Chapter 3: ID

1880 Words
"YEN! ASHLEY! GISING NA KAYO! MALE-LATE KAYO NG PASOK!!!" Kinapa ko ang aking mesa na katabi ng aking kama upang patayin ang alarm clock na kanina pa pumuputak. Pag boses talaga ni Mama ang bubungad samin araw-araw, promise, mapapaaga kami sa school. 'Yong tipong 5:30 am palang andoon kana tapos may laway ka pa sa labi. Nauna akong bumangon kay Ashley, palagi namang huli 'yan. Paglabas ko ng aking kuwarto ay dumiretso na agad ako ng kusina upang maghanda ng umagahan. 5:14 a.m. palang, may oras pa para maglinis ng bahay at maligo. Magsaing, magluto ng ulam,maligo at magbihis. Oo ako po ang certified yaya sa dorm. Sosyal din kase ng kaibigan ko eh, napakatamad. Matapos kong gawin ang lahat ng gawain maliban sa pagligo ay tumungo na muna ako sa kuwarto ni Ashley para gisingin siya. Hindi naman ganoon ka laki ang inuupaham naming bahay. Tamang-tama lang para sa dalawang tao. Maayos naman ang daloy ng tubig sa amin kaya wala kaming problema doon. Ang problema lang ay iisa lang ang banyo nila. Okay din ang kuryente kaya overall oks na oks sa amin ang bahay na ito. "Prinsesa handa na po ang umagahan, gising na po." Mukha akong tanga pero dahil kaibigan ko naman ito kaya ok lang. Pero sa totoo lang, sarap niyang tadyakan. "I'm not feeling well Yen. Lalagnatin yata ako," aniya. Kumunot naman ang aking noo palapit sa kaniya at agad na nilagay ang aking kamay sa kaniyang noo. Napailing nalang ako ng aking ulo ng maramdaman ko ang init sa kaniya. "Natural! Sino ba ang taong 'di lalagnatin eh alas-dos ka na ng madaling araw natulog dahil lang kaka-f*******:! Tapos alas-onse ka pa kumain! Gusto mo yatang sumunod sa aso niyo eh," sermon ko sa kaniya. Grabe rin 'tong babae eh. Porket libre ang wifi sa dorm, magaala bampira na siya. Tinungo ko ang kaniyang drawer sa ilalim ng study table at hinanap ang thermometer. "Ninang na ba ako? " Asar ko sa kaniya nang iabot ko ang thermometer. Mukhang pregnancy test 'yong hawak niya eh. "Lols. Oo positive. Positive na may lagnat ako." "Tangek! Wala pa nga eh. I-monitor mo muna sarili mo diyan at maliligo lang ako." Agad naman niyang sinunod ang aking utos kaya lumabas na ako ng kuwarto. Pagkatapos kong maligo ay agad na hinanda ko na ang pagkain na niluto ko kanina. Sinalinan ko ng hotdog at itlog si Ashley sa plato, ganoon din sa akin. Dahan-dahan na binitbit ko ito patungo sa kaniyang kuwarto. Nadatnan ko itong nakasandal na sa headrest ng kama. "So ano?" tanong ko. Nilapag ko ang plato sa study table at lumapit sa kaniya. "Sabihin mo na lang sa teachers natin na buntis ako," sagot nito sa akin. Hinawakan ko ulit ang kaniyang noo at mas lalo pang uminit ito kaysa kanina. Mas pasaway pa to sakin e. "Ako dapat 'yong lalagnatin, hindi ikaw." Kinuha ko na ang pagkain sabay abot sa kaniya. Tiniggnan ko ang wall clock at 6:24 a.m na. Maaga pa naman para sa first subject. Matapos naming kumain ay agad narin akong nagbihis ng uniform at nagligpit narin ng pinagkainan. Pinainom ko narin siya ng gamot para sa lagnat para naman mawala agad. Pagkatapos kong asikasuhin si Ashley ay agad narin akong nagpaalam. Naghintay lang ako ng jeep sa waiting shed sa kanto. Maaga pa naman. 7:30 ang closing ng gate kaya makakaabot pa ako at may remaining 9 mins. pa ako pag dumating ako exactly 7:19. Pagdating ko ng school gate ay pansin ko na wala ng mga estudyante sa labas. Napatingin ako sa aking relo ng makita kong 7:23 palang kaya napabuga ako ng hangin dahil alam kong nakaabot ako. Agad akong tumakbo at dali-daling pumasok ng gate nang bigla akong harangan ng guard. "Hep! hep! Saan ka pupunta. Nasaan I.D mo?" striktong tanong ni Manong Guard. Napatingin naman ako sa aking harapan at biglang nanlaki ang aking mga mata. Nawawala 'yong I.D ko! Holder nalang ang natira. Bakit 'di ko napansin iyon kanina. Kaya pala ang gaan ng leeg ko. "Ikaw ha. Second day of school pasaway ka na agad. Nasaan ang I.D mo?" Tanong niya ulit, paulit-ulit lang Manong? "Manong, naku! Nawala ata, akala ko kase- " 'Di ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bigla namang humirit ulit si Manong guard. "Sus! Alam ko na 'yang mga palusot n'yo. Nawala pero makikita ko nalang kinabukasan, suot na nila. Sige, ilista mo pangalan mo doon sa guard house, guro mo na ang bahalang kumuha sa'yo dito." napanganga nalang ako sa kaniyang sinabi. Hindi puwede! Mapapagalitan ako at mapapahiya. "Po?! Manong naman e! Papasukin niyo na po ako. Promise 'di ko po talaga alam. Baka po nalaglag sa loob dahil siksikan sa loob ng cafeteria. Manong naman, sige na po please," pagmamakaawa ko. Please malas layuan mo ako! Kahapon ka pa ganiyan. "Wala nang pero-pero. Hala sige! Lista mo na pangalan mo doon! " Si Manong Guard ayaw talagang magpatalo. Inis na inirapan ko siya at umalis sa kaniyang harapan. Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod sa utos niya. Baka ipa-principal office pa ako nito. Matapos kong ilista ang aking pangalan ay naghintay ako sa gilid ng guard house na parang batang uhugin na naghihintay para kunin ng teacher. 'Di ko talaga alam kung nasaan ang I.D ko. Baka nawala ko sa cafeteria o 'di kaya sa hallway kung saan kami nakipagsiksikan. Nag-ring na rin ang bell, ibig sabihin ay first period na at ibig sabihin din no'n hindi na naman ako makaka-attend ng first class. Strike two na ako! Baka isipin ng adviser ko nagii-skip ako sa klase niya. "Bosing papasukin nyo na ako. Two minutes lang naman 'yong agwat. Isa pa, malayo bahay namin dito kaya papasukin n'yo na ako." Napatingin ako sa gate nang may narinig akong nagrereklamong lalaki. LATE, 'yon ang unang pumasok sa isip ko. Good at least may kasama ako kaya okay na 'yon sa'kin. "Hindi nga puwede. Rule is rule. Kaya pumasok ka na at ilista ang pangalan mo. Kung ayaw mo edi puwede kang umalis at umuwi nalang." Grabe naman si manong guard. Bat 'di sila ang magadjust? Wala na rin nagawa ang lalaki at tulad ko surrender siya sa pagkastrikto ni manong. Pagpasok ng lalaki ay nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko. Ang dugo na kahapon pa nasa ulo ko at ang malas na nararanasan ko ngayon at kahapon ay biglang nabuhay sa aking katawan. "Ikaw?! Sabi ko na nga ba magkikita rin tayo!" Sigaw ko nang makilala ko ang lalaki na nakipagsagutan sa sekyu. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko na siyang nilapitan at hinampas ng bag ko. "Aray miss! Ano ba! Aray! Teka lang! Masakit!" reklamo nito. "Masakit?! Masakit?! Kung hindi dahil sa iyo hindi kami male-late sa unang klase at kung bakit nakaratay ako sa clinic!" sumbat ko sa kaniya. Tumigil na rin ako sa paghahampas ko ng bag dahil kawawa 'yong bag ko. Hingal na lumayo ako sa kaniya. Anak ni Jose, kailangan ko ng hangin. Whooo hangin! "Ano ba ang problema mo?! Alam mo bang child abuse 'yang ginagawa mo?! Nananakit ka ng bata!" sigaw nito. Napanganga akong nakatingin sa kaniya. Hinimas nito ang kanyang ulo at katawan kung saan ko siya hinampas. Kalma yen galit ka. Huwag kang maawa. Biglang lumapit ito sa akin at akala ko ay gaganti siya. Tinaas nito ang kaniyang kamay tiyaka ginamit itong pamaypay sa akin. Ampotek. "Iyan, baka mapalamig ng konti 'yong ulo." "Tigilan mo nga yan! Walang hiya ka!" Tinabig ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa pagpaypay sa'kin. "Ano ba ang atraso ko sa'yo? 'Di naman kita inaano- tekaa." Napatigil siya sa pagsasalita dahil may kinukuha ito sa bag niya.. isang I.D. Nanlaki ang aking mga mata at biglang lumapit sa kaniya. "Paano napunta sa'yo 'yan?! Magnanakaw!!! Manong gua-mmmmhh." Bigla niyang tinakpan ang aking bunganga sabay hila sa akin palayo ng guard house. Pilit kong kumalawa sa kaniya pero mas malakas ito kaysa sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang hintayin siyang bitawan ako. "Teka, 'di ko ninakaw 'to. Sadyang napulot ko lang tlaga to sa C.R ng mga boys." Bigla akong namula sa kaniyang sinabi. Don'tont tell me siya ang lalaki sa C.R.? "Bakit napadpad ang I.D mo doon?" taka niyang tanong. Aishh anong gagawin ko? "Ibalik mo sa akin 'yan. I swear, ibalik mo sakin 'yan lalaki. Dahil sa'yo hindi na naman ako makakapasok ng first subject," singhal ko. Tiniggnan ko siya nang masama matapos ko siyang bantaan. 'Bat ba kasi ang tanga-tanga ko att 'di namalayan na nahulog 'yon? "Anong gagawin mo sakin?? Ipapatay? Sorry to tell you but I'm not threatened," wika nito. Ughh! Nakakabanas! Wala akong pake sa guard o kanino. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwild pero wala sa dalawa doon ang ginawa ko. Galit na umalis ako ng guard house at pumunta ng quadrangle. Nakakainis na talaga. Napipikon na ako at siya ang dahilan ng lahat ng 'to.. "Bwes*t ka talaga!" sigaw ko sa sobrang inis. "Bad 'yon ah." Napatingin ako sa likod nang makita ko siyang nakatayo habang nakapamewang. 'Di ko siya pinansin at hinayaan na lang siya. Ramdam kong umupo siya sa aking tabi na nakatalikod. "Pikit ka. Dali na pikit mo lang ang mga mata mo." "Pakulo mo? Umalis ka nga dito kung ayaw mo lang din ibigay ang I.D ko," singhal ko. Bibwes*tin na naman niya ako. "Dali na,pikit mo na. Pramis pag pumikit ka, ibabalik ko to." Lumingon ako sa kaniya at tiniggan siya nang mabuti, mukhang seryoso naman siya. Pag ito niloko ako, sasakalin ko talaga 'to. Bumuntong hininga ako at ginawa ang gusto niya. "Ok na? Happy?" "Teka lang, 'wag kang makulit," suway nito. Naramdaman kong may dumamping panyo sa aking mukha. "Ano'ng ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya habang hinahayaan lamang siya sa kaniyang ginagawa. "Sabi ni Mama, dapat ang luha 'di pinapatagal sa pagdaloy. Dapat pinupunasan agad ito para tumigil sa paglakbay sa buong sulok ng mukha ng isang tao," bulong nito. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking mukha. "Hindi naman ako umiiyak. Assuming ka?" inis kong tanong. Pakulo neto. Patuloy parin siya sa pagpunas ng aking mukha. Kahit papano ay magaan sa pakiramdam at hindi ganoon ka lakas ang pagpahid niya. "Anong hindi. Kanina pa kita pinagmamasdan mula sa malayo," wika nito, "Dahil ang luha pag pinatagal sa mukha mas lalo kang maiiyak, mas lalo kang makakaramdam ng sakit. Kaya kung gusto mong makawala sa sakit dapat maaga palang ay punasan mo na." Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata nang kunin niya ang panyo sa aking mukha. Bumungad sa'kin ang kaniyang mata na pakiramdam ko ay matagal ko nang nakita. "Kaya sa susunod na umiyak ka, punasan mo agad para 'yong sakit mawala agad." Kinuha nito ang aking kamay sabay abot ng aking I.D. Iniwas ko ang aking mga tingin sa kaniyang mukha. Ang cheesy nito halatang playboy. "Ewan ko sa'yo," iyon na lamang ang aking nasabi. Wala itong kibo tanging nakatingin lang siya sa akin. Tumayo na ako tiyaka iniwan siya. Hindi naman niya ako tinawag kaya hindi na ako lumingon pa. Sabihin na nating binigay niya ang aking I.D kaya dapat lang na magpasalamat ako pero kasi siya ang dahilan ng lahat ng ito. Sana 'di na magkrus pa ang aming landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD