Natensiyon si Janine at naramdaman niyang ganoon din ang nangyari kay Draco. Sa pagkakataong iyon ay nagpadala na siya sa udyok at tinangkang bawiin ang kamay. Subalit humigpit pang lalo ang hawak ni Draco sa kaniya kaya hindi siya nagtagumpay. “We are not blood-related.” Tumango si Camille at bumaling sa mga lalaki. “Nagpakasal ang mga magulang nila noong fifteen years old sila. Kaya kilala ko si Janine.” “Ah. Okay,” halos sabay-sabay na sagot ng mga lalaki. Subalit naramdaman ni Janine na nag-iba na ang paraan ng pagtingin ng mga ito sa kanila ngayon. Wala na ang panunudyo at ngiti. Pagtataka na ang nakikita niya sa mukha ng mga lalaki lalo na kapag pasimpleng sinusulyapan ang magkahawak nilang mga kamay ni Draco. Tumikhim si Mao. “Maupo na tayo para maka-order na ng pagkain. Gutom n

