Male C.R. 'to ah! Naninilip ka no?!" Napatili ako nang may biglang nagsalita sa kabilang cubicle. Pinagsasabi nito eh pangbabae ang C.R. na ito. Kahit hindi pa ako tapos ay dali-dali akong naghugas ng dapat hugasan at sinuot ang palda ko tiyaka lumabas ng cubicle. "Sorry dhai! Sorry talaga. Wala naman akong nakita." Teka, ba't ako ang humihingi ng pasensya? "Susumbong kita sa janitor! Naninilip ka!!" Hindi pa ako nakabanat nang bigla siyang nagsalita ulit. "Hoy kuya grabe ka! FYI girls restroom po ito kaya dapat ikaw ang isusumbong! Pasalamat ka wala akong oras para pumunta ng guidance. Tsee! Diyan ka na nga," sigaw ko sa kaniya. Bago ako lumabas ng banyo ay tumingin ako sa pinto nito. Napanganga na lamang ako at napatakip ng aking bunganga nang makita ko ang sign nito na nakakabit sa taas ng pintuan. Bakit ang malas ko ngayong araw?. Tiniggnan ko ang sign ng cr at tama nga sya MALES CR nga! Ang tanga mo Yen! Dali-dali nalang akong lumakad pabalik ng classroom na hindi na lumilingon pa. Hindi na talaga ako magc-C.R. dito. Pagbalik ko ng silid-aralan ay may mahal na siyang iba. Joke lang. Wala pa ang teacher namin, kaya malaki ang pasalamat ko dahil 'di ako late. Agad akong lumapit kina Ashley at khysza na nakukwentuhan. "Ok ka lang? Mukhang hinabol ka ng mga palaka ah?" tanong ni Ash sa'kin. "Shut up pix. Nakakahiya! Whaa!" Mahina kong sigaw na ikinataka ng dalawa. 'Di ko napigilang iuntog ang aking ulo sa lamesa. Don't worry mahina lang naman. "Anong nangyari?" alalang tanong ni Ashley. Inangat ko ang aking ulo tiyaka hinarap ang dalawa. Tiniggnan ko sya ng masama. Whaa! Mabuti nalang at nasa cubicle siya kung hindi naku lagot ako! "Dahil lutang ako at pinakain ng panis na sandwich 'di ko na namalayan na sa male cr pala ako pumasok," inis kong sabi. "Ang malala pa Ash may lalaki sa kabilang cubicle!" Hindi ko na kinaya pa ang kahihiyan na aking ginawa kaya napasapo ako sa aking noo. Tiniggnan kon naman ang reaksyon nilang dalawa pero wala itong bakas ng kung ano. Seryoso ba sila? Please ilayo niyo ako sa kanila. "Do I need to translate that in English for you to understand, Ash?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. "Dude, you don't need to. Tanga mo lang kase. 'Di ka ba marunong magbasa ng signs o mag-identify manlang?" Iyong lamang ang kaniyang nasabi sabay kagat sa fudge bar niya. Napasapo nalang ako sa aking ulo. Wala na, surrender na ako sa kapilyuhan nito. Binagsak ko nalang ang aking ulo sa armchair at bumuntong hininga. Worst day ever. Isang malaking ekis ka lalaking epal! Kasalanan mo 'to bat minamalas ako ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD