Sandali pa silang nanatili doon bago bumalik sa reception area ng gallery upang kausapin si Mao. Nang makarating sila roon ay may kausap na itong matangkad na lalaki na mukhang may lahing banyaga. Napahinto sa pag-uusap ang dalawa nang maramdaman ang pagdating nila ni Draco. “Hey! Draco. Long time no see. Our appointment for my new tattoo is today right?” masiglang bati ng foreigner. Pero bigla ring natigilan nang mapatingin sa kaniya. “Or is this not a good time? You look busy, man,” pakindat pang sabi nito. Uminit tuloy ang mukha ni Janine at napasulyap kay Draco na ngumiti naman. Para bang balewala rito ang panunudyo ng foreigner. “It’s fine. I want to show here how I work too. That’s one of the reasons why I brought her with me.” Niyuko siya ni Draco at nginitian siya. “Hindi mo pa

