Dahil sa mga nangyari noong mga nakaraan ay hindi ko alam ang gagawin ko, hindi kasi ako pumayag sa gusto niya. Gusto niya na mag pakasal kami para raw madala ng mga anak niya yung surname niya at hindi lumabas na anak niya ito sa labas. Ang hirap pag hindi raw ako pumayag magpi-file raw siya ng full custody ng mga bata at gagawin niya raw ang lahat para makuha sa akin ang dalawa. Matapos nung pag-uusap namin nung araw na yun iyak lang ako ng iyak. Para kaming nagtatag of war sa karapatan namin sa mga bata. Hindi ko kakayanin na mawala sakin ang kambal sila ang buhay ko, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mang yari ang gusto ni Allen. "Maa! Kailan tayo uuwi?" pukaw na tanong ni Amara. Napatingin ako sa kanya, nginitian ko siya. "Mga two days pa tayo dito." paliwanag ko sa kan

