Chapter 24 -New chapter

2331 Words

NAGING masaya ang pamamasyal namin ni Ash sa park. Kaming dalawa lang dahil hindi na sumama si nanay sa amin. Gusto niya raw muna magpahinga at matulog. "Nanay, bili mo po ako no'n oh!" turo niya sa lobo na may mga disenyo na hayop at mga character na superhero. Humahaba pa ang kanyang nguso habang kumikislap ang kanyang mga mata. "Gusto mo ng balloon?" Tumango siya. "Opo!" masaya niyang tugon. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa damuhan at hinawakan ko ang kanyang kamay. Sabay naming pinuntahan si Manong na nagtitinda ng lobo. "Manong, magkano po?" tanong ko sa tindero. "Bente singko lang po, Mam," sagot naman niya. Binalingan ko ng tingin si Ash na nakatingala pa rin sa mga lobo. Halos mabali na ang leeg niya sa kakatingin doon. "Baby, pili ka na kung ano'ng design ang gust

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD