CHAPTER 29

1048 Words

Uminit ang mukha ni Janine dahil sigurado siyang doble ang kahulugan ng sinabi ng binata. Nakikita niya iyon sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Napatikhim tuloy siya at para lamang maalis ang tensiyon ay sinimulan na lang niyang alisin ang wrapper ng burger. “Kumain na nga lang tayo.” Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Draco bago din nito inabot ang sariling burger. “Fine.” Sandaling natahimik sila pareho habang kumakain. Pagkatapos ay sinulyapan ni Janine ang binata at nagsalita, “Hindi mo pa nasasabi sa akin kung saan-saang mga bansa ka na nakapunta.” Ngumiti si Draco. “Marami na akong napuntahan.” Pagkatapos ay inisa-isa ng binata ang mga bansang narating na nito at ang mga naranasan nito habang naroon. Interesante ang mga kuwento nito at hindi nila namalayan ang oras. Aliw na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD