CHAPTER 27

978 Words

NAMILOG ang mga mata ni Janine nang sunduin siya ni Draco sa Visperas Hotel sa araw ng kanilang date. Doon kasi sila nagdesisyon magkita dahil kahit walang bumanggit sa kanilang dalawa ay alam nilang hindi magandang ideya kung sa bahay siya susunduin ng binata. Umangat ang mga kilay ni Draco at sinundan ang tinitingnan niya bago muling bumaling sa kaniya at ngumisi. “Bakit, akala mo ba iyong big bike ko ang gagamitin ko para sunduin ka?” Tumango si Janine. Ang alam lang kasi niyang gamit na sasakyan ng binata ay ang Ducati bike nito. “Hindi ko alam na may sasakyan ka at hummer pa,” manghang bulalas niya at muling napatingin sa itim na sasakyan. Makintab iyon, malaki at mukhang bad boyish. Parang si Draco. Milyon milyon ang halaga ng hummer. Gaano ba kalaki ang kinikita ni Draco sa pain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD