“OH MY GOD,” bulalas ni Janine habang nakatitig sa blangkong screen ng cellphone niya kinabukasan. Lowbat pala siya. Masyadong maraming nangyari kahapon na hindi niya alam kung kailan namatay ang cellphone niya. Napabuntong hininga siya at napalingon sa malaking glass window sa silid. May liwanag nang nakasilip mula sa siwang ng kurtina. Namilog ang mga mata niya. Anong oras na?! Mabilis na kumilos si Janine para umalis sa kama at magtungo sa banyo. Subalit napasinghap siya nang may brasong biglang pumaikot sa baywang niya at hinigit siya pabalik sa kama. “Saan ka pupunta?” paos at halatang kagigising lamang na tanong ni Draco. Isinubsob pa nito ang mukha sa lower back niya at hinalikan siya doon. Agad kumalat ang masarap na init sa buo niyang katawan subalit hinamig ni Janine ang saril

