MAINGAT na inilapag ni Draco sa kama si Janine. Pagkatapos ay hinawakan ang laylayan ng blouse niya at mapang-akit na ngumiti. “Let’s get you out of these clothes.” Umawang ang mga labi ni Janine ngunit hindi nagprotesta nang dahan-dahan nitong hubarin ang blouse niya. Napapikit siya at muling napaungol nang bawat pag-angat ng damit niya ay hinahalikan ni Draco ang balat niyang na-expose mula sa baywang niya, paakyat sa tiyan, paakyat hanggang sa pagitan ng kaniyang mga dibdib na ang takip na lamang ay bra. Nang matanggal nito ang blouse niya na hindi niya alam kung saan na napunta ay hinalikan nito ang kaniyang mga labi. “Next is the jeans,” usal ni Draco na hinawakan ang balikat niya at marahan siyang itinulak hanggang mapahiga siya sa kama. Muling lumapat ang mga labi nito

