CHAPTER 28

1745 Words

PUMASOK sa fastfood chain sila Janine at Draco. Napatingin sa direkisyon nila ang ilang mga customer doon at hindi niya naiwasang mapansin ang kuryosidad at pagtataka sa mukha ng mga tao. Ang awkward ba nila ni Draco tingnan o mga regular customer ba ang mga tao roon at agad napansin na dumayo lamang sila kaya ganoon makatingin ang mga ito? Napakurap si Janine at bumalik ang atensiyon niya kay Draco nang maramdaman niya ang paglapat ng palad nito sa ibabang bahagi ng kaniyang likod. “Humanap tayo ng lamesa.” Ngumiti siya. “Hindi ba dapat umorder muna tayo sa counter?” Umangat ang mga kilay ni Draco. “Ako na lang ang oorder. Kung noong mga bata pa tayo ay ayaw mong ako ang magbayad ng kinakain mo, ngayon hindi na kita pagbibigyan.” Pagkatapos ay giniya na siya nito patungo sa isang baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD