Herald POV Habang inaayos ang kwartong tutulugan ni Daddy ay pumasok si Matty. “Sana tumawag ka man lang na pupunta na kayo. Hindi yung pabigla bigla.” Sita ko sa kanya. “Para namang sinasagot mo ang tawag at text ko, Kuya.” Pangangatwiran nito. May point naman siya. “E di sana yang sa Kuya Ross mo.” Ayaw mo pang aminin self na ikaw talaga mali. Ipapasa mo talaga sa kapatid mo. “Samahan mo ang Daddy dito. Sa taas kasi natutulog yung dalawa.” Pag-iiba ko ng usapan. Actually, dahil nga planong bahay bakasyunan ito ay ginawa itong two story with roof top. Sa first floor at may kwarto na for Dad at isang pang kwarto para sa nag-aalaga sa kanya. May isa pang room dito sa baba na ginawang office.Naroroon si Ross tuwing office time o tuwing mag ka meeting siya. Sa second floor naman ay m

