Ross POV Sa pagdating ng father in law ko sa bahay ay muling napuno ang bahay naming dito sa Pampanga. Masaya akong makita si Herald na Bumabalik sa dati. Hindi ko naman sinasabing may iba sa kanya this fast 5 months. It’s just parang may kulang pa din kahit na nakakangiti ito. Marahil ay dahil sa cold war na nangyayari sa kanilang magkakapatid. Dahil nga malapit na ang Birthday ng Daddy niya ay panapunta ng daddy nito ang kanyang panganay. Dala naman ni Kuya Rufert ang anak niyang kambal na subrang na miss ko din ang kakulitan at sweetness. Nagkaroon tuloy ng kalaro si Rafa. Madalas kasi ay lagi itong nag-aaya sa labas para maglaro sa mga bata sa labas. Ayaw naman naming sanayin ang bata na parating lumalabas kaya binibilhan siya ni Herald ng mga coloring books at mga learning materials

